Callirrhoe Titania Albertine
"Calli, faster!" Rinig kong sigaw ni Kaizer mula sa sala. Tiningnan ko naman sya ng masama habang tamad na tamad akong naglalakad pababa ng hagdan.
"Faster Calli! Iinitin na tayo ng sobra." He said habang nakapameywang pa sakin. See? Hindi lang sya arogante, napakabossy din.
"You know what Kaizer? Pwede mo naman akong iwan dito at ikaw na lang ang mamundok."
"Aalis na nga tayo nagrereklamo ka parin?" Sabi nya sa akin at inayos pa ang sombrero na suot ko saka nya sinalikop ang buhok ko at nagpunta sa likod ko kaya agad akong nagpumiglas sa kanya.
"What are you doing?" Asik ko sa kanya. Napaka manyak talaga.
"I am just doing a pony in your hair para hindi ka masyadong mainitan mamaya." He said like he did nothing saka sya lumapit ulit sa akin at hinawakan ang buhok ko.
"Hindi ko itinatali ang buhok ko Kaizer!" Sabi ko sa kanya pero parang wala syang narinig. Pinilit nya parin na salikupin ang buhok ko at nakita ko na lamang na may kinuha na sya sa bulsa nya na pamuyod at inilagay yun sa buhok ko. Marahas naman akong napabuntong hininga sa kanya. Parang maiiyak na ako sa inis ngayon at wala akong magawa kundi pumikit na lang at magbuntong hininga.
"Yan, you're all set. Let's go." Sabi nya sa akin ng nakangiti at hinawakan pa ang kamay ko palabas ng mansion kaya binawi ko rin 'yon sa kanya.
"What?"
"Rule number 3. Being beside me is not allow."
"You're joking right?" Natatawang sabi nya sa akin.
"I'm not Kaizer so give me some space." Sabi ko sa kanya at umuna nang maglakad pero humabol sya sa akin at naramdaman ko na lamang ang braso nya sa balikat ko.
"Rule number 4. I will do anything I want and you will do whatever you want." Sabi nya sa akin kaya naiinis kong tinanggal ang braso nya.
"Kanina pa tayong di nagkakaintindihan sa rule number 4 na yan Kaizer huh!? What I want to say in that rule is wala tayong pakialamanan. Understand?" Naiinis ko nang sabi sa kanya dahil para bang pinipilosopo nya ang mga rules ko.
"I told you Calli. Masunurin naman ako at sinusunod ko lang ang rules mo."
"Pilosopo ka!" Sabi ko na lang sa kanya saka iniwan na talaga sya doon at umuna na ako maglakad pataas ng bundok.
"Calli this way!"
"Edi dyan ka dito ako!" Sigaw ko naman sa kanya pero nakita ko syang sumunod sa akin. Hindi nya talaga ako titigilan. Pasalamat na lang talaga sya at hindi masyadong mainit dito dahil napakaraming puno dahil kung hindi dagdag pa 'to sa ikakainis ko sa kanya.
"Just tell me if you're already tired okay? We can take a rest and I have water and foods here if you want." Sabi nito sa tabi ko pero di ko na sya pinansin at nagderederetso lang sa paglalakad. Ilang oras pa ay nararamdaman ko na rin ang pagod dahil nakakapagod talaga umakyat. This my first time to do hiking at nanakit na ang mga binti at hita ko sa pag-akyat pa lang paano na ako nyan pauwi?
"Do you want to rest for a minute?" I heard him said.
"Yeah." Sabi ko lang sa kanya at mauupo muna sana ako sa isang ugat ng puno na nandoon ng pigilan nya ako.
BINABASA MO ANG
Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]
RomansaKaizer Colton is the king of racing. He's ruling the racing world. He has the fame, the powerfull name, the perfect face and the wealthy life. But there is one thing he can't have and it's Callirhoe Titania Albertine. Hanggang saan aabot ang pagmama...