Bttrna 24

1.4K 34 4
                                    

Ang sabog ko forevs. Wala pang full name si Zion. Hahaha! Zion Youone Gabriel Tetiangco po. Nalagay ko na sa Wordpad copy ko sa laptop. Ayan. Hahaha. :) #Revelations


xx Chapter 24 xx


"WOW, SHE LIKES you." May nag-appear na magandang babae sa harapan ko. Okay, may katandaan na siya pero makikita pa rin naman sa kanya ang ganda niya nung kabataan niya. Ang elegante ng dating niya. Reynang reyna nitong mansyon. Woah! Ito na ang reyna ng Tetiangco, ang mommy ni Zion. Nakaka-starstruck siya, promise. Parang kaharap ko ang First Lady ng isang presidente o kaya ang reyna ng England.

Agad kong tinikom ang bibig ko nang mapansin kong bahagyang nakabukas 'yon. Ngumiti ako sa kanya kasi kanina pa siya naka-smile sa'kin. Ang friendly niya tignan at napaka-down to earth. Naman, hindi pala ako mahihirapan mag-adjust sa pamilya na 'to. Hahaha. 

Umalis na yung pusa sa paa ko at lumapit naman sa mommy ni Zion. Lumuhod si mommy—haluh?—at kinarga yung pusa. Aww. Animal-loving pa pala siya. Parang ako lang. Ayiee. Bagay na talaga akong maging Tetiangco. "Oh, Corleen, sweetheart, you like her, huh?" Ang cute niyang maglambing sa  pusa nila. Ako naman ang binalingan niya ng tingin. "Mariana Dela Vega... am I right?"

Mas lumapad yung ngiti ko. Kilala niya ako kahit ngayon lang kami nagkita nang ganito kalapit. "Ah, yes, ma'am." Ma'am talaga 'yon, pero deep inside, ang sarap gawing mom. 

Kumunot ang noo niya at umiling. "Don't call me ma'am. That sounds too formal. When it comes to you, hija, I don't want formalities. An auntie will do." Nag-smile ulit siya. So, pagmayaman, auntie ang tawag, hindi tita? Haha. "Come inside. Let's talk while Zion is still upstairs." Nang-utos siya ng isang servant para tawagin ang anak niya saka niya ako in-entertain papasok sa malaki nilang sala. 

Parang lulubog ako sa lambot ng sofa nila. Ang taray! Pangmayaman talaga. Yung mga vases, figurines, at displays nila, sobrang nakakatakot galawin. Mahirap nang makabasag ako. Kulang pa ang isang taong sweldo nila Mama at Papa para bayaran 'yon. Tapos ang lalaki pa ng paintings na nakasabit sa dingding nila. Sa auction pa yata sa isang national museum nila 'to nakuha. Ang favorite ko sa lahat ay yung malaking framed family picture nila. Ang cute ni Zion doon. Mga last last year yata kuha 'yon. Kasama niya yung parents niya tapos yung kapatid niyang girl na namana ang ganda sa kanya.

"You're pretty, hija," pagku-compliment pa sa'kin. Haluhh! Ako raw pretty? Eeeh! Dinaig pa niya pamilya ko sa pagpuri sa'kin ah! "So, tell me more about yourself. I am really interested."

Getting-to-know-each-other naman ang drama naming magbiyenan este future mag biyenan ngayon. Kinwento ko sa kanya ang mga nakaka-proud i-share sa buhay ko. Pinili kong maigi yung mga detalye kasi baka masira ang nagmamaganda kong image sa kanya. Ang dami kong tawa deep inside sa huli kong sinabi, "at NBSB—no boyfriend since birth po ako."

Napatawa ko naman siya. "That's nice. Studies must always be your priorities." She sighed. "I really don't know about Zion. Masyadong into relationships, but well, syempre, wala naman akong magagawa. It's his choice, and it'll always be his choice that will win. Besides, malaki na siya. He's already mature. He knows what he's doing."

Tumangu-tango nalang ako bilang pagsang-ayon. "E, si Zion po ba? K-kamusta po ba siya bilang anak?" Ay, ang daldal ko. Ang dami kong tanong. Feeling close?

Sumagot naman siya na para bang nakuha ko na agad ang loob niya. "He's a great son to have. Very blessed kami ng asawa ko to have him. He's helpful, respectful, and a real gentleman. Napakabuti niyang anak, and what I like most about him, a very caring and loving brother to her sister. He's a man pero kahit pagpapaka-yaya ay ginagawa niya for her sister. Lahat, binibigay niya, everything just to make her happy." Huminga siya nang malalim at para bang naging malungkot ang mukha niya. 

BITTERANA [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon