xx Chapter 29 xx
WHEN A GIRL turns eighteen, she'll finally be a woman.
This is finally the most-awaited day of my life. Ngayong araw, eighteen na ako. Finally, hindi na ako bata. Dahil grown up na ako, alam kong dapat mag-mature na ako. I should be smart enough and open-minded sa bawat pagsubok na dumadating. Included doon ang problema ko k-kay Cholo... pero, da fak, ang hirap talaga pagkasunduin ang magkaibang sinasabi ng puso at isip.
I am more than confused. I am more than crazy thinking too much. Wala na akong contact sa siraulong 'yon at magkalayo pa kami pero parang hindi iyon ang lagay namin. Hindi ko nga siya nakikita nang personal pero mukha niya ang nakikita ko sa bawat pagpikit ko. Hindi ko siya naririnig nang personal pero parang echo pa rin sa tenga ko ang mga sinasabi niya. Ayoko siyang isipin pero lagi nalang siya itong nasa isip ko. Ayaw ko sa kanya pero gusto ko siya. Ironic masyado.
Hindi ko siya gusto.
Hindi ko siya mahal.
Hindi ko siya mahal.
Hindi ko siya mahal.
Walang'ya. Oo na. Mahal ko na yata.
Buong araw akong nakipagtalo kagabi sa sarili ko, pero ang ending ay mahal ko siya. Waah!
Yung gusto ko siya, medyo gets ko pa eh. Naging close na rin kasi kami noon. Normal siguro na magustuhan ko siya kasi ang bait niya sa'kin kahit na makulit siya. Isa pa, nakakatuwa siya. Nakakatawa. Sabi nga nila, madaling magkagusto sa taong may sense of humor.
P-pero posible ba 'yon? Posible bang mahalin ko pa rin siya sa kabila ng lahat? Inis at galit ang alam kong meron ako sa kanya dahil sa lahat ng mga ginawa niya, pero kaya bang magbunga 'yon ng pagmamahal? Syntax error. Hate and annoyance equals love? Di ba ang labo?
Ang kaso nga, ayun siya. Busy maglandi. Bukod sa girlfriend niya, may mga umaaligid ding iba sa mundo niya. Ang dami niyang babae! Nakakaloka! Pakiramdam ko naulit lang yung drama ko noon nung in love pa ako kay Zion. Mas malala nga lang yung ngayon. Malandi siya at maraming babae. Ano ang laban ko?
Isusugal ko pa ba 'tong puso ko? Ilalagay ko na naman ba siya sa panganib? Siyempre hindi pa ako baliw para gawin 'yon, pero... EEHH! Shut up, heart! Shut up! Forget him. Ma-hurt ka saglit, go lang, basta hayaan mo na siya. Magka-college ka na. Iiwan niyo na isa't isa. Makaka-move on ka rin. Maraming mas gwapo sa kanya doon! Pero... Eeeh! Wala nang pero pero!
Hala ka. Baliw na yata ako. Shet... baliw sa pag-ibig.
Napasapo ako sa noo ko at nagpalumbaba dito sa mesang nasa harapan ko. Ang tagal naman kasi ni Mikaila. Siya ang nag-aayos sa'kin kanina pero in-excuse niya ang sarili niya dahil may tumawag. Grabeng phone call kasi inabot na ng twenty minutes. Haay. Ang dami ko na tuloy naiisip. Baka bago pa umabot ang oras ng party ko, dalin na ako sa mental hospital.
"Waah! Mariana! Oh our gee!" biglang sumulpot sina Melyn at Camille dito sa kwarto na kinalalagyan ko. Kasama na sila si Mikaila. "Happy happy eighteenth birthday! Yuck, ang tanda mo na! Pa-mano nga!"
Inirapan ko silang dalawa. "Ang tagal niyo naman. Mababaliw na ako rito." Literal.
"Eeh, naki-usyoso muna kami dun sa venue. Taray, ah! Bongga! Galing ni Momsy!" puri ni Camille. "Dinala ako sa France kanina! Bongga!"
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...