xx Chapter 18: xx
AGAD KONG TINULAK palayo sa'kin si Cholo. Mukha kasi siyang walang balak pang lumayo sa'kin. Nahuli na kami't lahat, heto pa rin siya sa may ibabaw ko at nakatulalang nakatitig sa'kin. Kung gulat na gulat na gulat ako, sa tingin ko ay mas gulat na gulat na gulat pa siya. Sino ba namang hindi? For goodness' sake, first kiss ko 'yon! Waaah!
Tila naalimpungatan siyang tumayo at nag-ayos ng sarili. Nakatulala pa rin siya at walang imik. Ako rin ay tumayo at nag-ayos ng sarili. Wala akong masabi. Si Cholo, nakatameme pa rin. Unlike the usual him, hindi siya gumawa ng joke para maging palusot sa pangyayari.
"Oh our gee!" Sabay ang tili ng dalawa kong kaibigan. Napatakip pa ng kamay sa bibig si Melyn. Homaygad! Nakita ba nila? Pati yung kiss?
Sina Mama, lumakad palapit sa'min. Oh no, heavens! Oh nooo! Wag naman sana! Hindi naman sana nila nakita, please! Hindi na nga gano'n ang dream first kiss ko, nakita pa ng sarili kong mga magulang? No way! Sa pagkabigla ko, tinawanan at tinapik lang ni Mama si Cholo.
Nagkatinginan kami ni Cholo despite of the i-don't-know-what-to-call feeling between us.
"Cholo naman! Pwede mo namang ligawan ang anak namin. Di naman namin pinagbabawal," nakangiting sabi ni Mama, "pero jusko naman! Hahaha! Di ko yata kinakaya yung mga ganyang harutan!"
"Oo nga, oy!" ma-otoridad na sabat naman ni Kuya Marko kahit na medyo light pa rin ang mood niya. "Abusado ka masyado! Hanggang hug at holding hands at akbay lang ang legal sa inyo. Bawal ang harutan at patong-patong na 'yan! Galawan mo rin minsan!"
Tumawa naman sila. Kami ni Cholo, parehong tikom ang bibig at tila hindi pa rin naka-get over sa nangyari. Kagaya kanina ay nagdaldalan sila sa bahay. Mas maingay nga lang ngayon dahil sa pagdating nina Melyn at Camille. Sila sila naman nila Mama ang pasimuno ng kaingayan. Si Cholo kasi, di gaya kanina, ay nabawasan ang kakulitan. Sumasagot nalang siya sa tanong nila. Hindi na siya ang prumotor ng kalokohan at mga korning usapan. Ako naman, nanahimik nalang ulit at hinintay ang reply ng ka-text ko kanina pa.
BANDANG HAPON NA nang magpaalam umuwi ang lahat. Padilim na rin kasi. Sina Camille at Melyn, sinundo ni Marco na boyfriend nung una. Kinabahan ako nang bantaan nila akong maggu-group chat daw kami mamayang gabi. Maybe because of what happened earlier... or maybe not. Hay! Sana talaga hindi! Si Cholo, on the other hand, nagpalaam na rin sa'min. Tinapunan pa niya ako ng malamyang tingin bago siya tuluyang umalis ng bahay.
Hindi ko malaman kung dapat ko bang kausapin si Cholo o ano. Wala na rin naman akong magagawa kasi nakaalis na siya. Kung kakausapin ko siya, wala naman akong ibang sasabihin. Gustuhin ko mang sampalin siya dahil siya ang walangyang nakuha ng first kiss ko, hindi ko naman magagawa kasi alam kong wala siyang kasalanan. It's just a mere accident. Though big deal 'yon para sa'kin, never ko namang gagawin na maghabol at sabihing panindigan niya 'yon. Duh, dahil lang do'n, itataya ko ang buong buhay ko sa lalaking 'yon?
'Pero teka... WAAAAH! May girlfriend siya! T-tapos hinalikan ko siya? No way! Kawawa naman yung girlfriend niya kung sakaling mas nauna pa niya akong halikan! Kahit ganun 'yong si Cholo, mukha namang desente at may pagka-conservative pa rin siya.'
"ARAY!" Isang throw pillow ang biglang naglanding sa noo ko. "Kuya Marko naman! Ugh!"
"Ang init ng ulo mo, ah!" Tumatawa pa ang loko kong kuya. "Dapat sinabi mo na ayaw mo pa siyang paalis. Naharang ko sana! Hahahaha!"
Binato ko pabalik sa kanya yung throw pillow. "Wag ka ngang mag-joke."
Ginaya lang ako ng abnormal kong kuya at inasar pa nang inasar hanggang sa nagsawa siya. Hindi ko na pinatulan. May nakapagsabi sa'kin na ang pumatol sa baliw ay mas baliw kaya pinabayaan ko nalang siya. Isa pa, ayoko nang palakihin ang issue. "Oy, Yana, seryoso na. Titigilan na kita." Nginitian niya ako tapos itinaas-baba pa ang parehong kilay. "Pero ibili mo raw si Mama ng sayote dun sa may tindahan sa kabilang kanto."
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Ficção Adolescente[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...