Bttrna 8

2K 37 14
                                    

xx Chapter 8 xx

"OH REALLY? GINAWA mo talaga 'yon?" sabay na bulalas ng dalawa kong best friends.

Naikwento ko kasi sa kanila yung ginawa kong kalokohan kanina. Nandito nga pala sila sa bahay as they said. Dahil hindi talaga sila naniniwala, I even showed them my phone. Sabay pa silang humalakhak nang makita nga nila.

"You're unbelievable, Ana!" natatawang komento ni Camille.

"Ikaw na talaga! You're right; that is bitterness at its finest!" ang reaksyon naman ni Melyn.

Nakitawa nalang ako sa kanila. "E nakakainis naman kasi talaga, guys. Nakaka-hurt kaya."

"Umasa ka na naman kasi, gaga. Yun ang sabihin mo." Nag-apir pa yung dalawa.

"What? Baka gusto niyong kunin ko lahat ng pasalubong sa inyo ni Ate Pink?"

"Ito naman, para nagbibiro lang kami eh," ang fake na pagkakasabi ni Melyn. "By the way, Ana, talagang tutuloy ka sa party ni Kaila?"

Sinabi kong oo tapos proud ko pang pinakita yung dress na susuotin ko.

"Woah! Glamorous in gold! Yung totoo, sino ang may birthday? Si Mikaila o ikaw?" Melyn exclaimed. Parang gusto pa yatang arborin yung dress ko. "Talagang nasa plano mong masungkit si Zion sa gabing 'yan, ah!"

I winked. "We'll see."

"Ang gaga mo talaga! Aasa ka na naman, tapos ano? You'll just end up, as usual, nganga!" Camille laughed. "Ay, by the way, may pinapasabi si Cholo mo. Yung sa Sabado raw. Haha! Taray non! Dala-dalawang invites! Haba ng hair!"

I rolled my eyes. "Whatever, Ellimac. Saka yung kay Cholo na 'yan, saka nalang. Boyfriend ko muna bago girlfriend niya. Matik na 'yon, guys."

SA CAPMUS PAGKAPASOK ko, iba't ibang tents and booths ang mga naka-set up. May surprise event yata ngayong araw courtesy of the entire Faculty. Hindi ko alam kung ano talaga ang meron pero ang alam ko lang, magiging exciting 'to kasi one whole day kaming walang klase. Yehey!

"Woah! Astig! Ang daming booths, ano?" Nagulat naman ako sa biglaang presensya nitong si Cholo. Naglalakad kasi ako mag-isa. Kakatapos lang ng General Assembly sa may oval. "Ano kaya pwede nating unahin?"

Kay aga-aga, naghahanap yata siya ng magtataray sa kanya. "Pinaglihi ka ba talaga sa kabuti? Bigla-bigla ka kasing sumusulpot sa kung saan-saan."

Nakangiti siyang nagkibit-balikat. "Ewan, siguro. Baka nga. Kasi sabi ni Daddy, lagi raw siyang inuutusan ni Mommy na maghanap ng mushroom soup nung pinagbubuntis ako, kaya baka nga."

What da hek? Gusto kong mapa-face palm.

"E ikaw, sa ampalaya ka pinaglihi, di ba?" Ngiting ngiti ang loko. Ear to ear.

"Oo. Oo nalang." Tapos nauna na kong naglakad, pero as usual, nakabuntot na naman siya sa'kin. "Nasan ba girlfriend mo? Bakit ba lagi ka sa'kin nakadikit? Pinaglihi ka rin ba sa linta?"

Nanlaki mata niya. "Grabe, nakakain ba 'yon? Hm, sige, tatanong ko kay Mommy mamaya."

Such a joker. Korni naman! Ugh! "Seriously, Cholo, nasan ba yung girlfriend mo? Bakit di nalang siya ang samahan mo? Taga-ibang school ba talaga siya?"

He poked me on my waist. "Ayiee. Interesado ka rin pala eh. Hahahaha! Confidential pa ang mga bagay na 'yan sa ngayon, pero di bale, sa Sabado nga, malalaman mo."

Hay, that Saturday thingy again. "Bahala ka. Hindi na ko interesado."

Hinabol niya ko nang binilisan ko ang lakad. "Huy, tampo ka naman agad. Basta, makikilala mo rin naman siya."

BITTERANA [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon