xx Chapter 30 xx
Finale
"WAAH! PEACH, ANONG nangyari sa'yo?" Kinarga ko ang cute kong tuta at iniingat sa ere. "Bakit ka naging pink? Sinong lumapastangan sa cotton-white mong kulay? Isumbong mo sa'kin!" Niyugyog ko siya kunyari tapos ay niyakap. "Pero ang cute cute mo! Pink ka na talagaaa! Ayieeee!"
Napasaya ako ni Peach sa biglaang pagsulpot niya. Magataka palang ako kung bakit napunta siya sa'kin at naging pink pa ay nanigas na ako sa boses na narinig ko.
"Ano ka ba namang tuta ka? Bak—"
Nagwala ang puso ko. Dinaig pa ang isang napakahabang drum roll. T-totoo ba ang nakikita ko? O baka nagha-hallucinate lang ako dahil sa wala pa akong kain?
S-si Cholo ba talaga ang nakikita ko? S-siya ba talaga 'yong nakatayo sa harapan ko ngayon? Mukha namang totoo kasi gumagalaw naman siya at nagsalita pa kanina. Ngayon nga ay napakamot nalang siya sa ulo niya na para bang hindi pa siya handang makita ako. W-wait. Ang gulo. Di ko na naman ma-gets.
Tumayo ako. Nilapag ko sa baba si Peach at nag-behave naman siya roon. Tinignan ko siya nang masama. "B-bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito?"
"Makiki-birthday sana," nakangiting sagot niya. "Makikikain."
Nagtaasan ang balahibo ko sa muling pagkita ko sa ngiti niya. Hala! Mariana, wag ka munang kiligin! Impostor 'yan! Naglalandi lang 'yan! Wag mo munang sabayan, utang na loob!
Sinamaan ko pa ang tingin sa loko. "Sinong niloko mo?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang gulo-gulo ng buhok niya. Naka-black t-shirt lang siya at naka-shorts. Pambahay look. Bagong gising look. "Ano bang ginagawa mo rito? Bakit ka pa ba nandito?" Bwiset ka. Pinaghintay mo na ako nang matagal.
Hindi niya ako pinansin. Nakakainis at nakakailang at the same time kasi nakatitig siya sa'kin. Para bang ngayon lang niya napansin bigla na naka-ayos ako. Duh, malamang kasi birthday celebrant ako ngayon.
Eeeh! Shet ka, Cholo! Wag kang ganyan, natutunaw na ako.
Yung natutunaw na ako, bigla nalang ulit nanigas nang maramdaman ko ang yakap niya. Ang higpit! "Shit, Mariana, na-miss kita."
Oh-kay. Anong nangyari? Niyakap niya ako! Waaah! "Shit ka rin, Cholo!" Tinulak ko siya nang malakas. Da fak, na-miss raw ako? "Takungin kaya kita?" E di ka nga pumunta kanina, leche ka.
"Nag-aampalaya ka na naman," nakangusong sabi niya. "Di bagay sa make up at gown mo. Nagmumukha kang clown."
I rolled my eyes. "Ah, so ako yung clown sa pajama party mo? Ew. Bago ka naman lumabas, make sure na mag-ayos ka muna ng sarili. You look... gross! Eww! Kulang nalang mag-boxer shorts ka lang papunta rito... and look at that." Tinuro ko yung labi niya. "Laway ba 'yan?"
Napamura siya sabay punas sa bibig niya. Seriously, bagong gising ba siya na naalimpungatan at nagpunta rito? O baka naglakad nang tulog at nakarating dito. Uh.
"Bakit ka ba nandito?" inis kong tanong sa kanya, pero ayan na naman siya at tumitig lang sa'kin. Nag-iisip yata. O baka nakatulog na naman. "Bwiset ka. Mag-sleep walk ka nalang ulit pauwi!" Tumalikod na ako at naglakad. Napatili ako nang matisod ako, pero, waaah, nasalo ako ni Cholo!
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...