Bttrna 15

2K 36 1
                                    

xx Chapter 15 xx

"HAHAHA! HANGGANG NGAYON naka-register pa rin sa utak ko kung ano yung itsura ni Mikaila last night! That was priceless! Kung may artist man sigurong makakapagpinta o makakaukit nun, I'm sure na trillion dollars ang halaga ng work na 'yon!" Wagas-wagasan kung makatawa si Camille. Simula nung umuwi kami hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagsasawang alalahanin ang mga ginawa nilang pambu-bully kay Mikaila habang nasa Bulacan kami.

"What? I'll be sleeping here? In this... what do you call this? Banig? Oh bitch please!" Ginaya ni Melyn ang sinabi at tono ng maarteng pananalita noon ni Mikaila nang pagtripan itong sa banig matutulog. "Hahaha! Ang arte talaga! Minsan talaga wini-wish ko na isang pooritong binata ang makakatuluyan niya para forever na siyang maghirap! Ang arte niya, nakakagigil!"

Nag-second-the-motion naman si Camille. "Sinabi mo pa! Princess Bitch talaga 'yong babaeng 'yon! Pero talagang nung day lang na 'yon ko na-enjoy ang company niya! Hahahaha! As in super nag-enjoy ako!"

"I-bully ba naman natin?" Nag-apir ang dalawa. Partners in crime talaga sila. "Pero, Camille, nagdusa talaga ako na maka-partner siya nung lutuan! Aysows, grabe ang arte niya! Halos magkandapaso-paso ako nang ihagis niya nang walang pakundangan yung sibuyas at bawang sa kumukulong mantika! Gaga 'yon!"

"Mas nagdusa naman akong kainin yung luto niyo, ano! Grabe! Mas masarap pa yata yung kinakain ng aso namin kaysa dun! Yuck!"

Busy yung dalawa habang ako ay parang invisible na kasama nila. Hindi ko naman sila masisisi. Busy rin kasi ako sa pananahimik at sa pag-alala sa mga nangyari nung nakaraan. Ilang oras ko na ring pinipilit ang sarili ko na okay naman na ang lahat. Ewan ko sa utak ko pero gusto ko pa ring mag-isip ng mga dapat kong gawin para mas maging maayos ang takbo ng mga bagay-bagay.

"Hoy, Mariana," pagpansin sa kanya finally ni Melyn. "Tulala ka r'yan? Why oh why? Don't tell us na nakokonsensya sa pambu-bully natin kay Kaila?"

Tumawa ako at umiling. "Hindi ah. Kalbuhin niyo pa siya kung gusto niyo."

"Eh ano? Ah, labag talaga sa loob mo ang magpa-party sa debut mo, ano?"

Iyon ang dahilan kung bakit magkasama kaming tatlo ngayon. Nasa sasakyan kami nina Camille at on the way kami sa Momsy niya na isang events organizer. Para iyon sa debut ko na talagang pinilit ng mommy ko. Ayoko talaga sana ng party. Hindi naman kasi ako party girl. Hindi ko ma-imagine na ako ang bida sa isang gabi tapos.. ah basta! Ang nightmare ng dating para sa'kin! Isa pa, wala naman akong makukuhang date sa araw na 'yon. O diba? Ang lungkot nun! Dapat talaga sana, out of the country trip to Paris nalang, kaso sabi ni Mama, mahal daw 'yon masyado. Magpa-party nalang ako para tipid. Bakit tipid? Simple. Connections. Ang event organizer ko ay momsy ni Camille. Ang caterer slash receptionist na kukunin namin ay sa pinsan ni daddy. Ang gown na gagamitin ko ay ireregalo ni Ate Pinky galing pang France. Ang cakes naman ay ii-sponsor ng mga colleagues ni Mama. O, di ba? Ang talino talaga ng Mama ko. Napakapraktikal niyang tao!

"Pagkatapos nating mag-inquire sa momsy mo, Ellimac, ano na ang plano natin?" tanong ko. Hindi naman kasi talaga ako interesado sa ganito eh.

Ngumiti nang mapang-asar si Camille. "Hahanap tayo ng birthday date mo!" Tapos nag-apir pa sila ni Melyn. Mga abnormal forever talaga. "Chillax, girl! May four months ka pa naman para maghintay!"

"Right! Four months para pilitin--pwersahang pilitin si Zion o kahit sinong gusto mong i-date!" natatawang sabi pa ni Melyn.

GAGAWING MALA-NASA PARIS ang debut party ko. Iyon ang napili namin after almost two hours of debate. Itong dalawa kasi, lagi akong kinukontra. Akala mo naman sila ang magbi-birthday.

BITTERANA [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon