xx Chapter 27 xx
"ANO? NANINIWALA KA pa rin ba sa forever?" tanong ni Camille sa tonong nanunubok.
Ni-rephrase ko ang usual kong sagot, "Paano ako maniniwala sa forever kung sa isang araw, isang minuto, isang segundong inakala kong love life ay kahibangan ko lang pala?" Nag-pout ako at biniro pa sila. "I cannot take it, guys!"
Nagtawanan kaming lahat. "Taray! In fairness, okay pala eh, 'no! Back to normal ka na naman, Bitterana!"
"Well, congrats sa pagiging Reyna ng mga Brokenhearted, Mariana! Ikaw na talaga!" Pinagtitripan na naman ako ni Melyn, palibhasa feeling niya siya ang Reyna ng mga Taken. "At dahil tanggap mo ulit ang pagbabalikan nina Zion at Mikaila, ikaw na rin ang Reyna ng mga Martir!" Tumayo siya at umarte na may nilagay na imaginary sash sa'kin.
Tumawa nang malakas si Camille. "At meron pa! Dahil sa mga nangyari, ikaw na rin ang Reyna ng mga Tanga, Reyna ng mga Assuming, Reyna ng mga Umaasa, at syempre, ang nagbabalik, Reyna ng mga Bitter Forever!" Umarte rin siya kagaya ng ginawa ni Melyn. Mga hampaslupa talaga.
"Sinasabi ko sa inyo, ngangawa rin kayo. Hah. Pag kayo talaga binreak ng mga pinagmamalaki niyong jowa!" Ako naman ang tumawa sa kanila pero di sila affected. Kampante ang dalawa, palibhasa mga loyal talaga ang mga nakuha nila. "Ts. Walang forever."
"Yah, sa inyo ni Zion. Hahahaha!" Nagdiwang sila at pinamukha ang pagiging sisterzoned ko. E pahiya naman sila kasi di na ako affected. Nakatulong na yung closure namin ni Zion at ni Mikaila.
"Aww, pity Mariana, forever alone, forever single... dinaig pa ng iba. Awtsuu!" pang-aasar ni Camille.
"Hindi ba nakaka-degrade ng pagkatao?" natatawang tanong at asar ni Melyn.
"Wow, spell degrade?" natatawang pambabara ko. "Umi-English ka na." Lakas maka-Cho-psh. Tsk. That bastard.
"Pagkatao nalang, Ana! Hahahaha!" Baliw talaga si Melyn. Palala na nang palala. "Oww. Look who's here."
Nagtaray ang dalawa kasi si Mikaila ang dumating. Kanina ko pa in-explain sa kanila na okay na kami ni Mikaila pero ayaw nilang maniwala. Talagang in born ang inis nila kay Mikaila. Parang habit na mahirap mawala.
"Hi, guys!" malambing na bati sa'min Mikaila. Matamis na ang ngiti niya at hindi na bitchy. "Hi, Melyn! Hi, Camille! Hi, Mariana!"
Ako lang ang bumati pabalik sa'ming tatlo. Ang susungit ng dalawa eh. Ayan, hinampas ko nga. "Wag na nga kayong maarteng dalawa. Nakikipag-friends na nga yung tao, aartehan niyo pa."
"Pagkatapos niya kaming awayin? No way!" Umarte pa yung dalawa. Hindi naman ako worried kasi alam kong literal na arte lang nilang dalawa 'yon.
"Hey, I'm sorry na kasi. Forgive na kasi. I'm being good here na nga oh." Natatawa talaga ako sa ka-conyo-han nitong babaeng 'to. Pero hindi tunog pa-sosyal lang kasi may accent talaga. "Please?" Nag-puppy eyes pa si Mikaila.
"Sa isang kondisyon," mataray na sabi ni Camille sabay cross arms pa. "Dadaan ka muna sa initiation namin ni Melyn."
Nanlaki naman yung mga mata ni Mikaila. "Initiation? You mean the one na ginagawa dun sa frats? You're going to hit me, then punch me, then hit me again until there are bruises and wounds all over me?" Nag-freak out si Mikaila. "Are you sure? Are there any other way?"
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Fiksi Remaja[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...