xx Chapter 17 xx
MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw. Pumasok na ang December at Christmas break na. Kasabay ng paglipas ng mga araw ay ang realizations ko. Unang una, hindi na ako dapat magselos kina Zion at Mikaila. Pasasaan pa't maghihiwalay din sila! Ibabalik ko na ang dati kong pilosopiya sa buhay pagdating sa kanila. Iisipin ko nalang na kunwari ay hindi lang makaalis si Zion sa bitchy Mikaila na 'yon. Pangalawang realization: Bakit pa ako magseselos sa moments nila kung may sariling mga moments naman kami ni Zion? Siya bilang Zion at hopefully bilang Secret Admirer ko! May progress na ulit kaya kami! Pangatlo: Hindi ko kailangang magmadali. May tamang time for everything. For now, dapat ko munang i-enjoy kung ano ang meron kami, kung ano ang mga nangyayari. Ang sabi nga diba, the journey matters more than the destination! Mas mahirap at mas kumplikadong landas at paraan para makuha si Zion is equal to a super bonggang love story!
So si Mariana ay back to her normal bitter self na! Happy na ako ulit! Pero mas happy ako ngayong oras dahil ka-text ko si Secret Admirer ko. Dahil may doubt pa rin ako kahit papano na siya si Zion, naisip kong i-interrogate siya nang bonggang bongga by asking his favorites and some other details na alam ko. Nag-beep ang phone ko at agad kong binasa ang reply niya.
From: Unknown Prince♥
Mm... blue. :)
Tinanong ko kung ano ang favorite color niya at ang answer nga niya ay blue. Hm, wait. Blue nga ba ang favorite color ni Zion? Blue ba o red? Ah! Baka blue nga! Blue ang bag ni Zion eh. Blue rin lagi ang nakikita kong panyo niya. Blue rin yung notebooks niya. Omg! Nag-match, in fairness! Excited akong nag-type ng next question.
To: Unknown Prince♥
Next question: Ano ang favorite number mo?
Nag-reply naman agad siya. Bilis ah!
From: Unknown Prince♥
Twenty three. :)
Kumunot ang noo ko sa sagot niya. Twenty three? What da hek? If I am not mistaken, monthsary date nila 'yon ni Mikaila! Ugh! I texted him why and he replied secret! Ugh! Bwiset!
To: Unknown Prince♥
Next question nalang. Hm... Saan ka nakatira?
From: Unknown Prince♥
Inside your heart and sometimes in your mind. I also do visit your dreams. :)) <3
Seryoso, kinilig ako sa reply niyang 'yon! Pero madaya! Naisahan niya ako ro'n ah! Hmp! Nag-isip ako ng next question. Nangisi ako nang itanong ko kung ano ang paborito niyang ulam. Nag-expect ako ng adobo kasi yun ang lagi niyang order sa canteen kapag nakikita ko siya. Sobrang natawa naman ako ng isagot niyang paborito ay ampalaya! For real? Dahil hindi ako makapaniwala, I asked him why.
From: Unknown Prince♥
Because of you. ;)
My heart palpitated! Goodness! Baka magbara ang mga ugat ko sa puso! Baka ikamatay ko! Oh no! Siguro tinutukoy niya yung nasa Bulacan kami! Favorite na niya ang ampalaya kasi tinuruan ko siya kung pano lutuin 'yon saka ang komento pa niya noon e masarap daw! So... OMG! Waah!
To: Unknown Prince♥
Last question na 'to. Gusto ko ng seryosong sagot. Kuha mo? Hey, you... do you really love me for real? Baka pinaglalaruan mo lang ako.
Kinabahan ako sa ire-reply niya. Nung mag-beep ang phone ko, mga isang minuto muna ang pinalipas ko bago ko buksan at basahin 'yon.
From: Unknown Prince♥
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...