xx Chapter 12 xx
MASAYA AKO NANG bumalik ako sa classroom. Natutuwa lang ako kasi di ko inexpect na may ganun pala akong kakapalan ng mukha at lakas ng loob para kalabanin at patulan si Mikaila. I am feeling fierce. Nakaka-proud masyado. Pagkarating ko sa classroom, akala ko, ako lang ang masaya. Mas masaya pa pala sila Melyn, Camille, at Cholo. Tatlo lang silang nasa sulok pero sa kanila nanggagaling ang pinakamalakas na ingay sa room.
"Mamaya mo pang dinner kakainin 'yan? Pwede ba 'yon? Pwede bang kainin sa dinner ang laman ng lunchbox? Edi sana naging dinnerbox 'yan!" salita 'yon ni Melyn tapos humalakhak silang tatlo.
"Naalala ko tuloy si Mama. Pinagko-coffee break sila sa trabaho. Hindi nalang siya raw nag-break," si Cholo naman ang nagsasalita. Nagtanong yung dalawa kung bakit. "Allergic si Mama sa kape. Sa juice at tubig lang siya pwede. Akala niya hindi pwede 'yon inumin kasi coffee break daw."
Sobrang lalakas ng tawa nila sa mga kakornihan nila. Buti at may sariling mga business ang mga kaklase namin kundi baka napagtulung-tulungan silang tatlo ng mga kaklase namang mataas ang standards pagdating sa humor. Ang kokorni pa naman nila.
"Pero seryoso, ano ba ang kulay ng giraffe? Puti na may black stripes o itim na may white stripes?" tanong ni Camille. Napaisip yata kaming tatlo. Ako at si Cholo, pareho kaming natawa. Si Melyn, biglang bumanat. Natahimik kami nang bigla niyang pinaglaban na itim 'yon na may white stripes na kinontra naman ni Camille. "White yata yun na may black stripes!"
Nakisingit na ako sa usapan. "Mga gaga, yung giraffe, yun yung may mahabang leeg! Zebra yung pinagtatalunan niyo." Natahimik silang dalawa at napaisip yata. Mga abnormal talaga. Akala ko matatalino kaming nasa Science High.
"Zebra? Giraffe?" Nagkatinginan ang dalawa at sabay na nagsitawa. "HAHAHAHA! Oo nga! Sorry na, na-confuse lang! Aish! Tama na nga, puro tayo kalokohan! Baka may quiz pa tayo maya-maya, nako, kamote na naman tayow."
Umalis yung dalawa. Naiwan kami ni Cholo. Si Cholo na super hyper kanina, bigla nalang nawalan ng imik. Para bang nawala siya sa mood bigla. Hindi ko malaman kung galit ba siya sa'kin or what. Super awkward lang ng sitwasyon namin. Hindi naman kasi siya lumayo sa'kin, e pwesto ko rito. Ako pa ba ang aalis? Ano siya, chicks? Umupo ako at naupo rin naman siya. Ugh. What the heck is his problem?
I groaned at saka malakas na pinalo ang mesa sa harapan naming dalawa. "Hoy, Juancho Miguelo, anong trip na naman ba 'yan?"
Ngumuso si Cholo sa'kin. "Nagtatampo ako."
I rolled my eyes. "Wala akong pake."
"Eh?" Napakamot siya ng ulo. "Di mo tatanungin kung kanino at kung bakit?"
"Wala nga kasi akong pake," sagot ko. "Kung may problema ka sa buhay, wag mo ikalat dito ang kabadtripan mo."
Inayos niya bigla ang sarili niya. Parang instant na napuno ang battery ng energy ng buhay niya. "Bakit? Hala! Affected ka ba? Ay! Sorry naman! Eto na, hyper mode on na ulit ako!" Tumayo pa siya at nag-stretching kuno. Kulang nalang e mag-jumping jack siya. "Pero seryoso, Mariana," naupo siya ulit, "nagtatampo ako sa'yo ah."
Kung balak niyang kunsensyahin ako, well, hate to admit it, pero nagtatagumpay siya.
"Nung Sabado, naghintay talaga ako este kami ng girlfriend ko. Hindi ka naman dumating. Sows. Sabi nila Camille, baka raw nasa party ka ni Mikaila. Dahil makulit ako at may pananampalataya akong darating ka, naghintay pa rin kami. Ang kaso nga lang, halos mamuti na ang buhok namin, wala ka pa rin," kwento niya. "Mga tatlong oras lang naman kaming naghintay... pero, uy! Wag ka mag-alala! Hindi naman ako galit. Magkaiba yon sa nagtatampo. Naiintindihan naman kita. Mahalaga rin naman para sa'yo yung party na 'yon. Sino nga ba naman kami ng girlfriend ko para sa'yo?" Sa tono ng boses niya, parang nanadya talaga siyang konsensyahin ako.
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...