Callirrhoe Titania AlbertineDays had passed and they didn't allow me to leave my room. Araw araw na pumupunta si Brentt para dalawan ako pero wala akong ibang ginawa kundi ang hayaan lang sya at hindi sya intindihan. Maghapon akong nakahiga sa kama ko o kaya ay tumatanaw sa veranda kapag gabi. Dinadalhan lang nila ako ng pagkain pero halos hindi ko 'yon makain sa dami ng iniisip ko. Mabuti na lamang at nandyan si Momma at palagi nya akong dinadalaw. At katulad nga ng gabing ito, nandito ako sa veranda at malayo ang tanaw. Parang tanga na umaasang baka matatanaw ko mula dito kung nasaan man si Kaizer.
Ilang araw ko nang iniisip kung paano ba ang gagawin ko dahil kailangan kong mag-ingat dahil hindi na lang sarili ko ang iniisip ko ngayon.
"Titania." Napatingin ako sa pumasok ng kwarto kong 'yon. Si Momma. Nilapitan nya ako dito sa veranda at may iniabot sya sa akinng puting panyo. Nagtataka naman akong tumingin sa kanya pero sinabi nya lang na buksan ko ang panyo.
"Someone gave me that. His face is more handsome and charming than a prince. His skin is slightly tanned and his features is so rough and strong. He has a jet black hair which is slightly waivy like the waves in the ocean. His eyes is full of determination and eagerness to save his lady. And he say some words to me." Ny heart starts to be heavy when I heard what she is saying. Sa salita pa lang nya ay alam kong galing ito kay Kaizer. Paulit ulit kong binasa ang nakasulat sa puting panyo dahil binibigyan ako noon ng pag-asa.
I love you Calli. Just wait for me and I will save you. I miss you so much. Please don't loose hope. Sandali na lang.
"What is it Momma? Tell me." Sabik na sabi ko sa kanya dahil gusto kong malaman ang sinabi ni Kaizer sa kanya. Ibig sabihin nito ay nandito sya. Sinundan nya ako.
"Sinabi nyang tumingan ka sa kanluran at kapag daw nakita mo ang puting liwanag doon, sya 'yon at gusto nyang malaman mo na nakikita ka nya." Awtomatiko akong napatingin sa kanluran pero wala akong makitang kahit na anong liwanag. Halos tumalon na ako sa veranda para lang hanapin ang ilaw na 'yon pero wala akong makita. Pumasok ako doon sa loob at kumuha ng isang kahit na anong ilaw at itinaas 'yon.
I am here Kaizer!
Sigaw ko sa isip ko. Bakit hindi ko sya makita.
"He is n-not there Momma." Bigong bigo na sabi ko sa kanya. Papasok na sana ako ng kwarto ko nang pigilan nya ako.
"Look again iha. Remember what he said to you."
Please don't loose hope.
Sabi nito sa akin pinilit kung tumanaw ulit sa malayo at ihinala ang paningin ko. Umaasa na makkita ko sya. Kahit 'yong liwanag na 'yon man makita ko. I miss him so much.
"There." Rinig kong sabi ni Momma sabay turo sa direksyon kung saan nasaan ang ilaw. Napakaliit noon at sa tingin ko ay napakalayo.
I can't understand what i feeling right now. I am so happy but at the same time scared because what if they caught? But this time I will still hold on to this small hopes he can give. Even in this small things he is giving me an assurance that we will be still together no matter what because he is doing everything to make it come true.
"Hey b-baby, it's your Dad." Nauutal na sabi ko habang iwinawagayway parin sa ere ang hawak kong ilaw na sana ay natatanaw din nya habang hawak ko rin ang tyan ko at kinausap ang bata doon na para bang naririnig nya at naiintindihan ang nararamdaman ko. Pero nawala ang ngiti ko nang bigla na lang mawala ang ilaw na 'yon. Umalis na sya.
"Hanga ako sa lalaking 'yon. Sinundan ka nya hanggang dito. Ginagawa nya ang lahat nang paraan para sayo. Kaya ikaw, magtiwala ka lang sa kanya. Huwag kang sumuko dahil sya? Puno sya ng determinasyon na matatapos din lahat ito. Nang makita ko sya kanina. Nakadamit sya ng isa sa mga sundalo natin. Sa galing nya ay hindi mo mapapaghalataan na iba sya sa atin. Hindi lang sya determinado dahil matapang din. Hindi nya inisip na maari syang mahuli sa ginawa nya para sayo."
"K-Kaizer." Umiiyak na sabi ko lang. I have nothing to do but just to call his name. Ano bang plano nya? Natatakot ako.
"Don't cry Titania. Be strong for all the reasons you have to still fight. Hindi nya gugustuhing makita kang ganito. And the baby. Gusto mo bang makasama ito sa kanya?" Umiling lang ako sa kanya. Ang baby.
"Isipin mo na lang na lahat nang ito ay pagsubok lang sa inyong dalawa. At may rason kung bakit ito nangyayari. Matatapos din ang lahat pagkatapos ng tatlong araw." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi nya.
"Tatlong araw? Kasal na namin 'yon ni Brentt hindi ba?"
"The third day is not just your wedding Titania. Magtiwala ka lang. Lakasan mo ang loob mo. Kung ano man ang mangyari sinabi nya sa akin na isipin mo ang sarili mo. Kapag dumating ang araw na kaylangan mo syang iligtas, mas piliin mo iligtas ang sarili mo dahil sinabi nya sa akin na, kakayanin nya lahat." Lalo akong naguluhan sa sinabi nya.
"Anong ibig mong sabihin Momma? Hindi ko maintindihan." Naffrustrate na tanong ko sa kanya pero inilagay nya lang ang daliri nya sa mga labi nya sinasabing tumahimik ako. Ano bang nangyayari.
"Yon lang ang sinabi nya sa akin. Magtiwala ka lang sa kanya. Yon lang ang gusto nyang gawin mo para sa kanya."
"How can I do that Momma? I am scared." Sabi ko sa kanya at napasandal na lang ako sa konkretong railings ng veranda. Hindi ko maramdaman ang malamig na hangin dahil mas lamang sa akin ang takot ngayon. Tumingin lang ulit ako sa sireksyon kung saan ko nakita ang ilaw kanina ni Kaizer. Bakit natatakot ako sa nalaman ko Kaizer? Ano bang gagawin mo?
"Maaring nakakatakot ang maaring mangyari pero ito lang ang paraan. At sa tingin ko naman ay may kakayahan sya na gawin ang kung ano mang nasa isip nya dahil mukhang may kaya rin sya. Hindi ko alam kung saan nagmula ang lalaking 'yon pero sa ikinikilos nya ay hindi sya basta basta. Kaya tiwala rin ako na makakaya nya lahat. Gusto nyang subukan ang lahat nang paraan na alam nya para sayo."
"You can't understand Momma. Mainit sya sa mga mata ng magulang ko at kapag nakita sya ng Empress at lalo na ni Brentt ay hindi sila magdadalawang isip na patayin si Kaizer."
"Kilala ko ang Empress, Titania. Hindi nila ito gagawin ng basta basta. Hindi nila pwedeng basta patayin ang lalaking 'yon ng kita ng lahat at ipag-utos nya na patayin ito ng walang paglilitis dahil maari syang ipatanggal ng mga konseho sa trono nya. At alam kong hindi ito gagawin ng Empress o manging ng Emperor para lang mailigpit ang lalaking 'yon." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi nya. Pero mas kilala ko ang aking ina. Marumi syang kalaban sa mga ganito. Kunwaring ipapakita nya na maayos at diplomatiko syang tao pero ang totoo ay iniisip na nya kung paano ka didispatsahin sa dadaanan at hangarin nya. Ganon sya kasama.
"Hindi ko alam Momma. Natatakot parin ako para kay Kaizer. Alam kong gagawin nila ang lahat para lang hindi ako maging masaya."
"Don't say that Titania. Nagkataon lamang na mas iniisip ng mga magulang mo ang mga nasasakupan nila at ang kapakanan ng nakakarami. Sila ang ina at ama ng emperyong ito at kahit hindi mo tanggapin ay kahati mo ang mga nasasakupan nyo sa atensyon nila para sayo."
"Pero tama pa ba ang ginagawa nilang ito? Tama bang ipakasal nila ako sa lalaking alam nilang niloko ako? Kung hindi lang ako nawalan ng malay noong araw na nahuli ako ni Brentt ay napagsamantalahan na nya ako! Paano nila nasisikmura na ibigay ako sa ganoong klase ng lalaki? Isa lang ba akong bagay na iaalay sa gusto nilang poon?"
"Calm down iha. Wag mong sabihin 'yan." Pagpapakalma nito sa akin saka ko naramdaman ang mahigpit nyang yakap. Hindi parin mawala ang takot sa dibdib ko. Halo halo na ang tumatakbo sa isip ko.
Hindi ko na alam ang uunahin ko. Pag-aaalala, takot, at pagmamahal ko kay Kaizer. Natatakot ako para sa kaligtasan nya. At ano ang tatlong araw na sinasabi nya? Anong pwedeng mangyari sa pangatlong ataw na 'yon? Ano bang iniisip nya?
Sana lang ay hindi sya mapahamak sa kung ano mang mangyayari dahil hindi ko na alam kung anong pwede kong gawin kapag nangyari 'yon.
Kung gusto nila ng gyera at ibibigay ko sa kanila 'yon.
xyvil_keys
BINABASA MO ANG
Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]
RomanceKaizer Colton is the king of racing. He's ruling the racing world. He has the fame, the powerfull name, the perfect face and the wealthy life. But there is one thing he can't have and it's Callirhoe Titania Albertine. Hanggang saan aabot ang pagmama...