Baka may nami-miss kang UD, ah. :)
xx Chapter 22 xx
I AM THE happiest girl alive! Mahal na mahal talaga ako ng langit. Nakahanap na yata ako ng great and powerful na kakampi. Yung mga nasa daydream ko lang noon, unti-unti nang nabubuhay.
"Pwede maki-share?" nahihiya kong tanong kay Zion na busy sa pagkain. Don't mention about galawan. Hindi ako naggagalawang Mariana ngayon. Wala na talagang ibang mesa na makakainan. Occupied na lahat maliban dito sa mesa ni Zion. Wala akong choice kundi dito nalang makitabi. O di ba? Kakampi ko talaga ang tadhana!
Tiningala naman ako ni Zion at nginitian sabay tango. E wala naman na rin siyang choice eh! "It's nice that you're now having your lunch."
Nilunok ko muna yung nasa bibig ko saka nagsalita. "Naman! May nakapagsabi kasi sa'kin na dapat nagla-lunch ako." Nangiti ako nang maalala ko yung laging text ni Secret Admirer sa'kin. Well, siya talaga yung dahilan kung bakit binago ko ang daily routine ko. Kumakain na ako ng lunch!
Nangiti siya. Enebe! Bakit ba bawat ngiti ni Zion ko, nag-a-appear na laging makahulugan?
"Pero hindi ko talaga pa rin siya kilala hanggang ngayon," mahina kong sabi, more likely to catch his attention. Nag-succeed naman kasi napatingin siya sa'kin. Napangiti ako secretly. Gusto ko na rin kasi siyang hulihin na siya si Secret Admirer ko. "Sino kaya 'yon? Kilala mo kaya?"
"Who?" Nangiti siya at nagkibit-balikat. "I don't. Or maybe." Kita mo 'tong gwapong lalaking 'to. Di ko talaga malaman kung alin ang may secret meaning at kung alin ang natural lang sa kanya.
Nag-focus kami saglit sa pagkain pero di ko kinaya ang sobrang katahimikan. Ang awkward naman kasi. Imagine, dalawa kaming magka-table tapos magkatapat pa tapos parehong tahimik na kumakain. Idagdag mo pa na si Zion ay pasimple at maya't mayang napapatingin sa'kin.
After a few more minutes, nang patapos na kami parehong kumain ay di na ako nakatiis. Nag-open na ang madaldal kong bibig ng topic. Ano pa ba, edi ang hot issue sa campus-ang lumalabong love life nila ni KaiLande. "K-kamusta na ba kayo?"
Nahinto sa pagkain si Zion. Binaba niya yung kutsara at tinidor niya tapos bahagyang napayuko. Saglit lang naman 'yon kasi tumingin ulit siya sa'kin at nangiti. "Maybe good, maybe not. Malabo eh."
Parang gusto ko na namang mang-usisa kung bakit, kaso nag-hold back ako. Parang wala yata ako sa posisyon pa para magtanong. "A-ah. Hehe. Pero ang sarap talaga ng pagkain dito sa canteen! Tama ka na dapat nagla-lunch ako." Nakagat ko yung lower lip ko. Si S.A. pala 'yon, hindi siya mismo. Kaloka! E, nakaka-confuse naman kasi eh.
Natawa siya nang konti. "It shows." Nag-lean siya palapit sa'kin kaya medyo na-estatwa ako. Di ko malaman kung dapat bang mag-lean back ako, o gawin ang gusto kong paglapit pa sa kanya palapit. Haha! Joke lang 'yon. Inangat niya yung right hand niya at dinala sa harapan ko-sa gilid ng lip ko, to be exact. Nag-init ang pisngi ko nang makita ko siyang ngumiti. May tinanggal pala siyang dumi doon. "Messy eater; di pa rin nagbabago."
Hindi ako nakapag-react pwera nalang siguro sa pagbilog nang bahagya ng mga mata ko.
Ibinaba na niya yung kamay niya saka nag-iwas ng tingin. "Uhm, ahh, you're cute." Tumingin siya sabay flash ulit ng killer smile.
Jusko! Ano bang ginawa kong kabutihan para suklian ako ng ganito? Nagbubunga na ba talaga ang 18 years kong paghihintay? Ito na ba ang kapalit ng pagtitiis ko noon? After bitterness comes sweetness! Ayiee! Finally, mapapasa'kin na ba si Zion ko?
"'R'you done eating?" tanong ni Zion sa'kin. Natulala na naman pala ako! Kahiya! Tumango ako. "Sasabay ko na yung iyo." Tumayo siya dala yung mga kinainan namin at dinala 'yon sa lalagyan ng used dishes. Sumunod naman ako kasi nakakahiya naman di ba? Saka bumili rin ako ng bottled water. Nabitin ako sa tubig kanina eh. Sobrang sobrang ulam naman kasi si Zion!
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Novela Juvenil[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...