♤Thirty-Two♤

146 6 0
                                    


Callirrhoe Titania Albertine


"Let's have our dinner Calli." Nawala ang iniisip ko dahil sa biglang pagpasok ni Kaizer sa kwarto ko. Hindi ko sya nilingon at nanatili lang ang tingin ko sa maingay na dagat.

"Calli." Tawag nya ulit sa akin pero determinado akong hindi kumain ngayon dahil nandito sina Bonham at ang kapatid nyang actress. Oo sinundan nila kaming lahat hanggang dito sa Tower.

"Ayoko Kaizer kayo na lang."

"Sorry na kung nandito ngayon sina Bonham, kaylangan ko lang sila nagyon dahil may pag-uusapan kami mamaya." Sabi nito sa akin at naramdaman ko na ang yakap nya mula sa likod ko.

"Wala naman akong sinasabi na huwag mo sila papuntahin dito hindi ba?" Sabi ko sa kanya dahil umiiwas talaga ako sa kanila dahil di ko mapigilan na makaramdam ng inis dahil kahit di nila pinapahalata ay nararamdaman ko ang gap nila sa akin at halatang nasa panig sila ni Luna.

"I know but you're mad at me."

"I'm not."

"If that's so, let's have our dinner now." Sabi nya sa akin kaya napabuntong hininga na lamang ako sa kanya saka ko nagderetso sa pinto.

"Where are you going?" Kunot noo na tanong nya sa akin kaya napataas ang kilay ko sa kanya.

"To the dinning area?" Pilosopong sabi ko sa kanya kaya natawa naman sya sa akin saka sya nagmamadaling lumapit sa akin.

"I thought you're mad at me."

"Hindi, kaya nga sasamahan kita mag-dinner eh." Sabi ko sa kanya pero pinisil nya lang ang ilong ko saka nya ako inakbayan papunta sa dinning area. Pagdating namin doon ay nakaupo na silang lahat. Si Dion, Asher at ang magkapatid ni Bonham. Hindi ko na tiningnan si Luna dahil baka masira ang appetite ko. Pagtapat namin doon ay ipinaghila agad ako ni Kaizer ng upuan at ipinaglagay ako sa plato ko ng kanin.

"What do you want Calli? I cook this for you." Tanong sa akin ni Kaizer at kahit hindi ko tingnan ngayon ang mga kasabay namin ay alam kong nakatingin silang lahat sa akin at ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko pero gusto kong iparamdam kay Luna kung sino ba ako kay Kaizer. Gusto kong makaramdam sya ng inggit nang sumuko na sya sa pag-asa kay Kaizer.

"I want that Kaizer can you give me some?" Sabi ko kay Kaizer na kunwaring nagpapa-cute pa kaya narinig ko ang pagkasamid ni Asher na ewan ko ba kung natatawa.

"Okay." Natatawa namang sabi ni Kaizer sa akin saka ako ipinaglagay ng ulam na gusto ko sa plato ko.

"Masarap ba 'to?" Pagbibiro ko pa sa kanya.

"Oo naman kasing sarap ko." Sagot naman ni Kaizer na may kasama pang kindat. Gusto kong tumawa sa itsura nya pero pinipigilan ko lang. Minsan napapakinabangan rin pala ang pagiging pilyo nya.

"Manaya ka sa akin." Sabi ko sa kanya sabay kagat labi na kunwaring kinikilig pa sa kindat nya. Gusto ko na lang maduwal sa ginagawa ko nang marinig ko ang pekeng pag-ubo ni Bonham.

"Let's eat?" Rinig kong sabi nito kaya nilagyan ko na ng pagkain ang kutsara ko at itinaas 'yon na para bang inaalok ko sila saka ko 'yon isinubo.

"Hmmnn masarap nga parang ikaw Kaizer." Komento ko nang matikman ko ang pagkain at si Kaizer naman ayon mukhang mabubulunan.

"Try this Calli ako ang nagluto nito." Napatingin naman ako kay Luna na ngayon ay may iniaalok sa akin na pagkain. Pinagmasdan ko ang pagkain na 'yon at may napansin akong kakaiba. Itatago na nga lang nya 'yong sili hindi pa 'yong sure na hindi ko makikita.

"No thanks baka napaglipasan na yan or expired na." Sabi ko sa kanya at ipinagdiinan ko pa ang bawat words na sinabi ko sa kanya. If she's a bitch well I am the original bitch here.

Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon