Callirrhoe Titania Albertine
"Kaizer natatakot ako. Ang anak natin." Natatakot na sabi ko sa kanya habang iniikot nya ang kotseng sinasakyan namin at iniwan namin sina Dion doon na iniubos ang mga kawal ng emperyo. Naramdaman ko lang na hinawakan nya ang kamay ko na nakahawak sa tyan ko. Pilit nyang pinapalakas ang loob ko pero natatakot talaga ako.
"I won't let anyone hurt you." Sabi nya sa akin habang deretsong nakatingin sa daan.
"Saan tayo pupunta? Hindi nila tayo titigilan." Umiiyak parin na sabi ko sa kanya.
"At si Emperor David, ang ama ni Brentt! He is in danger! Papatayin sya ni Empress Augusta!" Nagpapanic na sabi ko sa kanya.
"Then let them die Calli! Ikaw lang at ang anak natin ang mahalaga sa akin ngayon!" Sigaw nya sa akin at napahawak ako nang biglang tumigil ang sasakyan namin.
"Anong nangyayari?"
"Shit!" Sigaw nya at saka nya pinabalik ang kotse. Sinagasaan nya ang lahat nang kahit na anong daanan namin. At ang buong lugar, sirang sira na. Siguradong ang mga bisita ay nag-unahan nang umalis at ayaw madamay sa kaguluhang ito. Nakita ko sina Dion at meron na silang mga sugat. Napapikit na lang ako dahil doon dahil ako ang pinagmulan ng lahat. Mapapatawad pa kaya nila ako?
"Let's go to Pére Kaizer." Pikit matang sabi ko sa kanya.
"Who's Pére?"
"To my father!"
"What? Hindi sya makikinig sayo!"
"Just trust me Kaizer! Hindi ito matatapos sa pagtakas." Halos hindi na ako nakahinga dahil sa frustration ko sa nangyayari.
"Paano kung hindi nya tayo pakinggan? Ayoko nang mawala ka sa akin! Magkaka-anak na tayo Calli! Hindi ko kakayanin kapag nakuha ulit nila kayo sakin!"
"Listen to me Kaizer, hindi na nila ako makukuha sayo. I'd rather die with you than to be imprison in that castle for my whole life!"
"Don't talk about death Calli please! Where's Pére?" Tanong nya sa akin kaya itinuro ko sa kanya kung saan at pagbaba namin ng kotse ay nakita ko ang taong kausap ni Empress Augusta. Ang emperador.
"Kaizer barilin mo sya!" Sabi ko sa kanya at itinuro ang direksyon ng lalaki pero huli na ang lahat tinamaan ito ni Kaizer pero nabitawan na nito ang pana. Awtomatikong dumeretso ang paningin ko kung saan patungo ang palaso at laking gulat ko nang makita ko kung sino ang tinamaan. Hindi si Emperor David.
"L-Luna." Hindi ko halos mabigkas ang pangalan nya. Sinangga nya ang palaso na para sa Emperor. At si Momma, anong ginagawa nya doon?
"Calli!" Sigaw ni Kaizer at pilit na hinila ako paalis doon pero blanko ang isipin ko. Bakit nta iniligtas ang Emperor? Hindi kay-
"Calli! Fuck! Where's your father!" Nagulat ako sa sigaw na 'yon ni Kaizer kaya nagising ako sa mga tanong ko. Nakita ko na lamang na papasok na kami ng bulwagan. Siguradong nasa pinakamataas na tore sila.
"Doon tayo!" Sabi ko kay Kaizer at hinila sya paakyat pero hindi pa man lang kani nakakalayo ay sinalubong na kami ng ilang kawal. Wala akong ginawa kundi ang tumakbo hawak ang kanay ni Kaizer at parang walang pakialam kung tamaan man ako ng bala. Habang si Kaizer ay pilit na pinapaputukan ang mga sumusunod sa amin.
BINABASA MO ANG
Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]
RomanceKaizer Colton is the king of racing. He's ruling the racing world. He has the fame, the powerfull name, the perfect face and the wealthy life. But there is one thing he can't have and it's Callirhoe Titania Albertine. Hanggang saan aabot ang pagmama...