BITTERANA ©Naomi Anne, All Rights Reserved 2015
xx Prologue xxShe's Mariana dela Vega--bitter forever sa buhay.
Pinaglihi yata siya ng nanay niya sa ampalaya. Simula kasi nang maging fully developed ang pag-iisip niya at nang tumibok na ang puso niya, sa lahat nalang ng bagay, bitter siya. Isa siyang malaking ampalaya na may mahabang buhok, may dalawang paa at kamay, at may pusong tumitibok.
Paano nga namang hindi siya magiging bitter kung ganun din kapait sa kanya ang buhay niya?
Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Marami naman siyang friends, pero iba pa rin yung boyfriend. Ang hirap kaya pag may okasyon tapos walang babati sa kanya! Magde-debut na siya, pero wala pa ring lalaki naagsasayaw sa kanya.
Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Lahat ng mga kaibigan niya, taken na. Lalabas sila at manonood ng sine, siya lang ang walang ka-holding hands at kalambingan. Ang hirap namang hindi mainggit sa kanila, di ba?
Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Hatest day niya yata 'yon. Wala siyang flowers, chocolates, o letters na nare-receive. As in wala. Lahat ng nakikita niya, puro may kalandian. Date dito, date doon. PDA dito, PDA doon. Siya, wala. Nganga.
Ikaw ba naman ang mag-isang nadadaan sa Baywalk! Sumasakit nang sabay-sabay ang mga mata, tenga, at puso niya sa lugar na yon. Kung makatambay naman kasi ang magjo-jowa doon, lakas lang maka-asar sa kanya. Ipamukha raw ba laging wala siyang love life? Kung makapag-holding hands, makikapagyakapan, at makipaghalikan, jusko!
Ikaw ba naman ang NBSB! No boyfriend since birth na nga siya, hindi lang yon: no suitor, no ka-MU, at no nagkakagusto pa! Why oh why, di ba?
Ikaw ba naman ang magkaroon ng mahal na may ibang mahal! Ito yung pinakamasakit eh. May mahal na iba yung mahal niya. Taken na. Nakakalaslas puso, di ba?
Ikaw ba naman ang ipagpalit sa mas panget--mukha at ugali--sa'yo! Eto pa ang isa eh. Wala raw bang standards ang mahal niya? Di hamak namang mas lamang siya doon. Kung lalamang man ang babae ng mahal niya, siguro sa make up lang yon at kalandian. Ang daya, di ba?
Sino ang hindi magiging bitter?
Simpleng lovelife lang, pinagkakait pa sa kanya. Hindi naman siya panget, average lang ang beauty niya. Hindi naman siya bobo, average student lang siya. Hindi naman siya pandak, average lang ang height niya. Hindi naman siya sobrang payat at sobrang taba, average lang ang hubog ng katawan niya. E bakit wala siyang love life? Dinaig pa siya ng pinakapanget sa mga kakilala niya. Dinaig pa siya ng pinakabobo sa batch nila. Dinaig pa siya ng pinakapandak niyang kaibigan. Dinaig pa siya ng obese niyang pinsan. Bakit ang lupit ng buhay sa kanya?
Forever ka nalang bang bitter? Wala na ba talagang chance na magkaroon ng awa ang buhay sa'yo? Hanggang kelan ka magiging bitter, Ana?
-tbc.
a/n:
Meet the real bitter side of Naomi sa katauhan ni Mariana. Hashtag--whogoat. Lol. xD
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...