Bttrna 16

1.7K 30 1
                                    

xx Chapter 16 xx

ILANG ORAS NA akong nakakulong sa kwarto ko at pagulong-gulong sa kama ko. Wala pa nga yata akong sepi-sepilyo o bihis-bihis ng uniform. . Dalawang mahahalagang tao kasi ang ka-text ko--sina Zion at ang secret admirer ko raw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-get over sa mga nangyayari sa'min ni Zion. Hindi ko alam kung matatawag 'yong progress pero kung ano man ang tawag don, I am more than happy.

Kanina, naka-quota na naman ako kay Zion. All thanks sa nagkapalit naming grocery bags. Nakakatawa nga ang mga itsura namin kanina kasi kami lang ang bukod-tanging may dalang ganon sa classroom. Para kaming may pupuntahang picnic o fieldtrip. Nakakatawa sa iba, pero I found it sweet. Match na match ang dating namin kanina. Salamat din dun dahil nakapag-moment kami kanina nung pinagpalit na namin. Natawa pa nga ako nang ipakita ni Zion na bukas na yung dog food ni Potchi. Muntik na raw pala makain 'yon ng pusa ng kapatid niya! Grabe, ang dami kong tawa kanina. Sa lakas nga e pinagtinginan kami sa room. Muntik pa yata akong ma-issue. Pero di bale, ang mahalaga, masaya ako't naging back to normal na kami--or better to say, mas umasenso pa ang ugnayan namin.

Nag-beep yung phone ko kaya agad kong binasa iyon. Si Unknown Prince ang nag-text. Tinatanong kung hindi pa ba ako magdi-dinner. Sinabi kong maya-maya pa, pero hindi ko na sinabing dahil iyon sa gusto ko pa siyang makausap. Itong si S.A., parang si Zion na nga talaga. Sabay kasi sila ngayon kung mag-reply. I mean, salitan naman, pero kung walang Zion na sumasagot, wala ring Unknown Prince na nagre-reply. See?

"Yana, oy, bunso, kakain na raw," tawag sa'kin ni Kuya Mirko sa labas ng kwarto ko. "Baka maagnas ka na dyan sa kwarto mo kung di ka pa lalabas."

Bumangon ako at tinignan ang sarili ko. Hindi pa pala ako nakakapagbihis! "Sige, kuya, pasunod na!"

"Sus, Mariana! Minsan, sapian ka sana ng sipag, ano? Matuto kang magluto ng hapunan. Ampalaya na naman ang hapunan natin," reklamo ni kuya bago ko naramdamang umalis na siya.

Ampalaya? Haha. Sa mga nangyayaring progress sa'min ni Zion, parang nawawala na ang nanalaytay na katas ng ampalaya sa katawan ko. Sana naman magtuluy-tuloy na 'to.

Nagpaalam ako sa mga ka-text ko tapos ay masayang bumaba para maghapunan.

EVERYTHING IS TEMPORARY. Nothing is constant. Kung kahapon ay tumatawa ka, hindi na kataka-taka kung umiiyak ka naman ngayon. Kung masaya ka kahapon, normal lang na malungkot ka ngayon. Bilog daw kasi ang mundo, minsan nasa taas ka, minsan nasa baba ka; pero ang palaging sigurado, nasa baba ka man o nasa taas, lagi ka pa ring mananatiling nakatayo. May gravity di ba? That's hope, or maybe faith that will keep us standing and fighting.

"Woy, Mariana!" Tumili ako nang malakas nang bigla akong gulatin nitong si Cholo. Bwiset! Buhay pa pala 'tong lalaking 'to. "Hah! Long time no talk, Ana! Grabe, akalain mo 'yon, na-miss kita!"

Umikot ang mga mata ko. "Absent ka ba kahapon?"

"Grabe ka? Hindi mo alam?" Umupo siya sa tabi ko.

Umiling ako. "Hindi naman kasi ako interesado."

Nag-pout siya. "Hard mo talaga sa'kin." Kahit hindi ako nagtatanong kinwento niya ang mga dahilan kung bakit siya absent. "Nagkasakit kasi Mama ko kaya kailangan kong alagaan siya. Mga kapatid ko naman, langkwenta. Tatay ko? Sus! Lagi namang alak at sugal ang uunahin nun." Halatang na-badtrip siya sa kwento niya.

Tinawanan ko siya. "Tignan mo 'to. Hindi ko naman kasi tinatanong, kwento ka nang kwento."

Tumawa na rin siya. "Bakit? Haha. Sanay naman na ako, ano ka ba!" Huminto siya saglit at tinitigan ako. "Bakit ka ba tumatawa?"

"I just can't believe na mabait ka palang anak." Natatawa pa rin ako. "Hindi talaga halata sa mukha mo."

Sumimangot siya. "Mukha ba kong suwail? Di naman ah! Ikaw talaga, lahat nalang nega sa'kin!"

BITTERANA [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon