♤Five♤

244 6 0
                                    

Callirrhoe Titania Albertine

"Akala ko ba ay papatunayan mo na niyaya ka ni Kaizer ng date? Bakit hanggang ngayon ay wala pa sya? Anong petsa na? Antok na ako Calli." Reklamo sa akin ni Kimwel dahil sinabi ko sa kanya kanina na pupunta dito si Kaizer at ipapamukha ko mismo sa kanya na nagkakagusto talaga sakin si Kaizer at kinukulit ako nito pero mukhang pumalpak ako.

"He said that he will pick me up here."

"Eh asan na nga sya?"

"Baka natraffic lang." Alibay ko sa kanya dahil ayokong mapahiya.

"Traffic? Si Kaizer? Hahahaha alam mo Calli? Magpahinga ka na hindi na 'yon dadating dahil nag iilusyon ka lang." Sabi nito at tumayo na sa kinauupuan nya.

"I'm not lying Kimwel pag dumating sya ay kukuhanan ko sya ng picture at ipapakita ko sayo."

"Go on Calli antok na ako. Hindi ko na mahihintay yang ilusyon mong Kaizer na inaya ka ng date." Sabi nito sa akin habang natatawa saka sya umakyat na ng hagdan at iniwan ako mag-isa sa sala.

Bakit ngayon pa sya pumalya? I know hindi ako sasama sa kanya ngayon at laking pasalamat ko na hindi nya ako maiinis ngayon pero napahiya ako kay Kimwel. He still thinking that I am just making a story at nagmumukha akong mayabang at ilusyunada.Lalong nadagdagan ang inis ko sa kanya.

I just get my phone to open my social media acount. And I imediately regret that I did that dahil ako lang naman ang laman ng social media ngayon.


GraciaM12345:She's a slot. Dati si Zixar ngayon ay si Kaizer naman? Sino na kaya ang sunod sa listahan nya?

Emilian986:Siguradong paglalaruan lang naman sya ni Kaizer.


YurriManoan:Yeah right! Total ay hindi naman kaseryoseryoso yang si Calli.


HannaMay546:Pitty girl.

Ilan lang 'yan sa mga coments na nakita ko sa post na may picture namin ni Kaizer. Ito 'yong nasa gym kami kanina at magkausap kami. Tumatawa ako sa picture pero dahil yon sa natawa ako sa joke ni Kaizer na baka daw crush ko na sya. Hayst! Napakatatanga naman ng mga taong 'to para maniwala sa fake news. It's just a picture for pete sake.

I just leave that post and look at my notification.


@kaizercolton started following you.


@kaizercolton mentioned you in a post.


What the heck is the meaning of this? Agad kong binuksan ang notification kung saan nya ako minention at halos maihagis ko ang phone ko dahil sa nakita kong post nya. He posted a picture of us when we were in a date noong unang date namin kung saan kinidnap nya ako. He is just looking at me while his chin is resting in his hands. It looks so dramatic.

@kaizercolton: With my Calli...


May caption pa talaga?! What the heck? He is really crazy and stupid. Siguradong magkakagulo ang mga tao ngayon sa ginawa nyang 'to. I scroll the coment section at halos lahat 'yon ay pangbabash sa akin ng mga girl fans nya. He is really insane for doing this. Kapag nakita 'to ni Kimwel ay siguradong mayayanig nanaman yon sakin.

Race Track of Love (RP SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon