Bttrna 25

1.6K 28 2
                                    

xx Chapter 25 xx


"OH OUR GEE, Mariana Dela Vega! Grabe! We can't breathe! May greatest breaking good news kami sa'yo!" Magka-duet na naman sina Camille at Melyn. Ligalig na ligalig sila sa buhay na akala mo e nanalo ng ilang milyon sa lotto. 

Si Melyn bigla pa nga akong niyugyog kaya parang nagising at nabuhay bigla ang natutulog at walang kabuhay-buhay kong diwa. "Hindi ako makapaniwala, Ana! Hindi talaga! Grabe! Sobra!"

Tinulak ni Camille si Melyn. "Luka luka ka! Naintindihan niya, promise!" ang sarcastic na sabi niya pa rito tapos ako naman ang tinignan. "Nako, Mariana! For sure ay matutuwa ka talaga! Moment mo na 'to! Chance mo na 'to! Sinasa—aray, Melyn! Wag kang brutal!"

Si Melyn naman kasi ang tumulak sa kanya. May kasama pang hampas sa braso. "E hindi rin naman niya naintindihan sa'yo eh!"

Napatingin ulit sila sa'kin nang may mga matang nagniningning. Tumili sila sabay sabing, "Mariana, literal na breaking news kasi break na sina Kai-Lande at Zion mo!"

Napanganga nalang ako sa kanila—sa kanila at hindi sa dala nilang balita. Break na sila Zion at Kaila? Hindi naman na malabo 'yon. Matagal naman na rin silang nagkakalabuan.

"Ang hindi talaga namin mapaniwalaan ay si Mikaila mismo ang nakipag-break!" kwento pa ni Melyn. Sa exaggeration niya ay natatamaan na kami ni Camille ng malikot niyang kamay. "And take note, Mariana, ginawa niya 'yon in public! As in kanina dun sa grounds! Ang dami kayang estudyanteng nakakita! As in super kahihiyan 'yon, di ba? Omg talaga!"

"OA mo, Melyn!" Tumawa pa si Camille. "Pero seriously, Mariana moment mo na 'to! Chance mo na 'to kay Zion mo! Solong solo mo na! Career-in mo na! Captain Mariana, go sail the Zioana Ship na!"

I just smirked at them. Walang sali-salita ay tumayo nalang ako at iniwan silang tulala sa naging reaksyon ko.


SA GROUNDS NA tinutukoy kanina ni Melyn ay naabutan ko roon si Mikaila. Ngumangawa siya kahit ang daming mga taong pinapanood siya. Mukha siyang kawawa, malayo sa princess bitch image niya. Palibhasa ay wala kaming gagawin ngayong araw. Nakalaan kasi para sa pagpa-practice para sa darating na Foundation Day.

Nang makita niya ako, galit niya akong tinignan. Tumayo siya at nilapitan ako. "Ikaw! This is your fault!"

Nanlaki ang mata ko sa kanya.

"Wala na kami ni Zion! Are you happy now? Ugh!" Pinaghalong inis sa'kin at sakit ang nararamdaman niya. Alam ko namang ako ang dahilan kung bakit nag-break sila. "This is your fault!"

Inis ko siyang tinignan at saka nagsalita, "I know. Ako nga ang dahilan mo kung bakit kayo naghiwalay, pero ikaw ang nakipaghiwalay, di ba? Ikaw ang kumalas kaya wala kang karapatang manisi ng iba." Huminga ako nang malalim at may luhang tumulo sa mata ko. "Kung mahal mo talaga siya at ayaw mong mawala siya sa'yo, then balikan mo siya, Mikaila. Pakinggan mo muna siya... Mahal ka niya."

Tumalikod na ako at umalis. Hinayaan ko na siyang mag-isang pagnilayan ang mga sinabi ko. Sa gymnasium ako nagpunta. Walang ibang tao maliban sa Acoustic Club na nagpa-practice ng mga kakantahin nila. Sa may bleachers ako naupo at nagsimulang umiyak.

Akala ko magiging masaya yung taon na 'to. Akala ko marami nang magbabago. Akala ko magsisimula na akong makaramdam ng totoong alaga at pagmamahal mula sa lalaking mahal ko. Akala ko lang pala lahat. Nung last Friday, nagising ako bigla. Natauhan ako bigla. Nalaman ko lahat. 

Minsan naiisip kong sana hindi ko nalang nalaman. Sana masaya pa rin ako. Sana ramdam na ramdam ko pa rin yung kilig at saya na hatid ni Zion... pero thankful pa rin ako. Hindi ako magmumukhang tanga forever. Alam kong masakit talaga minsang malaman ang katotohanan, pero kailangan 'yon kasi 'yon ang gigising sa'kin. Iyon ang magmumulat sa mga mata kong ang nakikita lang ay puro pangarap at kahibangan. Kung sakaling tumagal pa kasi 'yon, tiyak na mas masasaktan ako. Triple ng sakit na 'to ang mararamdaman ko.

BITTERANA [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon