xx Chapter 28 xx
"AKALA KO BA tayong tatlo lang ang lalabas?" tanong ko sa dalawa kong magagaling na mga kaibigan. Pinangako nilang tatlo lang kaming magdi-date sa mall, pero kasama pala nila ang mga proud boyfriend nila. "Sana sinama ko si Mikaila para hindi ako nag-iisa. Tsk."
"Ehh, s-sorry na, Mariana, hindi namin matiis sila babe eh," nahihiyang sabi ni Camille.
"Magbi-behave kami, Mariana! Promise!" pangako ni Marco at Vince, nakataas pa ang kanang kamay nila. "Sa fourteen nalang kami, lalandi! Totoo talaga!"
I heaved a sigh. "Ano pa ba'ng magagawa ko?" Nagsimula na kaming maglakad papasok ng mall. "Basta ipangako niyo lang na walang O.A. na holding hands, subuan, akbayan, at landian mamaya. Bawal din ang mga kamay na malikot habang nanonood tayo sa sinehan."
Natawa silang apat. "Promise!" Wish ko lang na mapangatawanan nila ang mga promise nila mamaya.
NAPAPAILING NALANG AKO habang mapait na nakangiting tinitignan ang mga kasama ko. Ang sweet nilang tignan. Yung mga deal na sinabi ko kanina, hindi talaga nila pinansin. Pinabayaan ko nalang din. Sino ba naman ako para tutulan ang mga kaligayahan nila? Mukha namang masayang masaya sila, bakit ko pa pipigilan? Syempre, masaya ako para sa kanila at hindi sila natulad sa pasalimuot kong buhay pag-ibig.
Nasa sinehan na kami at nanonood. Horror film ang nasa big screen pero mas dama ko ang romantic aura dahil sa dalawang couples kong kasama. Masyado silang mga oportunista para samantalahin ang kadiliman nitong sinehan. Jusko. Hindi ko sila ma-take.
Naiinggit ako sa dalawang 'to kasi nakahanap sila ng tulad ng boyfriend nila. Ang swerte nila para ma-involve sa napakaseryoso at matured na relasyon. Haay. Ako kaya?
"Wag ka na kasi masyadong choosy, Mariana!" Naalala ko ang naging usapan namin kanina habang kumakain.
"Nga naman! Matuto ka ring tumingin sa paligid mo. Learn to appreciate things," dagdag pa 'yon ni Camille. "Masyado kang seryoso at focused. Sa sobrang paghahanap mo, nasa punto ka nang lumalampas sa mga dapat mong makita."
"Oo nga, Ana. Mamaya, hindi mo pala alam na nasa tabi mo na pala tapos ikaw kung saan-saan pa naghahanap."
"Wag nang mag-expect masyado, Mariana. Buksan mo nalang ang puso mo. Libre lang naman kasi ang makiramdam. Pakiramdaman mo 'yan kasabay ng paligid mo... Malay mo, magtagpo sila bigla... kayo... ikaw at yung hinahanap mo."
Natulala ako sa big screen kasabay ng pagpasok ng mga 'yon sa utak ko. Hindi ko nagustuhan ang naramdaman ko nang ang eksenang pinapalabas sa malaking screen ay ang hindi sinasadyang paghalik ng bidang lalaki sa bidang lalaki. Nasa sala rin silang dalawa, at para bang huminto pareho ang mundo nila sa nangyari.
"Malay mo, siya na pala 'yon... Siya lang pala 'yon..."
ANG WEIRD TALAGA kasi ang bilis kong maka-pick up ngayon sa pagtuturo ni Kuya Mirko. Madali kong natutunang maggitara. Kung dati ay hirap na hirap ako kahit yung simpleng E minor lang, ngayon, imrpoving na ako. Naiinis na nga si Kuya sa'kin kasi lagi nalang daw nasa'kin yung gitara niya. Inangkin ko na raw, natuto lang ako. Masyado kasi akong naadik kahit na iisang kanta lang naman ang alam ko. Ang dating nagrereklamo tuloy, heto't siya nang nirereklamo ng kuya.
"Nako, Yana, kaya umuulan eh! Tsk tsk," pang-aasar sa'kin ni Kuya Marko nang madaanan niya ako nang papasok siya sa kwarto niya.Epal talaga. Nakabihis siya at mukhang may date ngayong hapon. Tsk.
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...