xx Chapter 1 xx
"NANINIWALA KA BA sa forever?"
"Paano ako maniniwala sa forever kung ni-isang araw, isang minuto, o isang segundong love life, wala ako?" napaka-sarcastic at napaka-bitter kong sagot sa mga kaibigan ko.
Tinawanan lang ako ng mga lukaret. Palibhasa sila, may mga love life na. Ako nalang ang wala. Tapos tatanungin nila ako kung naniniwala akong may forever? Ako pa talaga ang tinanong nila? Ano 'yon, lokohan?
Ilang oras na rin kaming nakatengga dito sa klase. Mga teacher namin, walang kwenta. Tamad magturo palibhasa matatalino na kami. Hindi naman pumapasok, pero kung magpa-quiz at exam, dinaig pa ang board exams! Jusko. Ito tuloy kami, nganga mode na naman.
"Mariana, grabe, hindi talaga kita kinakaya!" natatawang pagre-react ni Camille. "Pero chill ka lang, Mariana. May darating din na Marco ng buhay mo."
Inirapan ko lang siya. Ibida na naman daw ba yung boyfriend niya! "Ellimac," iyon kasi ang tawag ko sa kanya, "kung magkaka-boyfriend lang rin ako, aba yung hindi na gaya ng boyfriend mo, 'no! Dun na ko sa gwapo, matalino, mayaman, mabait, at syempre, may sexy back and front! Lubusin na dapat, siyempre!"
Si Melyn naman ang bumatok sa'kin. "Kaya wala kang lovelife eh! Masyado kang choosy!"
"Ano ka ba? Choosy man o hindi, kung wala namang lumalapit, wala pa ring mangyayari!" sabi naman ni Camille. Humalakhak pa ang gaga.
Ang sarap niyang batukan, promise. Ipamukha raw bang loveless ako? Okay lang yung NBSB eh, pero utang na loob naman, pati ba naman manliligaw o ka-MU man lang, ipagkakait pa rin?
Nagpatuloy sa wagas na pagtawa yung dalawa. Kung makatawa, akala mo walang bukas. Kung mang-asar, akala mo sobrang laking kasalanan ang di pagkakaroon ng love life. Feeling naman nila ginusto ko 'yon. Feeling naman nila, choice ko 'yon. E hindi kaya! Wala lang talagang nagkakagusto sa'kin! Hay! "Ang sasama niyo talaga! Pag kayo umiyak dahil sa lovelife na 'yan, asahan niyong hindi niyo matatakbuhan. Tatawanan ko pa kayo!"
"Asus, palibhasa bitter ka lang dyan!" pang-aasar pa nila.
"Yan tayo eh! Porke may mga love life na kayo, kinakawawa niyo na ko," sabi ko pa sa kanila. "Wow talaga ha!"
"Uy! Si Zion ba 'yon?" tanong ni Camille sabay turo sa may likuran ko.
Automatic at mabilis naman akong napatalikod para tignan si Zion. Geez! Siya ngaaa! Biglang nagliparan ang mga paru-paro sa tiyan ko. Yung mga mata ko, pakiramdam ko dinaig pa ang mga stars sa pagkinang. Yung puso ko naman, parang wala nang bukas kung tumibok at magwala. "Oh, Zion! My foreveeer!"
Malakas na hampas ng kung ano ang biglang nagpabalik sa'kin sa katinuan. Yung mga kaibigan ko pala. Forever KJ talaga.
"Luka luka, akala ko ba walang forever?" tanong no Camille. Tumatawa-tawa pa siya.
Hindi pa rin ako totally bumalik sa katinuan. Basta ba si Zion ang usapan, automatic nang nagmamala-alien ako. "May forever... sa'min lang ni Zion!"
Hinampas na naman nila ako. "Feelingera naman, Mariana! Landi ha! Asa ka pa!" Lakas makatawa. Lakas mang-asar. Nakakabwiset talaga.
Nag-cross arms ako. "Pag kayo, pwede lumandi. Pag ako, bawal? Asan ang hustisya?"
Tinap ni Camille yung balikat ni Melyn. "Pabayaan na natin siya. Sa pangarap lang naman siya sumasaya eh. Pagbigyan na. Libre lang naman eh!"
Ako naman ang humampas sa kanila this time. "So trip niyo talaga ako?" Kasura 'tong mga 'to! Tama bang kontrahin ako sa kaligayahan ko?
Camille at Melyn talaga! Paano ko ba naging mga kaibigan 'to? Pero in fairness, kahit may love lie life sila, kahit ganyan ka-baliw, ka-supportive, at katindi mang-asar 'yan, mahal na mahal ko 'yan. Sinu sino pa ba ang magkakaintindihan? Kami kami lang din naman!
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...