xx Chapter 3 xx
HINDI TALAGA AKO makapaniwala. Hindi talaga! Ohmygee! Totoo ba 'to? Totoo ba 'to? Hindi nga? Baka naman nananaginip na naman ako? Nagha-hallucinate, hindi kaya?
Nasa swing lang naman ako nakaupo pero dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nitong puso ko, parang dinaig ko pa ang nakasakay sa Space Shuttle ng E.K. Nagwawalankasi siya eh. Mga 300 beats per minute siguro! Ito namang mukha ko, nangangamatis na naman sa sobrang pula.
Rinig kong tumunog yung nasa katabi kong swing. Umupo na pala siya roon.
"I'm sorry about what happened." Inulit niya yung sinabi niya kanina. Akala yata, hindi ko narinig kasi naestatwa na ako rito.
S-si Zion ba talaga ba itong nasa tabi ko? Talaga bang sinundan niya ako hanggang dito? Tapos nagso-sorry talaga siya? Nag-aalala ba siya? Hindi nga? Waaaah! Totoo ba talaga ang mga 'to, o nananaginip lang ako?
"Are you alright?"
I blinked and smiled. Medyo awkward pala ang sitwasyong ganito. Bigla yatang umurong ang dila ko kasabay ng pagma-malfunction ng utak ko. Hindi ko kinakaya. Mababaliw na yata ako. "A-ahh... O-oo naman! S-syempre!" Hala ka, Mariana! Pakalmahin mo 'yang puso mo!
"I'm sorry..." bulong niya.
Napatingin ako sa kanya. Nakayuko siya na para bang nahihiya sa'kin. Wah, bakit ang cute niya? Nag-fake laugh ako. Di ako makatawa nang normal sa harap niya. Ang awkward nga kasi. "Bakit ka ba nagsu-sorry?"
Napatingin siya sa'kin. Nagtama yung mga mata namin! Wah! Bakit ganon? Waah! May spark! "About a while ago... I didn't know you're undergoing such problems."
Tunog concerned siya, in fairness! Oh, Zion ko! Ngayon lang kita nakitang ganyan! Masyado na naman akong nafu-fall nito. "Problema? Anong problema? Wala naman akong problema."
"Love problem, maybe?"
Jusko! Oo nga pala. Problema ko yan at ikaw ang dahilan! Kayo ng Mikaila na yon! Huhu! Kung alam mo lang na nasasaktan ako nang bongga sa tuwing magkasama kayo!
"See?" salita ulit niya "Kitang kita naman sa'yo at sa mga sinabi mo kanina."
"Bakit mo ba ako sinundan dito?" pag-iiba kong topic. E ayoko i-open ang naging masalimuot kong love life. Baka mapaamin ako sa kanya nang wala sa oras. Hindi pa ngayon. Saka na pag nag-break na sila. "Di pa kaya tapos ang klase. May ilang minuto pa oh."
"I'm worried," sagot niya na ikinapalakpak ng tenga ko at ikinabunyi ng puso't isip ko. "I thought I offended you. Don't worry about the class. Si Sir na ang nagsabi na sundan kita."
You never offend me, Zion, but you are hurting me... sa ginagawa niyo ni Mikaila at sa mga nasabi mo kanina! Masakit kaya yon! Tagos hanggang puso!
"Did I?" tanong ulit niya.
Enebe! Kausap ko ba talaga ang forever ko? Siya ba talaga to? Emeged! "H-hindi. Hindi naman." Tinawanan ko siya. "Ano ka ba naman! Wag ka ngang O.A. diyan! Ako yung O.A., hindi ikaw! Hahaha! Na-carried away lang ako dun sa debate!" Mukha akong baliw sa tawa ko. Inayos ko ang sarili ko baka ma-turn off siya. Wala pa mga, turn off agad. Paano na ang future and forever namin di ba?
Grabe talaga 'to! For the first time in forever, nag-usap na rin kami! The best part of it? Siya ang unang nag-approach! Higit pa dun? Worried daw siya! Sobrang opportunity na ito kaya lulubusin at susulitin ko na!
"Ahh, Zion," tawag ko sa kanya. Natulala na kasi siya sa kawalan eh.
Napatingin ulit siya sa'kin. Hihimatayin talaga yata ako sa tingin niya!
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...