Bttrna 13

1.9K 30 11
                                    

xx Chapter 13 xx

"WHAT. THE. HELL. IS. THIS. PLACE?" Tumili nang bongga at makabasag-tenga si Mikaila nang umandar na palayo ang van na nag-service sa'ming anim papunta sa site. "Ugh! I cannot believe this! This place is really disgusting! Paano ako mabubuhay dito for two days and a night? Yuck! I wanna go home na!"

Kabaligtaran sa in-expect naming white sand, beach, at mala-paraisong lugar ang pinagdalahan sa'min. Sa isang maliit at tagong farm house sa Bulacan lang pala kami dadalhin. Kaya pala all expenses paid ang trip na 'to. Sa ganitong lugar lang pala kami dadalhin. Pero ayos lang. Kahit gano kasimple at kaliit at kahirap itong lugar, paraiso pa rin 'cause I am with Zion, my living and walking paradise. 

"AAAHH! YUUCK! EEEEW! May frog! Yuck! Zion, baby! Eeew! Ilayo mo sa'kin--AAAHH! YUUCK!" Nagtitili si Mikaila nang may makita siyang palaka two meters away from us. Ang layo layo naman, ang O.A. niya kung maka-react. Yung boyfriend niya tuloy, sunud-sunuran namang pinaalis yung palaka. Yumakap pa sa kanya, ugh! "Omg, thank you, baby. You're really my savior." Ngumiti naman si Zion sa kanya. Waaah! No, heart. Kumalma ka.

"Haaay! Fresh air, good vibes, and all!" Naka-spread ang mga braso ni Melyn na nilanghap ang hangin. "Hindi na rin masama 'tong lugar! Mukhang kailangan din natin 'tong lugar na ganito para makapag-meditate at makapag-relax sa nakaka-stress na life in the city. Maganda naman dito, ah! Malay natin may falls pala dun sa likod o kaya may bonggang ahmm, a basta! Anuman ang meron dito, i-enjoy nalang natin! Right?"

Sumang-ayon lahat pwera kay Mikaila na puro pa rin reklamo sa lugar at sa aming tatlong kasama niya. Wala kasi siyang kakampi, palibhasa. Wala yung mga alipores niyang kakampihan at sasamahan siya. Hahaha. Pity her.

May katiwala ng farm na lumapit sa'min, si Aling Saira. Tinuro niya yung bahay na tutuluyan namin habang nandito kami sa lugar na 'to. Habang papunta kami roon ay mas nakita namin yung lugar. Hindi naman kalakihan at kaluwagan. Puro putik, puno, halaman, at farm animals lang din. Wala rin yung inaasahang waterfalls ni Melyn. Ang meron lang e maliit na sapa. Nasa may gilid ng sapa nakatayo yung bahay. Dalawang palapag 'yon at yari lang sa kahoy. Safe naman daw kahit pa umulan nang malakas. Wala naman kaming reklamo maliban nga kay Kaila. Presko naman kasi at maganda yung lugar.

"Maiwan ko na kayo, ah. Ang sabi naman ni Mr. Guatemala ay mababait naman daw kayo. Basta kung may kailangan kayo, naro'n lang ako sa kubo dun sa may kabilang eskinita." Tapos ay nagpaalam na si Aling Saira. May aasikasuhin pa raw siyang mga baboy at kabayo.

Nasa may sala muna kami nitong bahay. Simple lang din kagaya ng sa labas. Mga luma na yung mga kagamitan. May tv naman pero hindi naman yata gumagana. Yung mga upuan, yari sa kawayan. Ganun din yung mesa at yung ibang mga cabinet. Walang electricfan pero hindi naman na kailangan 'yon dahil malamig sa loob kahit na tirik ang araw sa labas. Maganda naman dito kahit halatang luma na.

 "Ang awesome nitong lugar, ano?" komento ni Cholo habang abala sa paglalabas at pag-aayos ng mga camera, notebooks, ballpens, at kung anu-ano pang kakailanganin namin para sa documentation na gagawin namin.

As usual, kumontra na naman si Mikaila. "Kelan pa naging awesome 'to? Mas mukha pa 'tong bahay ng aswang. Oh my! Baka mamaya by midnight, bumalik na yung mangkukulam na nakatira rito!" She freaked out at tumili nang malakas. Tinakpan tuloy ni Camille yung bibig niya na inalis niya agad harshly. "Yuck! Your hand's dirty!"

"Arte mo! Mas madumi pa rin laway mo, ano! Yuck!" Pinunasan ni Camille yung kamay niya, tapos bumalik na rin sa pagtulong sa pag-aayos ng mga gagamitin namin. "Hay, Kaila, wag ka nang maarte. Tumulong ka nalang at nang matapos na yung documentation natin at nang ma-enjoy pa natin itong lugar."

BITTERANA [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon