xx Chapter 6 xx
"PWEDE KA NAMAN palang maging mabait sa'kin, ano?" nakangiting tanong sa'kin ni Cholo habang titig na titig sa'kin.
Naiilang ako sa titig niya kaya nagyuko nalang ako ng ulo para sa mga pagkain tumingin. Paanong hindi ako babait sa kanya kung ganito karaming pagkain ang nilibre niya sa'kin? Siyempre, magpapakabait ako. Dinala kasi niya ako sa may carinderia at nilibre. Kinomfort din niya ako mula sa pagiging mukhang tanga ko kanina.
"Uy," tawag niya. Natigilan din ako at napaharap sa kanya kasi naman hawak niya yung baba ko. "Malungkot ka ulit? May pagkain na nga, malungkot ka pa rin?"
Halos matawa ako. Talagang pagkain ang nakakatanggal ng lungkot para sa kanya? Hah.
"O, ayan, bagay naman sa'yo ang nakangiti."
Bakit ba bigla nalang akong natatawa sa kanya? All of a sudden, simula kaninang kinomfort niya ako, nakaramdam ako ng ease sa kanya. Hindi na haya nung dati na puro pagka-irita at inis ang nararamdaman ko pag nandito siya.
"Sino ba kasing iniiyakan mo ha?" tanong niya. Hindi pala niya nakita kanina? Hooh. Buti naman. "Aha! Siguro ako, ano?"
Halos masamid ako dahil sa kanya. Ano raw? "Ha?"
"Siguro kami ng girlfriend ko yung iniiyakan mo. Nagseselos ka, ano? Gusto mo talagang maghiwalay kami kasi type mo ako?"
I blinked thrice. "Excuse me? Saan mo naman napulot ang idea na 'yan? Hoy, Juancho Miguelo, in your dreams ha! Asa ka pang magugustuhan kita! Magiging pink muna yung anak ng aso ko bago kita magustuhan, bwiset!" Tumayo na ako pero agad niyang nahawakan ang kamay ko. Oh shiz. Tinignan ko siya nang masama tapos ay naupo ulit. Ugh.
He laughed. "Para jinu-joke ka lang eh! Ikaw naman oh! Sayang naman 'tong mga pagkain kung iiwan mo lang! Hindi ko pwedeng ubusin 'yan kasi maa-abuse ang mga inaalagaan at pinaparami kong mga abs." May pa-hawak hawak pa siya sa tiyan niya. Kunware may abs daw! Nako!
"Ang korni ng joke mo," sabi ko sa kanya.
"Korni daw pero nangingiti ka dyan!" Tumatawa-tawa ang loko. Pinisil pa niya ang pisngi ko.
Napa-poker face tuloy ako bigla. Tumatawa na pala ako nang di ko namamalayan. "Kumain na nga tayo. Tutulungan kitang ubusin para di naman ma-abuso 'yang baby abs mo."
"O di ba, inamin mo rin!"
Napailing nalang ako at nagsimula nang kumain. Bahala siyang magyabang, basta ako, magpapaka-busy sa pagkain. Paborito ko pa naman ang valenciana nitong carinderia.
"So, kamusta kayo ng girlfriend mo?" tanong ko sa kanya habang kumakain just to break the starting silence between us. "Di ba nagkaproblema kayo?"
Ngumiti siya. "Bati na kami."
Nilunok ko muna yung nginunguya ko bago ngumiti rin at nagsalita. "Really? Ayos pala." Geez. Why can I feel the sarcasm and bitterness on my words? Maybe because naiinggit talaga ako kasi siya may love life tapos ako wala? Siguro ganun na nga.
"Nag-a-ampalaya ka na naman."
Tinignan ko siya nang masama tapos for no reason ay natawa nalang kami bigla.
"HEY, ANA, BALITA ko lumabas kayo ni Cholo ah?" bungad na tanong kaagad sa'kin ni Camille kinabukasan. "Ayos ah! Improving na kayo!"
Pati si Melyn ay naupo na sa tabi ko. "Omg, Mariana! Umaasenso na ang loveteam nyo?"
Napa-face palm nalang ako dahil sa mga kahibangan nila. "Friends lang kami. Wag kayong O.A. dyan."
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...