Bttrna 26

1.7K 27 1
                                    

xx Chapter 26 xx


KAPAG NALAMAN MO nang walang pag-asa, tumigil ka na. Kapag nasaktan ka na, tumigil ka na rin. Iyon ang mga leksyon na natutunan ko sa buhay ko... to accept, let go, and move on. 

Malinaw nang hindi ako gusto ni Zion kaya wala nang dahilan para ipagsiksikan ko pa ang sarili ko sa kanya. Malinaw na ring nasaktan ako sa ginawa ni Cholo kaya wala na ring dahilan para pabayaan kong masaktan ulit ako. Maybe he has his reasons kung bakit ginawa niya 'yon, but whether those were good or bad, I guess sapat na rin ang rason ko para mag-move on at kalimutan ang mga nangyari at pati na rin siya. Mas mabuti na rin yung bumalik kami sa dati. Mas healthy 'yon para sa'min pareho. Nung hindi pa naman kami ganito ka-close, wala namang ganitong problema.

Pauwi na sana ako nang harangin ako ni Mikaila sa may gate ng campus namin.. May naka-park na rin kasing kotse sa may gilid at alam kong iyon ang sasakyang laging sumusundo sa kanya. Naka-cross arms at cross legs siyang nakaupo sa may isang bench. Wala siyang kasamang alipores kagaya nalang kahapon at nitong mga nakaraang araw. Parang talagang inabangan niya talaga ako doon.

Natakot pa akong lumapit doon kasi ang taray pa rin ng itsura at aura niya, pero nang makita naman niya ako, nawala rin kaya nakampante ako. Nagpilit siya ng ngiti kasi talagang hindi siya sanay ngumiti sa'kin. Tumayo siya at lumapit sa'kin. "Mariana," umpisa niya sa kanyang sosyal na accent. Nagtutunog-mayaman talaga ang pangalan ko pag mga kagaya niya ang bumabanggit. "C-can we talk?" Mukhang nag-aalangan pa siya.

Pumayag naman ako kasi ang harmless niyang tignan ngayon. Hindi siya mukhang bitchy. "Sure."

"Yes! Thanky!" Cute pala siya kapag ganito. Sana lagi nalang siyang ganito, hindi yung nagmumukha siyang may buntot at sungay sa kaartehan at kamalditahan niya. "Let's sit."

Naupo kami sa inuupuan niya kanina. For the very first time, nakaramdam ako ng ease habang kasama 'tong babaeng 'to. Ang gaan ng atmosphere sa pagitan namin. Hindi mo aakalaing inis na inis kami sa isa't isa noon. 

"Hm, first, I would like to say thank you," salita ni Kaila na para bang nahihiya pa sa'kin, "for your words last day. Sobrang napaisip ako nun. Those words made me realize what I should realize." Nag-smile siya sa'kin.

Pinilit kong mag-smile din kahit ang totoo ay nasaktan pa rin ako kahit papano. Right thing na magparaya, but I can't just simply take away the pain. "Edi m-maganda. Good for you. Ano nang nangyari?" Pero syempre, ito naman ang dapat. Kailangang maging masaya nalang ako para sa kanila bilang parte ng pagtanggap at pagpapalaya ko sa sarili ko.

Huminga siya nang malalim at naging malungkot yung itsura niya. "I'm sorry, Mariana."

Tinawanan ko siya. "Ha? Sorry ka dyan? Wag ka nga. Di bagay sa'yong nakasimangot."

Nag-pout pa siya lalo. "I am feeling guilty. I feel like my conscience is really bothering me." Tinignan niya ako. "You're too good. You're too good yet lagi kitang inaaway at binu-bully." Gusto kong tumawa kasi parang mas bully naman ako sa kanya. "T-tapos... y-yung kay Zion pa."

"O, bakit?" Pinipilit kong magmukhang hindi apektado. Okay na kasi eh. Ayoko nang mag-umpisa ng tampo o problema.

"I know you like Zion, too," pagpapatuloy niya, "but... kami ni Zion. You know..."

Ako ang nagtuloy sa mga sinasabi niya. Naiilang kasi siyang magsalita. "Okay lang naman, Kaila. Nung una palang naman, kayo na eh. Love mo si Zion at love ka rin niya. Honestly, bagay nga kayo eh. Maganda at gwapo, parehong mayaman, parehong matalino. Kayo talaga ang compatible. Don't mind me. Isa lang naman ako sa mga fan girls ni Zion." Never kong na-imagine sa tanang buhay ko na magpapakumbaba at aamin ako nang ganito, at kay Mikaila pa. "Mas hindi ko mate-take kung naghiwalay kayo nang tuluyan dahil sa'kin. Na-realize ko lang din na maling isiksik ang sarili sa maling tao."

BITTERANA [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon