Callirrhoe Titania AlbertineLumabas kami ng palasyo at doon namin nakita ang lahat nang naging pinsala na idinulot ko. Oo, masakit pero aaminin ko na ako ang dahilan kung bakit umabot sa ganito. Nagkalat ang mga katawan ng mga naka-itim at puti at dilaw na kawal. Maraming namatay na kawal sa pagitan ng aming emperyo at ng emperyo ng Kingsley maging sa parte nina Kaizer pero ang natitira lang na nakatayo ay ang mga kaibigan ni Kaizer. Wala na ang kahit na anino ng pamilya ni Brentt at kahit sya ay hindi ko na maaninaw pa. Pero ang pinakamasakit na nakita ko ay si Bonham. Hawak nya ang katawan ni Luna na may tama pa ng palaso sa dibdib habang nandoon din si Momma at umiiyak sa isang tabi at hawak ang kamay ni Luna.
"Titania where are you going?" Tanong sa akin ni Pére pero tuloy lang ang paa ko patungo sa direksyon nina Bonham. Halos naging mabigat ang paa ko sa bawat paghakbang papalapit sa kanila. Ito ba ang kapalit ng kaligayahan ko? Maiintindihan ko kung hindi na nila ako mapapatawad sa pagiging makasarili ko. At nang makita ko ang mga mata ni Bonham ay hindi ko na rin napigilan ang luha sa mata ko.
"This is all my fault." Umiiyak na sabi ko sa kanila at tuluyan nang nawalan ng lakas ang mga binti ko at tuluyan na akong bumigay. Mabuti na lamang at nasa likod ko si Kaizer at naalalayan pa nya ako.
"Calli." Bulong sa akin ni Kaizer pero umiling lang ako sa kanya. Himdi ko kayang humingi ng kapatawaran sa kanila dahil napakalaking pabor noon sa laki ng kasalanan ko sa kanila.
"Alam ko na sa simula pa lang na hahantong ito sa labanan pero itinuloy ko parin. Gustuhin ko mang humingi ng kapatawaran ay hindi ako karapat dapat para hingin pa 'yon." Umiiyak na sabi ko sa kanila pero nagulat ako sa sinabi ni Bonham.
"It's not your fault Calli. Luna wants this. She insisted for the sake of Kaizer. She told me that if she can't have Kaizer, she better do any ways to make Kaizer happy and that is by saving you. And sadly, she died in this arrow for her own father who disown her." Malungkot na sabi ni Bonham dito kaya lalo akong naguluhan. Napatingin ako kay Kaizer at mukhang hindi nya rin ito alam.
"Momma?" Tanong ko kay Momma dahil pati sya ay sobra ang pagluluksa sa pagkawala ni Luna.
"Anak ko si Luna kay Emperor David, Titania." Basag ang boses na sabi sa akin ni Momma at halos hindi maproseso ng utak ko ang sinasabi nila.
"She's your daughter? H-How?" Naguguluhang tanong ko kay Momma at nakita kong pumikit lang sya at hinawakan ang kamay ni Luna. Nawalan sya ng anak at naiintindihan ko kung gaano kasakit 'yon.
"Bago pa ako mapunta sa emperyong ito, naging isa ako sa mga babae ng Emperor at nagkaroon kami ng lihim na relasyon ni Emperor David at nang malaman nya na nabuntis ako ay ipinatapon nya ako sa labas ng emperyo ng Kingsley hanggang sa dito ako napunta at naging tagapag-alaga mo bilang kapalit ng pagtanggap nila sa akin dito. Dito ko ipinanganak si Luna hanggang sa lumaki sya at nagdalaga at hinanap nya ang kanyang ama. Sinabi ko sa kanya ang katotohanan kaya lubos syang nagalit sa akin at itinakwil nya ako. Umalis sya at kahit kelan ay hindi na sya bumalik pa. Hindi ko na sya hinanap dahil sa wala naman akong kakayahan at alam kong hindi na nya ako matatanggap pa dahil isang kirida lang ang kanyang ina." Mahabang kwento ni Momma at saka lang nag-sisink in sa akin ang lahat. Kaya pala nya sinalo ang pana na para kay Emperor David dahil ito ang ama nya at ina nya si Momma.
"And we found Luna on the street dirty and begging for help on us so we help her and let her be a part of our family. We named her Victoria but she don't want to get rid of her true name Luna so we just named her Victoria Luna and gave her our family name. And now, we didn't know that this will end up here." Digtong naman ni Bonham saka nya pinagmasdan ang mukha ng itinuring nyang parang isang tunay na kapatid. Dinudurog ang puso ko sa nakikita ko. How can I be selfish like this?
BINABASA MO ANG
Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]
RomanceKaizer Colton is the king of racing. He's ruling the racing world. He has the fame, the powerfull name, the perfect face and the wealthy life. But there is one thing he can't have and it's Callirhoe Titania Albertine. Hanggang saan aabot ang pagmama...