xx Chapter 2 xx
BAD MOOD NA ako simula pa kahapon nang malaman ko yung bad breaking news na 'yon. Hanggang ngayon, dito sa school, natangay ko tuloy. Yung noo ko, mas kusot pa yata sa di ko naplantsang uniform ko. Sino ba naman kasing hindi maba-badtrip kung yung future mo, gumagawa na ng present at future sa ibang babae? Hindi ko matanggap! Tanggap ko pa yung love life nila Melyn, Camille, at kahit nung Cholo na 'yon. Mas matatanggap ko pa na mamatay akong single basta ba siya rin ay mamatay na single gaya ko. Pero yung nangyari ngayon? Hindi ko talaga ma-take! Ayaw tanggapin ng puso at isip ko!
Ang masaklap pa, itong pagkakataon mukhang pinaglalaruan pa yata ako. On the way kasi ako sa classroom nang may mga tsismosa akong nadaanan. Ang topic nila ay walang iba kundi yung tungkol lang naman dun sa dalawa.
"Sila na pala talaga, ano? Sayang naman at marami pa namang nagkakagusto dun kay Zion," rinig kong sabi nung isang babae na may neon green na headband.
"Oo nga. Type ko rin 'yon eh. Pero anong magagawa natin? E gusto nila ang isa't isa." Bumuntong hininga pa yung babaeng nakasalamin nang pagkakapal-kapal. Basta talaga si Zion ko, walang hindi nahuhulog.
"Gwapo si Zion, at maganda naman yung girl. Ayos na rin. Bagay naman sila eh, di ba?"
Kinilig naman yung isa. "Yiee! Bagay na bagay!" Nag-apir pa sila tapos nilagpasan na ako.
Awtomatiko namang umikot ang mga mata ko. Bagay daw! Tao kaya sila! Nakakainis. Naturingang nasa Science High kami nag-aaral pero simpleng taxonomy topic lang, hindi alam! Ugh. Tao sila at never magiging bagay. Ay mali pala. Si Zion, prinsipe at future hari ko. Yung Mikaila na 'yon, hindi bagay, hindi tao. Hayop. Linta siya. Ahas. Asaaar!
Palakad na sana ulit ako kaso natigilan ako nang may makita ako sa di kalayuan. Naglalakad silang dalawa at magkasama. Holding hands pa yata. Sumakit tuloy bigla yung puso ko. Kay aga-aga, nagdurusa na naman siya. Hay. Kawawang Mariana.
"Ay leche!" Napatalon at napatili talaga ako nang literal nang may gumulat na naman sa'kin. Sino pa ba, edi yung walang hiyang Cholo Mercado na 'to. "Bwiset ka! Bakit na naman?"
Tinawanan lang niya ko. "Sungit mo na naman. Lagi nalang. Magpa-checku up ka na sa obgyne baka nauubos na yang dugo mo."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Ang slow," bulong niya. "Lagi ka kasing may dalaw. Baka maubos dugo mo. Laging mainit yang ulo mo."
Inirapan ko siya sabay bulong din ng, "Sinong hindi iinit ang ulo?" Naiisip ko palang yung dalawa, nakakaloko na. Pano pa kaya yung nakita ko pa kani-kanina?
"Ha? Bakit ba?" tanong niya.
"Wala. Sino kako ang hindi iinit ang ulo kung ganito ka-aga e isang lecheng gaya mo ang sasalubong, di ba?"
Sinimangutan niya lang ako. Feeler. Di naman siya mukhang kaawa-awa. Nakakaumay pa nga eh. Bigla nalang niyang hinablot yung bitbit kong bag kaya naman nagprotesta ako kaagad. Ang loko, ayaw namang ibigay. Ugh!
"Akin na nga 'yan, Cholo!" Ang kulit naman kasi niya. "Nang-iinis ka na naman eh! Akin na sabi! Mamaya makita ka ng girlfriend mo dyan. Pag-isipan pa ako ng masama!"
"Ha? Girl--ah! Haha! Hindi 'yan! Hindi naman niya alam eh!"
Binatukan ko nga siya. "Siraulo ka talaga! Ang landi mo! Kawawa talaga yung babae mo sa'yo!"
"Ang swerte kaya!" Tumatawa tawa lang siya hanggang makarating na kami sa classroom.
KALIWA'T KANANG LOVE ang topic namin sa classroom. Lahat yata ng subject namin, natalakay namin ang love.
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...