Callirrhoe Titania AlbertinePagkatapos ng pag-aaway na 'yon ay hindi ko na nakita si Luna dito sa Tower. Siguro ay mas pinili na lang nina Bonham na wag na lang talaga kaming pagsamahin sa isang lugar dahil nagiging disaster lang. Akala ko pa naman ay magiging maayos na ang lahat kahit pansamantala lang noong nalaman ko na mahal ko na si Kaizer pero hindi pala. Mas lalo lamang gumulo ang lahat. Dahil sa halip na sarili ko lang ang iniisip ko ngayon para makatakas sa pamilya ko, ngayon ay nag-aalala na rin ako para kay Kaizer at para sa mga kaibigan nya.
I admit that I don't even know what to do kapag nalaman o nahanap nila kami or nakuha nila ako. Tama bang igive up ko na lang si Kaizer para hindi na sya madamay pa sa gulong 'to?
Nawala ang iniisip ko nang makita ko si Luna na tumatakbo papunta doon sa dulong parte ng isla. Tanaw na tanaw ko sya at mukhang may pinagtataguan pa sya. Huh! Ano nanaman kaya ang gagawin ng babaeng 'to? Gagawa na ba sya ng patibong para makaganti sa akin? I have a bad feeling with her kaya agad akong bumaba ng veranda. Pagkababa ko ay dumeretso ako kung saan ko nakita si Luna pero hindi ko na sya makita.
"Je suis peiné j' fis pas réspose à tes appel."
Biglang naagaw ang tingin ko nang marinig ko ang boses na 'yon ni Luna. I understand what she is saying. How did she know how to speak French? At sinong kausap nya?
"Si. Je juste volâmes ma frère téléphone à parlons à te."
Sabi nito sa kabilang linya kaya lumabas na ako sa pinagtataguan ko at hinablot ang telepono na hawak nya saka ko 'yon sinira sa harap nya.
"C-Calli?" Gulat na gulat na tanong nito sa akin.
"So tama talaga ang hinala ko? Huh! Bakit pa nga ba ako magtataka?" Seryosong sabi ko sa kanya at kitang kita ko ang paglagok nya ng laway kaya natawa na lang ako.
"What are y-you talking about?"
"Sinong kausap mo?" Matigas na sabi ko sa kanya.
"Just a f-friend at saka a-ano bang pakealam mo?"
"What do you think of me? Stupid? Para sa tingin mo ay maniniwala ako sa palusot mo?" Malakas na sigaw ko sa kanya dahil sa sobrang inis ko.
"Ano bang s-sinasabi mo? It's my just friend!"
"Your friend? Really? O isa na 'yon sa mga humahanap sa amin?"
"Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo!" Sabi nito sa akin saka nya ako tatalikuran pero pinigilan ko sya. Hindi pa ako tapos sa kanya. Hindi ko mapapalampas 'to.
"Anong sinasabi mo sa kanila? Hindi mo ba alam na hindi lang ako ang ipinapahamak mo kundi pati na rin si Kaizer, ang kuya mo at ang mga kaibigan mo!"
"Wala akong sinasabi!"
"Sinungaling! I understand French Luna. Nakalimutan mo bang Frances ako?!" Malakas na sigaw ko sa kanya at kulang na lang ay sampalin ko sya dahil sa inis ko ngayon.
"W-Wala akong ginagawa." Pag-mamaangmaangan parin nya sa akin kaya sa inis ko ay iniwan ko na sya doon dahil baka hindi ko sya matantya at may magawa ako sa kanyang hindi maganda. Kaizer needs to know that someone is a traitor here.
"Ouch!" Napasigaw ako nang biglang may humampas sa likod ko kaya napahiga ako sa lupa. Hindi ko na kaylangang tingnan pa kung sino ang gumawa noon sa akin.
BINABASA MO ANG
Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]
RomanceKaizer Colton is the king of racing. He's ruling the racing world. He has the fame, the powerfull name, the perfect face and the wealthy life. But there is one thing he can't have and it's Callirhoe Titania Albertine. Hanggang saan aabot ang pagmama...