Callirrhoe Titania Albertine
Tahimik lang kaming kumakain ni Kaizer. Walang may gustong magsalita sa amin pero kita ko na sa ngisi nya kung gaano nya gusto mang-asar. Matapos nyang magsalita kanina ng kung ano sa akin ito sya at mukhang nababaliw na talaga."Sige na mang-asar ka na alam ko naman na kanina mo pa gustong simulan ang pang-iinis sakin." Sabi ko sa kanya at pinunasan ang bibig ko.
"What are you talking about?" Natatawang sabi nya sa akin at mukhang tapos na rin syang kumain.
"Kanina ka pa ngumingisi dyan at doon pa lang naiinis na ako."
"Bakit ba inis na inis ka sakin?"
"Are you really asking me that?" Sarkastiko kong sabi sa kanya.
"Palagi mo na lang akong inaaway." Parang bata na sabi nya kaya napairap ako sa kanya.
"Dahil palagi mong pinapainit ang ulo ko."
"Why?"
"Anong why?" Tanong ko sa kanya pero tumayo na sya at sa kinauupuan nya at naglakad paalis. Tinawag ko naman agad sya.
"Heyyy! Where are you going? Ako nanaman ba ang paglilinisin mo ng pinagkainan natin?" Naiinis na sabi ko sa kanya pero ikinaway nya lang ang kamay nya na parang sinasabi nya na lumapit ako sa kanya.
"May ibang gagawa nyan kaya halika na." Sabi nya sa akin kaya sumunod na ako sa kanya at inakbayan naman nya agad ako.
"Let go of me." Asik ko sa kanya pero di parin nya pinapakawalan ang balikat ko kaya napabuntong hininga na lang ako dahil mukhang wala syang balak na pakinggan ako.
"Sanayin mo na ang sarili mo na palagi kang malapit sa akin." Seryosong sabi nya but I just rolled my eyes again at him.
"Pinagsasasabi mo?"
"Why do you always ruin the moment?"
"Moment of what?"
"Bitter ka lang ba talaga o tinatago mo lang ang kilig mo sa akin?" Napanganga naman ako sa sinabi nya. Talaga lang huh? Ganito ba talaga sya kabilib sa sarili nya?
"Ako? Kikiligin sayo?" Sabi ko sa kanya na para bang napaka-imposible ng sinabi nya pero tumango lang sya sa akin na para bang proud na proud pa sya sa kung anong sinabi nya.
"Why not?" Dagdag pa nya sa nakakainis nyang ngisi at naupo doon sa swing.
"Anong tingin mo sa akin? Katulad lang ng mga babaeng nagkakandarapa sayo?"
"I will never compare you to them Calli." Seryosong sabi nya sa akin. Ito nanaman sya sa pagiging seryoso nya. He pat his other side na para bang sinasabi nyang maupo ako doon sa tabi nya pero hindi ko sya sinunod. Doon ako naupo sa katapat nya kaya natawa naman sya at saka sya tumayo at sya na mismo ang tumabi sa akin. Napakakulit talaga ng lahi ng lalaking 'to. Di ba nya alam na ayaw ko sya katabi?
"Uh-uh! This is one my rules right? Being beside me is not allow."
"All your rules was left in the mansion. And my rules here will be the only rules." Sabi nya sa akin at itinuon nya ang paa nya sa swing para dumuyan kami.
"May rules pala dito? Hindi ako nainform." Sabi ko sa kanya saka ako sarkastikong tumawa sa kanya. Pero imbis na makipagtalo sya sa akin ay naramdaman ko na lang ang ulo nya na humilig sa balikat ko.
"Hey! Ano 'to? Chansing ka nanaman eh!" Sabi nya sa akin at itinulak ko pa ng daliri ko ang ulo nya pero di sya natinag. He just grab my hands and intertwine his fingers to mine.

BINABASA MO ANG
Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]
RomanceKaizer Colton is the king of racing. He's ruling the racing world. He has the fame, the powerfull name, the perfect face and the wealthy life. But there is one thing he can't have and it's Callirhoe Titania Albertine. Hanggang saan aabot ang pagmama...