Bttrna 5

2.4K 43 7
                                    

xx Chapter 5 xx

NANIGAS AKO SA biglaang pagsulpot ni Zion. May lahing Cholo pala 'to minsan, hindi ko alam!  Worst ay narinig niya yata ang pinag-uusapan namin. Jusko, lagot na ako nito.

"H-Huy, Mariana!" biglang tawag sa'kin ni Melyn. Natulala na kasi ako rito. "Sino raw yung magbi-break?"

Halos mapa-face palm nalang ako dahil sa kanya. Balak pa yata akong ilubog imbes na tulungan akong gumawa ng mga palusot. Napaka-supportive talaga.

"A-ahh, sina Cholo!" mabilis kong sagot. Buti at dumaan sa harapan namin si Cholo.

Nakakunot naman ang noo ni Zion at pati na rin yung dalawa.

"Nag-LQ daw kasi sila," pag-uumpisa ko sa pamamangka ng paliwanag. "Nag-LQ tapos itong si Cholo, ayaw naman mag-isip ng paraan para suyuin yung girlfriend niya. Asan siya? Andun! Inuna pang makipaglandian sa ibang babae!" Ay, jusko! Patawarin mo ko, Cholo, kung medyo O.A. na ang pagdadahilan ko. Ikaw lang kasi yung bwiset na pwede kong gamiting excuse.

Napatangu-tango habang natatawa naman si Zion. Mukha namang naniniwala siya. Mabuti nalang talaga.

"Makatawa ka naman!" pagpansin ko yung tawa niya. Nagiging makahulugan na kasi eh.

"Do you like Cholo?" mabilis na tanong ni Zion.

I was like... WHAT THE HECK? Halos masamid pa ako sa tanong niyang 'yon. Ako? May gusto raw kay Cholo? No way! Never! Yuck!

Natatawa pa rin si Zion. Syet, ang gwapo niya talaga masyado. "Sa tono mo kasi parang nagseselos ka sa kanila."

"Hindi ah! Grabe ka!" Kung alam mo lang, sa'yo ako patay na patay! Sa inyo ni Kaila ako nagseselos. Kayo yung gusto kong maghiwalay na.

Nagkibit-balikat nalang si Zion at natatawang nagpaalam na. Gustuhin ko mang wag muna siyang umalis, hindi na pwede kasi nandito na yung yaya niya--este girlfriend niya.

"Hoy, Mariana!" biglang tawag sa'kin ng mga kaibigan ko. Dahil tulala ako kina Zion, halos mapasigaw ako sa gulat dahil sa kanila.

Iniripan ko sila. "Ano na naman?"

Tumawa nang sobra-sobra si Camille. "Ayan, nahuli ka tuloy!"

Gaga 'to! Tawanan daw ba ako? Muntikan na nga ako kanina, ginaganito pa rin niya ako.

"Pano kaya kung nahuli ka talaga? Nako, sira image na!" sabi pa ni Melyn. "Edi mas nawalan ka ng chance sa kanya. Wala na nga ngayon palang, mas mawawala pa. Awwtsu! Kawawa ka naman! Saan ka kaya pupulutin?"

"Edi kay Cholo!" sabat bigla ni Camille. "Ayiee! Hahaha! Si Cholo talaga ang ginawa mong excuse! Sabi ko na eh, gusto mo ring mag-break sila. Grabe ka. Lakas mong mang-two time!"

Inirapan ko sila. Ako na naman kasi ang trip. "E sino pa ba gagawin kong excuse? Mabuti nang sina Cholo ang hiniling kong maghiwalay. Bakit gusto niyo ba kayo ng boyfriend niyo?"

"Hala? Grabe yon. Hindi naman!" sagot agad nila.

Maya-maya, lumapit sa'min ang pinag-uusapan. Pawisan pa si Cholo at mukhang galing sa practice nila. Gwapo siya sana kaso yuck. Ang dugyot niya tignan. Kung si Zion siguro siya, baka hot na hot sa pawisan at medyo wumi-wet look na ganito.

"Laway mo, Mariana," pang-aasar sa'kin ni Cholo nang mapansin niyang tinititigan ko siya. Yuck! Eeew! Baka kung anong isipin niya! Over my dead body, never ko siyang pagnanasaan. Asa pa siya.

"Ano ba? Umalis ka nga!" irita kong sabi nang tabihan niya ako. "Leche naman oh."

Tinawanan lang niya ako. Mas hindi niya ako nilubayan. "Ulitin mo nga yung sinabi mo kanina."

BITTERANA [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon