Callirrhoe Titania Albertine
"Sayo ba talaga lahat ito?" Di parin makapaniwala na tanong ko sa kanya habang nandito kami sa pinakatuktok ng kanyang bahay at mula dito ay tanaw namin ang kabuoan ng buong isla. Wala akong matanaw na kahit ano kundi ang dagat lang at puting buhangin at ang mga bahay sa baba na pag-aari rin pala nya. I didn't expect that he is this rich.
"Hindi ka ba naniniwala sa akin?"
"Nakakapagtaka lang kasi, nakuha mo ba lahat 'to dahil sa racing?"
"Racing is just my hobby Calli hindi ko naman trabaho 'yon. I owned a car company. Dion, Bonham, Asher and I has a plane and airline business. And this place is mine pera ko ang ibinili nito." Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya. Doon pa nga lang sa mansion nya sa bundok ay daang milyon na ang halaga edi lalo naman 'tong isla nya. This isn't new for me, unang tingin ko pa lang sa mga bahay nya ay alam kong sumisigaw 'yon ng milyones.
"And you see, I can give the life you want like a princess." Seryosong sabi nya sa akin pero umiling lang ako sa kanya.
"You didn't really know me Kaizer."
"What do you mean?" Tanong nya at napabuntong hininga lamang ako sa kanya saka ako naupo sa isang sun lounger na nandoon sa tapat ng pool.
"I never dream this kind of life. Kahit kelan ay hindi ko nagustuhan na mabuhay sa mundo na kinagisnan ko. Siguro ay iniisip mo na masyado akong matapobre at mamahaling bagay lamang ang gusto but it wasn't me. All I want is just a simple life. I don't need so much wealth,I don't wanna to be a heiress. What I want is just peace of mind." Seryoso kong sabi sa kanya.
"Kaya pala umalis ka sa inyo."
"It's not just the reason."
"Then what is it?"
"Hindi mo na kaylangan malaman."
"Dahil ba sa Dawson na 'yon? You don't want to marry him right?"
"Ngayon oo."
"So gusto mo sya pakasalan noon?" Napatingin naman ako sa kanya dahil nahihimigan ko ang pagkairita sa boses nya.
"Of course because I thought we will be together. He was my bestfriend since we were little. Sya lang ang kakampi ko noon until we found ourselves falling for each other. Kung hindi lang nangyari ang nangyari ay baka kasal na ako ngayon at wala ako dito kasama ka." Sabi ko sa kanya at sarkastikong tumawa.
"Kung ganon ay naging kayo?"
"Parang ganon na nga." Simple kong sagot at saka ako tumingin sa kanya. His jaws are now clenching and his eyes looks so furious. Ano namang problema nito?
"Do you still love him?" Tanong nya sa akin habang di parin ako tinitingnan.
"Why do you want to know? Mahalaga pa ba 'yon?"
"It's important to me Calli." Madiin na sabi nya sa akin na ngayon ay deretso nang nakatingin sa akin gamit ang mga mata nyang di ko maipaliwanag kung galit ba o nagtatanong.
"N-No." Sagot ko sa kanya na muntik nang pumiyok dahil sa pagka tensyon ko sa titig nya.
"Alright." Sabi nya sa akin saka sya tumayo at umupo sa likudan ko at walang sabihing ipinulupot ang braso nya sa bewang ko. Naiinis naman akong tumingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]
RomanceKaizer Colton is the king of racing. He's ruling the racing world. He has the fame, the powerfull name, the perfect face and the wealthy life. But there is one thing he can't have and it's Callirhoe Titania Albertine. Hanggang saan aabot ang pagmama...