Callirrhoe Titania Albertine
"I'm sorry nabigla lang ako." Pagsosorry ko sa kanya dahil mukhang hirap syang maglakad ngayon. Papunta kami ngayon sa garden at mukhang hapon na kami uuwi dahil mukhang di sya makakalakad ng matagal sa nangyari.
"It's okay kahit na mukhang nabagok na yata ako sa sipa mo." Sabi nya sa akin at naubo na doon sa isang duyan na yari sa kawayan yata 'yon. Basta mukha syang kahoy pero manipis. Tumabi naman ako sa kanya at ipinatong ang magkabila kong binti sa hita nya.
"Kasalanan mo rin naman kasi." Bulong ko.
"Kasalanan ko pa talaga? Ikaw na na nga ang hinalikan ko ikaw pa nanipa." Pinanlakihan ko naman sya ng mata saka ko sya binigyan ng isang hampas sa braso. Umiiral nanaman ang pagiging mayabang nya.
"As if naman na nagustuhan ko ang halik mo!"
"Hindi? Kaya pala statwa ka kanina at di man lang gumalaw agad." Binigyan ko ulit sya ng isang hampas dahil doon.
"Ouchhhh! Nakakarami ka na huh?" Sabi nya sa akin at hinawakan yong braso nya na hinampas ko. Tingnan mo napaka arte.
"Arte mo huh?" Sabi ko sa kanya at sumandal doon sa duyan na parang nakahiga habang nasa hita parin nya ang mga binti ko. I feel so comfortable. Nakakarefreash ang simoy ng hangin at talagang inaantok ako sa mabagal na ugoy ng duyan.
"What's the meaning of this?" Rinig kong tanong nya at inginuso ang binti ko.
"Give me a massage."
"Seriously? Pagkatapos mo ako bugukin ay uutusan mo pa akong magmassage sayo?" Natatawang sabi nya sa akin.
"Paano mo naman nasabing bugok ka na? Tsk!"
"I'm not sure pero kung gusto mo makasigurado? Pwede naman nating subukan." Sabi nito sa akin at hinawakan na nito ang binti ko at kunwaring itataas ang laylayan ng dress ko. Iniangat ko naman ang paa ko at pabagsak kong ibinaba ang paa ko sa binti nya kaya napasigaw nanaman sya.
"Palala ng pala ang pagiging brutal mo huh?!"
"At dahil 'yon sayo!"
"Dahil sa akin?" Sabi nito sa akin na parang gulat na gulat at itinuro pa ang sarili nya.
"Oo sino pa ba? Alangang ako?"
"Yeah yeah yeah! Oo na ako na." Pagsuko nya sa akin saka sya sumandal doon sa kabilang side ng duyan at naramdaman ko na lang na minamassage na nya ang mga binti at paa ko. And I can't stop myself from smiling.
"Why are you smiling?"
"Kapag ba ngumingiti kaylangan may dahilan pa?"
"Sa ilang araw kasi kitang kasama ngayon ko lang nakita yang ngiti na 'yan. Kasi kadalasan nakabusangot ka."
"Kung ayaw mong makita akong nakabusangot, pwes wag mong dalasan ang pang-iinis mo sa akin."
"Kelan kita ininis?" Nagtatakang tanong nya sa akin kaya sarkastiko akong natawa sa kanya. Tinatanong pa talaga nya.
"All the time Kaizer."
"All the time?" Pag-uulit nya sa sinabi ko.
"I always please you Calli, tapos sasabihin mo inaasar kita?"
BINABASA MO ANG
Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]
RomanceKaizer Colton is the king of racing. He's ruling the racing world. He has the fame, the powerfull name, the perfect face and the wealthy life. But there is one thing he can't have and it's Callirhoe Titania Albertine. Hanggang saan aabot ang pagmama...