xx Chapter 20 xx
ISA SA PINAKAAYAW kong lugar sa tanang lupa ay ang ospital. Nakaka-suffocate masyado ang surroundings, ewan ko ba! Hindi ko gusto yung amoy at yung aura. Pakiramdam ko, buong ospital, morgue. Nakakatakot lalo na't emergency room ang unang bubungad. Paano kung biglang may dumating na naghihingalo at duguang pasyente rito? Waahh! Ayoko! Hindi pa handa ang mga mata ko pati ang puso ko! Baka sumunod ako kapag kuwan.
"Hoy, Camille, nasaan ka na ba?" tanong ko kay Camille nang tawagan ko siya. Parang magkakasakit na rin yata ako rito. Binigay ni Camille yung room number. Nasa second floor sila at nabigyan na nga ng temporary room si Cholo. Dahil doon, nakahinga na ako nang maluwag. Atleast buhay siya.
Room 248. Nag-alangan pa akong buksan 'yon nung una pero binuksan ko na rin di kaluanan. Ayokong tumayo forever sa labas. Malapit pa man din sa ward ng may mga sakit yung kwarto niya. Maliit lang yung kwarto sa loob. Una kong nakita si Camille na di mapakali at paikot-ikot. May dalawang kama roon pero isa lang ang occupied at si Cholo nga ang gumagamit nung isa. Nakahiga siya at mukhang natutulog. Wala naman siyang oxygen o swero o something kaya nakampante ako bigla.
"Mariana!" Halos yakapin ako ni Camille pagkakita niya sa'kin. "I cannot take this anymore! Sisibat na ako! Babuuh! Text ka nalang! Di ko na talaga kaya rito! Magkakasakit na rin ako!" Hindi na niya ako pinabayaang makapagsalita para pigilan sana siya. Agad agad niyang kinuha yung bag niya at tumakbo na palabas.
Mukha tuloy akong talunan na iniwan nalang bigla ng lahat. Akala naman ni Camille siya lang ang allergic sa ospital eh. Hay.
Gumalaw nang bahagya si Cholo kaya naman nilapitan ko siya. Wala pa rin siyang malay. Siguro kanina pa siya ganito. Gaya ng napansin ko kanina, wala nga siyang swero, oxygen o kung anong aparato sa katawan. Wala namang cast sa braso o paa niya. Mukha namang di siya napilayan. Ang meron lang ay gauze sa may bandang noo niya, sa may upper right ng kanang kilay niya. Siguro nasugatan siya doon or worse ay may tahi. Aww. Kawawang bata, pero in fairness, mas bagay talaga sa kanya ang inosente look niya.
Sa pagtitig ko sa kanya, di ko na mapigilan ang kamay ko na igalaw at ilapit sa may mukha niya. Balak ko sanang hawiin ang buhok niya kaso bigla naman siyang nagising. Agad akong umatras. Buti talaga at di niya napansin. Nang magkamalay siya, ang pagdaing ang unang ginawa niya. Wala yata siyang alam sa nangyari. Napatingin siya sa'kin, still walang imik. Kung makatitig naman siya parang tutunawin ako! Aish, nakakailang kaya! Hala ka! Di kaya nagka-amnesia na siya? I poked his left cheek. "Oy."
Napatingin naman siya sa'kin tapos ay biglang napangiti. "Naku-cute-an ka na naman sa'kin."
Ay sayang! Hindi pala. "Akala ko nagka-amnesia ka na. Nakaka-disappoint malaman na hindi pala," nakasimangot kong sabi. "Napano ka ba? Anong katangahan ang nagdala sa'yo rito?"
Ngumuso siya sa'kin. "Naaksidente na nga yung tao. Ganyan ka pa rin."
"Well, karma tawag diyan." Tumawa ako. "Napano ka ba kasi?"
Hindi niya ininda yung nararamdaman niya. Kinwento niya talaga yug nangyari kanina. Pauwi na raw siya galing sa'min kanina. Dahil daw lulutang lutang yung isip niya, ayon, di niya namalayang may makakabangga na pala sa kanya. "Ayun!"
"Woah! Grabe. I can't imagine what happened. Kawawa naman yung kotse," with feelings na pang-aasar ko sa kanya. "Hindi naman ba na-damage?"
Nag-fake ang loko, pinatulan ang pang-aasar ko. "Mas intindihin ba naman 'yon kaysa sa'kin? Grabe ka ha! Pero wag kang mag-alala, Mariana, wala kang dapat ipag-alala sa kotse. Bike kasi yung nakabangga sa'kin."
Nanlaki yung mata ko sa narinig ko. "What? Bike? Just a bike?" Hindi ko alam pero bigla akong napahalakhak. "Bike lang tapos sa ospital ang ending mo?"
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...