Bttrna 11

1.8K 31 3
                                    

xx Chapter 11 xx

Mahirap talagang magpigil ng tawa. Kanina ko pa gustong humalakhak pero sobrang nagpipigil lang ako kasi mahirap nang mabuking ako na ako ang gumawa ng bagay na kanina pa kinaiinit ng ulo at dinadada nitong si Mikaila.

"Whoever that bitch is, she's a freak!" Hindi mapakali at nanggagalaiting salita ni Mikaila. Nasa harapan namin siya at kausap ang mga kasamahan niyang malalandi. "Buti nalang at tapos na ang party ko nang makita ko 'yon! She'll definitely ruin my entire birthday party if ever."

"Yah, right, girl!" pakiki-epal nung isa. "Pero sino kaya 'yon?"

"Duh! Sa dami ba naman ng nagkakagusto kay Zion? Tiyak na mahirap ma-identify kung sino 'yon," salita naman nung isa pa.

Kaila rolled her eyes. "That girl is crazy! Unbelievable! Anong sabi niya, maghihiwalay din daw kami ni Zion? Ugh! Bitches everywhere! Mga inggit lang sila sa relationship namin ni Zion. Ugh. Basta, once na malaman ko kung sino yung mga gumagawa ng ganito, I'll surely make their lives living hell."

Pft. Kung makikita lang talaga ni Kaila ang sarili niya. She looks pathetic. Mukhang naagawan ng boyfriend. Paano pa pala kung magkatotoo na ang forever namin ni Zion? Haay. Baka iyakan niya kami.

"Hay nako, girl. Wag mo na silang pansinin! Ang mahalaga, nasa'yo si Zion. You're happy together. He really really loves you. That what matters most. Kahit sinong bitch pa 'yan, wala silang magagawa sa inyo." 

Then the three bitches walked away. Kaawa-awa.

"Makangiti, abot tenga?" bati sa'kin ni Camille. "Somethin's fishy, Mariana. Tell us, may kinalaman ka ba sa pinag-uusapan nung tatlong bruha na 'yon?"

Nilapit nila ni Melyn ang mga sarili nila sa'kin. "Oy, Mariana, may kagagahan ka na naman bang ginawa?" Tinignan nila ako na para bang detective o pulis sila at ako naman ay isang kriminal na pinipilit nilang paaminin ng kasalanan. Nakakatakot sila, pramis! "Hoy, wag mo kami ngitian. Anong kagagahan ang ginawa mo sa birthday ni Kaila?"

"Chill!" Pilit ko silang pinalayo sa'kin. Ang init-init naman kasi tapos nakadikit pa sa'kin. Kinwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari sa birthday party. Kinwento ko na in-OP nila ako, na kahit si Zion ay deadma sa gorgeousness ko. Kinwento ko rin yung evil birthday letter ko kay Kaila. "Sus, pasalamat nga siya at yun lang ang ginawa ko! Kung nagkataon sigurong hindi ako animal lover, baka pumatay ako ng kuting at sinama ko sa regalo ko sa kanya."

Nagsitawa ang dalawa. Hindi yata sila makapaniwala sa ginawa at naisip kong gawin. "Forever bitter ka talaga, Mariana! Ikaw na! Hindi ka lang bitter, mean at evil ka na rin! Grabe ka, talagang everything in the name of love ang drama mo!"

I smirked. "Serves her right, ano! Ang sakit kayang ma-OP nung gabi na 'yon!" 

"Wushu! Masakit, pero all smiles ka dyan?" pansin ni Melyn. "Mariana, ramdam kong may iba pang nangyari kaya magkwento ka."

Napakagat ako sa lower lip ko para mapigil ang ngiting sumisilay sa'kin. Bigla kasing nag-flashback yung nangyari last Saturday night... lahat ng nangyari when I'm almost drowned with loneliness and sadness. Kinwento ko sa kanilang dalawa lahat. Nag-offer nga si ZIon na ihatid ako sa bahay dahil gabi na. Of course, mahirap tumanggi sa grasya lalo na't si Zion 'yon! That night, ang weird ng pakiramdam ko. Parang trip to heaven ang nangyari. Sobrang heaven kasi ang pakiramdam. I never imagined being with Zion on a car--ayy, na-imagine ko na rin pala 'yon, kaso kasama namin yung mga babies namin bwahaha! Kidding aside, on the way ay speechless kami pareho. Awkard na awkard ang sitwasyon, I don't know why, pero sana iyon ay dahil sa tinatalaban na siya sa kagandahang taglay ko. 

BITTERANA [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon