Bttrna 4

2.6K 42 7
                                    


xx Chapter 4 xx

Natatawa ako habang kumakain ng almusal. Yung mga kuya at mga magulang ko tuloy ang sasama na ng tingin sa'kin. Akala yata baliw ako. E kasi naman, nakakatawa at ampalaya pa ang ulam namin. Mapait na ampalaya for almusal. Ang saya, ano?

Pero di ko alam kung ano ang mas mapait eh. Yung ampalaya na almusal ko o ako dahil sa maagang gm nung dalawa. Have a great day daw. Paanong magiging great kung kay aga-aga, sila na tong sumisira sa araw ko.

Simula kahapon na kinausap at pinansin niya ko, di na ulit naulit. Pwera sa paminsan-minsang makahulugan niyang titig. Medyo nag-level up naman siya kasi nila-like na niya ang posts ko sa FB at IG. Nagre-retweet na rin siya ng tweets ko sa Twitter. Improving na. Konting push pa, di na malayong mahuhulog din sa'kin siya. Hahaha.

"Ma, si Mariana baliw na." Nagpantig ang tenga ko sa sinabing yon ng kuya ko. Nagsitawa silang lahat at inasar ako. "Inlababo yata, Ma."

Tumawa si Mama. "Weh? Wag mo akong lokohin, Marko. Alam ko namang walang papatol diyan sa kapatid mo!" Grabe tong nanay ko! Napaka-supportive!

"Ang hard mo naman, Ma." Natuwa naman ako sa pagtatanggol ni Kuya Mirko. "Malay niyo meron talagang napuwing o nabulag kaya pinatulan si Yana." Lakas niya makatawa. Lakas manura. Ke-aga-aga eh!

Hinampas ko siya. "I hate you! Thank you sa moral support ah?" Sinimangutan ko sila. Ang sasama nila sa'kin, bakit ganon? "Makalayas na nga. Late na ko." Nagba-bye ako sa kanila. Si Mama at Papa lang ang kiniss ko kasi nasa kanila ang allowance ko. "Byeee!"

PASIMPLE KO LAGING hinahanap si Zion. Pasimple rin akong tumititig sa kanya. Tumatalon naman yung puso ko sa tuwa pag tumitingin din siya... at lalo kapag nakatingin na pala siya bago pa ako tumingin.

Mukha lang akong baliw kakatingin sa kanya kahit may kahawak-kamay na siyang iba.

Wag lang talaga akong malalapit sa kanila nang sobrang lapit. Hindi ko keri yung malapitan ko silang makikita at maririnig ko nang live yung paglalandian nila.

"Kain na tayo, baby. Anong gusto mo?"

"Hahatid na kita, baby. Akin na yung bag mo."

"Sabay na tayo, baby."

"Saan tayo mamaya? Kakain ba tayo, baby?"

"Ayos ka lang ba, baby? May problema ba?"

"Text mo nalang ako para tawagan kita, baby."

"Sige. Love you, baby. Ingat."

Baby... baby... baby! Leche! Ang sakit sa tenga! Ughh!

Nakakainis! Nakakakulong dugo.

Baby used to be the sweetest endearment for me before. Pag nakakarinig ako nito, kilig na kilig ako. Ito yung pinangarap kong tawagan namin ng magiging boyfriend ko at kahit hanggang kasal na kami. Sweet kaya. Pero nung ginamit nila? Wala na. Sinira na nila. Whenever I hear the endearment, hindi na ko natutuwa. Masakit nasa tenga at sa puso.

Dapat ako yung tinatawag niyang baby. Ako at hindi yung babae na 'yon.

Nakaka-broken hearted tuloy masyado!

"Wuy, Mariana!" Yung epal na si Cholo na naman pala. Can't I live a day without him?

"Bakit na naman?" tanong ko. Pinipilit kong kumalma.

"Patulong nga."

"Saan na naman?"

"E kasi yung girlfriend ko, may problema yata. Tapos ang sungit sa'kin. Gusto pa yata magpasuyo. Ang kaso, di ko alam ano gagawin ko. Alam mo na, first time ko kasi to." Halata nga sa kanya.

BITTERANA [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon