Nag-update po ako kagabi, just so you know. Hihi. Later ulit. Pambawi. :) Enjoy! #Zioana #Choana HINDEE! #Zionami #Chonami 'yan! Tsunami? Pamatay! Lols. XOXO
xx Chapter 21 xx
PASKUNG PASKO PERO dinadaig ko pa ang mga nagse-celebrate ng Araw ng Mga Patay o Mahal na Araw. Ang buong pamilya namin ay kanina pa nag-iingay at nagkakantahan, samantalang mas pinili kong magkulong sa kwarto as usual. Kung pwede nga lang na asikasuhin yung debut ko ngayong bisperas eh kaso tiyak namang hindi available yung mga pupuntahan ko.
Member nga pala ako ng SMP-that Samahan ng Malalamig na Pasko. VIP na nga ako dahil sa pagiging loyal ko sa samahan. Imagine, mag-i-eighteen years na akong member! Walang alisan! Hay, wag niyo na akong kaawan. Matagal ko nang alam at tanggap 'yon.
Paano kaya mag-Pasko nang may boyfriend? Siguro hindi na kasing lamig na gaya nito. Siguro magiging kasing saya ako nila Melyn. Puro boyfriends kaya nila ang laman ng texts at posts nila lately. Hindi ko na siguro kakailanganing magkulong dito sa kwarto kasi kausap ko siya sa baba kagaya nalang nila kuya at ng mga girlfriend nila na nandito ngayon. Siguro hindi ko mafi-feel ang pagiging alone. Haay! Kelan naman kaya darating yung oras na 'yon?
Nakakalungkot kasi parang wala nang nakakaalala sa'kin ngayon. Lahat busy sa mga love life nila. Wala nang nagti-text man lang. Puro GM nalang at pagmamalaki na mainit ang mga Pasko nila. Kaasar. Sina Melyn at Camille, deadma ang beauty ko. Si Zion naman, hindi na ulit nagparamdam. Hinayang na hinayang ako kapag naiisip ko yung nangyari nung nakaraan. Yun na rin ang huli naming communication. Si Secret Admirer, kagaya nga ni Zion ay nag-lie low na ulit. Hindi na siya nagparamdam sa'kin. Haay! Sana talaga magka-love life na ako para naman may nakakaalala sa'kin sa mga oras at panahon na ganito.
Biglang nag-ring yung phone ko. Wow! Kakahiling ko palang ng kausap, may dumating kaagad, eksakto! Agad kong kinuha 'yon. Hindi na ako na-disappoint nang makita kong si Cholo ang nasa screen. Hindi naman na ako umaasang tatawagan o ite-text ni Zion. Besides, ang huling pag-uusap naman namin ni Cholo ay nung nasa ospital pa siya. Sinagot ko yung tawag at bumungad ang boses niyang tila sayang saya sa buhay. "Mariana! Hello! Merry merry merry Christmas!"
Natawa ako sa kakulitan niya. Nai-imagine ko yung itsura niya na ligalig na ligalig sa buhay. "Yow, best friend! Merry Christmas! Tuwang tuwa ka, ah?"
"Oo naman! Ang bongga bongga ng Christmas ko! Havey na havey!" masaya at pabiro niyang sabi.
"Yuck! Stop being too gay, Cholo." I laughed. "So, okay na talaga kayo ng parents mo? Okay na rin sila?"
Tatlong segundo bago siya nagsalita ulit. "Grabe ka talaga! Talagang inuna mo 'yong kamustahin kesa sa noo ko? Nakakatampo ka namang," nahinto siya saglit, "best friend."
"Hindi mo naman ikakamatay 'yang stitches mo. Hindi. Seriously, okay na talaga kayo ng Papa mo? Si Tita Juanita, okay na?" Nakaramdam ako ng uhaw kaya tumayo ako at lumabas ng kwarto dala dala itong phone ko.
Masayang nagkwento si Cholo. Kumpleto at detalyado niyang kinwento lahat simula nung magising siya sa ospital na nandon at magkaakbay ang mga magulang niya. Tuwang tuwa raw siya sa laki ng pinagbago ng tatay niya. Nangingiti na nga lang ako habang nakikinig eh. Syempre, I am really happy for him and his family. "Ay, Mariana! Sorry pala kung ngayon ko lang nakwento sa'yo ah!"
Tumambay muna ako sa may kusina. "Ayos lang, 'no! Syempre, naiintindihan ko naman na magba-bonding kayo, saka siyempre, sa girlfriend mo muna ikukwento." Tumawa pa ako.
Nanahimik siya saglit sa kabilang linya. May ginagawa yata.
"Oy, Yana, bunso! Sumali ka naman dito sa'min! KJ mo minsan!" pag-aya ni Kuya Mirko sa'kin.
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Roman pour Adolescents[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...