xx Chapter 7 xx"Ano ba naman 'yan, Mariana?" Hindi makapaniwala si Mama sa nadatnan niya sa kwarto ko. Ang kalat kasi. Punung puno pa ng mga damit sa kama tapos may mangilan-ngilan sa sahig. "Jusko, buti sana kung marunong kang magligpit, ano?"
"Mama naman, kung tinulungan mo nalang po ako, edi natapos ang problema natin," sabi ko naman kay Mama. Busy pa rin ako kakabungkal sa closet ko at sa kakasukat ng ng mga dresses ko. Kailangan maganda ako, 'no! Sosyalin pa naman si Kaila. Kailangan pantayan ang beauty niya! "Aish! Mama, mag-shopping nalang kaya tayo?"
Halos batuhin ako ni Mama. Wala naman akong masamang sinabi, di ba? "At para saan ba kasi 'yan, ha, Mariana?"
Wala yata sa mood si Mama. Nag-smile ako sa kanya. "Invited po kasi ako sa birthday ng kaklase ko. Required po ang dress. Nakakahiya naman kung pupunta akong panget dun, di ba? Kayo rin po, sige. Papayag ba kayong sabihan akong panget? Hala kayo, sa inyo rin po babalik. Di ba nga po, kung anong puno, siya ring bunga?"
Hindi tumalab. Nabato pa ako ng hanger! "Ang dami mong alam, bata ka! Maglinis ka na ng kwarto mo at darating yung pinsan mo. Dun ka nalang magmakaawa tutal malakas ka naman sa kanya."
"Ows? Sino, Ma? Si Ate Pinky ba 'yan?" excited na excited kong tanong. Tumango naman si Mama. "Really? Kelan pa siya umalis ng Paris? Omg! Mukhang sasakto pa yung winish ko na dress sa kanya! Sana hindi niya nakalimutan!" Tuwang tuwa ako sa good news! Sobrang na-miss ko kaya yung pinsan kong 'yon!
"Mag-ayos ka na ng kwarto at nakakahiya naman sa kanya. Hay nako, Mariana." Lumabas na ng kwarto si Mama. Bakit ba stressed na stressed na naman siya sa life?
Agad ko nang binalik basta-basta yung mga damit sa closet ko. Di ko na muna tiniklop, nakakatamad. Humiga ako sa kama at nag-celebrate. Babalik na si Ate Pinky. Sa Saturday, kasama ako sa party ni Kaila. Happy week!
Inabot ko yung phone ko para i-chika kina Camille ang pagbabalik ng pinsan ko. Close din kasi sila. Nag-beep yung phone ko. Gulat ko naman kasi hindi si Camille o Melyn ang nag-text. Si Zion! Binasa ko 'yon at mas natuwa ako na hindi group message 'yon.
From: Zion ng Future Ko♥
Nag-lunch ka na? Kain na ha? Wag papagutom. Cant wait to see you on Saturday. :) :*Nanigas yata ako. As in hindi ako nakagalaw. My heart's in so much joy... and kilig! Omg! He texted me! Tapos ganito pa! Sinong hindi kikiligin, di ba? Napaka-thoughtful na tao! Oh, Zion! At talagang kiss emoticon? Kyaahh!
Magre-reply na sana ako nang maunahan ako ng beep ng phone ko.
From: 8888
Your registration to Globe Prepaid's UALL15 has already expired. To register again, text UALL15 to 8888. Thank you!"WATDAHEK?" Halos ibato ko yung phone ko sa inis! Naubusan pa ng load! Wala pa naman akong extra. Tapos yung Globe points ko na pwede kong i-redeem ng rewards, nagamit ko na last time! Ugh! Pano ako magre-reply nito? Badtrip naman oh! Ugh!
Sumungkit agad ako ng apat na limang piso sa piggy bank ko, tapos humahangos na bumaba. Magpapa-load sana ako pero si Ate Pinky na yung sumalubong sa'kin
"Ate Pinkyyy! Omg! Omg! Waaah! I missed youuu!" Niyakap ko siya nang sobrang higpit! "Waahh! Grabe, long time no see! Five years din yon!"
"Super missed na rin kita, Yana!" bati rin niya sa'kin.
Pinapasok ko siya sa loob. Nakakahiya naman kung dito kami magdramahan sa labas. Yung mga maleta niya, inakyat sa may kwarto ko. Roommates kami habang nasa'min siya. Yung mga pasalubong naman, nasa kwarto, nasa ref, tapos yung iba nasa bibig ko na.
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Novela Juvenil[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...