♤Fourty-Seven♤

133 4 0
                                    


Callirrhoe Titania Albertine

There are so many thoughts inside my mind. It's been a week pero hindi parin namin nahuhuli ang may kagagawan ng pagkawala ni Luna at hindi ko na alam ang gagawin ko. Iniisip ko rin ang biglang pananahimik ng pamilya ni Brentt. Alam ko na may binabalak sila at bilang isang kilalang pamilya at isa mga makapangyarihan alam kong hindi sila makakapayag na matapos lang lahat ng ganon na lamang. Natatakot parin ako sa mga susunod na araw dahil hindi ko pa alam ang mga pwedeng mangyari.

Napabuntong hininga na lamang ako nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin dito sa veranda ng aking kwarto. At hindi ko alam pero kusang napunta ang tingin ko sa kanluran. Naalala ko ang tagpo namin ni Kaizer noon na nay hawak na ilaw para malaman lang namin na nakikita namin ang isa't isa.

"Calli, it's cold and late bakit hindi ka pa natutulog?" Naputol ang iniisip ko nang marinig ko ang boses na 'yon ni Kaizer. Hindi ko sya sinagot kaya lumapit na sya sa akin at niyakap ako mula sa likod. He always do this lately and I am starting to love this kind of hugs from him.

"I can't sleep." I whispered and I heard him let out a deep breath.

"You shouldn't let yourself stress Calli. You are pregnant and it's bad for you to have a sleepless nights."

"I know but I just can't sleep. Ilang gabi na akong hindi pinapatulog ng konsensya at ng pag-aalala ko."

"You shouldn't think too much Calli. Ginagawan na namin ng paraan para maayos na ang lahat kaya wala ka nang dapat na ipag-alala pa." Alan kong pati sya ay pagod na dahil ilang beses ko na syang hindi nakikitang nakakatulog ng maayos. Palagi ko syang nakikitang nakaharap sa laptop nya at palaging mayroong kausap sa telepono.

"I'm sorry Kaizer."

"Ayan ka nanaman sa sorry mo. How many times do I have to tell you that you didn't do something wrong?" He sincerely said. Hindi ko alam siguro ay masyado akong nagiging emosyol ngayon dahil sa pagbubuntis ko. At may sasabihin pa sana ako nang may marinig kaming katok mula sa pinto. Pinagbuksan naman agad 'yon ni Kaizer kaya nakita namin na si Momma pala ito.

"It's late Momma, is there something happened?" Tanong ko agad sa kanya.

"Pinapatawag tayong lahat ng Emperor." Nagtataka naman kaming nagkatinginan ni Kaizer.

"Gabing gabi na para saan daw? Calli needs to rest." Mahinahon na sabi ni Kaizer pero nagkibit lang ng balikat si Momma.

"Let's go maybe this is so important." Sabi ko sa kanila kaya kinuha ko na lamang ang robe ko at sumama na sa kanila papunta kina Pére.

Pagdating namin doon ay nakaupo na silang lahat at kami na lang nina Momma ang hinihintay. This time kasama na namin sina Dion at Asher. Ngayon ko lang sila ulit nakitang seryoso.

"What's this meeting about Pére?"

"About the Kingsley Empire. They sent us a letter."

"A letter of what?" Tanong ko sa kanila kaya lumapit ang isang sundalo at iniabot kay Pére ang sulat na nagmula sa Kingsley at saka ito ipinabasa sa akin.

"Pupunta sila dito bukas?" Nagtatakang tanong ko sa kanila at saka ipinakita ang sulat kay Kaizer at ipinabasa rin naman nya ito sa iba pang nandoon.

Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon