So masipag mag-update. Hahaha. :) Third for today, as promised.
xx Chapter 23 xx
"ANONG SINABI NG love life mo, Mariana?" tuwang tuwang sabi ni Camille. Pinagkukwentuhan namin yung umaasenso ko kunong love life. Ito kasing dalawa, mukhang mas affected at mas masaya pa kaysa sa'kin.
Tinawanan ko silang dalawa. "Kalma, guys, pwede? Baka sa sobrang saya natin, bawiin nalang bigla. Ayjusko! Hindi ko kakayanin. Wala pa kami sa climax, kumbaga."
Prente kaming nakapwesto sa kama nitong si Camille. Nandito na naman kasi kami sa kanila para asikasuhin yung debut ko na naayos na namin kanina. Natapos na namin yung cake, dress, at nakakuha na rin kami ng caterer. Next week, yung pagkain naman tapos patapos na. Excited na ako sa debut ko. May eighty percent chance na ako na mahahatak ko si Zion para maging birthday date ko.
Gumulong sa kama si Melyn papunta sa may edge sa gawi namin ni Camille. "Pero sayang saya ka naman! Grabe! Dinadaig mo na ang beauty ka-bitchy-han ni Kaila, the Princess Bitch! Ikaw na talaga!"
Parang baliw akong tumawa. "Duh! Sabi nga ng Coke, share happiness! Tama lang na i-share ni Mikaila si Zion!"
"Ayon! Sabog na si Ana! Na-in love lang eh!" Inasar ako ni Camille. "Pero di bale, konting push nalang 'to, friend. Mabibigyan ka rin ng membership sa samahan naming mga taken! Konting konti nalang!"
Omg! Paano nga kaya kung maging taken na ako? Waah! Ibig sabihin, mai-experience ko na rin ang mga nai-experience nilang mga taken! Omg, yung mga holding hands chenes, mga hugs, mga kiss, mga sweet greetings tuwing umaga, tanghali, gabi, mga 'I love you'... waaah! I am so excited!
"O, kita mo 'to!" biglang pagkontra sa'kin ni Melyn. Pumitik pa siya sa harap ko. "Wala pa! Grabe 'to! Ang imagination, nasa 50 years after na! Jusko! Atat much?"
Tumingala si Camille na parang nag-iisip. "Nakikinita ko ang naglalanding future ni Mariana kasama ni Zion... grabe! Hindi ko keri! Daig mo pa yata nanalo sa lotto nun! Jackpot ka dun ah! Gwapo, matalino, mayaman, habulin ng kababaihan, hottie, heartthrob, name it!"
Kinilig naman ako bigla. Syempre, luckiest girl in the universe na ang drama ko pag napasakin na si baby Zion ko!
"Grabe ka, Camille," pagkontra ni Melyn. "Dun lang ba umiikot yon? Yun lang ba ang mahalaga? Duh! Above all, yung nag-uumapaw na love ang pinakamahalaga. Masasabi mong pinakaswerte ka kung nakakapagpalitan kayo ng true love and affection."
Nakanganga nalang kami pareho ni Camille. Ang mababaw na si Melyn, humuhugot na nang ganito ngayon? Woah!
"O-oy, anong ginawa sa'yo ni Vince? Nakakaloka ka!" Hindi makapaniwalang sabi ni Camille.
Tinawanan ko naman si Camille. "Kelangan mo na ba ng plunger? Haha. Barado ka na naman."
"Whatever you say," panggagaya ni Camille kay Kaila. Haha! Kuhang kuha talaga niya! "Aish! Bitchy bitchy, di bagay sa'kin. I am so angelic."
"Speaking of the bitch, kamusta na kaya ang pagluluksa nung malditang 'yon?" tanong ni Melyn, as if updated na updated at interesado kami sa buhay nung Kaila na 'yon.
"Baka ina-absorb na niyang wala talagang forever. Baka nagtitirik na ng kandila. Baka nag-uubos pa rin ng tissue, luha, at uhog." Well, kawawa naman talaga si Kaila eh. Duh, ikaw ba namang mawalan ng boyfriend na gaya ni Zion? Aww. Kahit ako, hindi ko mati-take.
"Wait. I'm confused," singit ni Camille. "Break na ba sila?"
Umiling ako. "Hindi pa yata, pero pasasaan pa ba't doon din naman na papunta 'yon." Nag-evil laugh ako. "I told you, nakasulat na na magbi-break silang dalawa." Nakipag-apir ako dun sa dalawa. "Ako yata ang nakatakdang suotan ng singsing ni Zion. Ako rin ang Mrs. Tetiangco in the making!"
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...