Epilogue

3.5K 63 4
                                    

xx Epilogue xx

She's Mariana dela Vega, ang future Mercado, hindi na bitter forever sa buhay.

Pinaglihi yata siya ng nanay niya sa ampalaya. Simula kasi nang maging fully developed ang pag-iisip niya at nang tumibok na ang puso niya, sa lahat nalang ng bagay, bitter siya. Isa siyang malaking ampalaya na may mahabang buhok, may dalawang paa at kamay, at may pusong tumitibok.

Pinaglihi man siya sa ampalaya at lumaking nagpapaka-bitter sa buhay pero bitter no more nang simulang tumibok ang puso niya sa lalaking pinakahindi inaasahang kahuhulugan niya.

Paano nga naman siya magiging bitter kung bawing bawi na ang buhay sa kanya?

Bakit pa siya magpapaka-bitter? Hindi na siya nag-iisa ngayon! After the biggest day of her life, her debut, she just got the love of her life. Magmula noon, hindi na niya naramdaman ang pag-iisa. He is the greatest suitor a girl will ever dream. Wala nang mas suswerte pa sa kanya.

Bakit pa siya magpapaka-bitter? Malapit na kaya siyang magka-boyfriend! Hindi na siya OP sa barkada. Meron na siyang kasamang manood ng sina. Kahit hindi niya hilingin ay kusa pa siya nitong hahawakan sa kamay, aakbayan, yayakapin, at lalandiin. Wala nang rason para mainggit siya sa iba. Sila ang mainggit sa kanya!

Bakit pa siya magpapaka-bitter? Wala nang Valentines na dadaan na maiinggit lang siya. Bumabaja na ng flowers, chocolates, at love letters. May lalaki nang mangse-set up sa kanya at bigla nalang siyang hahatakin sa kung saan-saan para sa isang surprise date. Partida, hindi pa sila!

Bakit pa siya magpapaka-bitter? Hindi na siya iba sa mga kinaiinggitan niya noon sa Baywalk. Isa na siya sa masasakit sa matang mga couples na naglalandian doon. Nahihiya man siya, pero ayaw papigil ng lalaki. Ipamukha raw ba talagang nagmamahalan sila? Kung maglandi, jusko!

Bakit pa siya magpapaka-bitter? NBSB pa rin siya, pero hindi na rin 'yon magtatagal! She has the best suitor! Ginagawa nito ang lahat ng gusto niya-hilingin/sabihin man niya o hindi!

Ikaw ba naman ang magkaroon ng mahal na may ibang mahal! Ito yung pinakamasakit eh. May mahal na iba yung mahal niya. Taken na. Nakakalaslas puso, di ba?

Bakit pa siya magpapaka-bitter? Mahal na mahal na mahal siya ng mahal niya! Malandi 'yon pero swerte siya kasi siya lang ang nag-iisang nilalandi. One and only siya sa buhay nito. Loyal na loyal.

Bakit pa siya magiging bitter?

Simpleng love life lang ang hinihiling niya noon, pero heto't sobra-sobra pa ang nakukuha niya. Average lang siya pero more than perfect ang nakukuha niya. After all the heartaches and longing, heto na siya ngayon... happily in love with her forever.

"YOW, GIRLFRIEND!" MAY labing dumampi sa buhok ko. Ang lakas magpakilig! Inakbayan niya ako at sinilip ang tina-type ko sa phone ko. "Ano 'yan?"

Tinago ko yung phone ko. Ang epal talaga niya forever. "Maka-girlfriend ka naman, Mercado. Hindi pa kita sinasagot, FYI."

Ngumuso siya at nag-unat. Petiks petiks na kami palibhasa ay kakatapos lang ng midterms exams. "Ikaw lang naman kasi ang pakipot pa dyan. Haha!"

"Di kaya kita sagutin?" pagtataray ko. "Kapal mo eh."

"Ang sungit mo talaga. Ang sweet ko naman. Ang labo! Hahaha!" Tumawa ang loko. "Pero atleast proud ka sa'kin. Pinagmamalaki mo nga ako, oh." Nginuso niya yung phone ko. "Talagang b-in-roadcast mo ang love story natin."

"Da fak?" Tumayo ako at hinampas siya. "Binasa mo? Binasa mo? Waah! Epal ka! Paano mo binasa? Di ko pa nga pina-publish online eh!" I almost freak out. Bwiset 'to! Ang KJ! Regalo ko 'yon sa birthday niya eh! Asar naman!

Nilabas niya yung phone niya at hinarap sa'kin. "Ako pa sinisi mo. Di ko naman kasalanan eh. Nag-DL ka ng Wattpad App sa phone ko. Nag-log in ka, di ka nag-log out. Ayun. Nababasa ko yung sinusulat mong drafts." Ngumiti siya. "Nahiya ka pa, ang ganda nga eh! Kinikilig ako. Hahaha! Shit lang. Yung title din, benta. Bitterana, How a Bitter Girl Found Her Love. Atleast hindi Bitterana, Ang Kwento ng Naglalakad na Ampalaya."

Hinampas-hampas ko ang loko. "Shet ka talaga! Pakialamero ka! Ang KJ mo! Bahala ka dyan! Hintayin mo yung next birthday mo! Di pa kita sasagutin ngayong taon! Bahala ka! Heh!"

Nag-walk out ako. Ang walang hiya, hindi man lang ako sinundan! Ang bagal ng lakad ko at hinihintay ko siya pero wala! Aba? Nagpapalambing ako, ang KJ niya!

Maya-maya, inis akong humarap sa kanya. Binalikan ko siya. "Ganun nalang 'yon? Di mo ko hahabulin? Di ka magso-sorry?" Tinaasan ko siya ng kilay. Nakatitig lang kasi sa'kin eh. "Ugh! Bahala ka nga!"

Bigla siyang tumayo at niyakap ako nang mahigpit. Ito talaga ang ka-abnormalan niya. Tititig lang tapos biglang yayakap. Ang daya! Lumalambot talaga ako pag ganito. "Kinikilig ako, Mariana. Masyado kang pabebe. Ang sweet natin."

"Pst, ikaw si secret admirer, di ba? Bakit 23 ang favorite number mo?" tanong ko nang maalala ko ang sagot niya sa tanong ko sa kanya noon. Napagkamalan ko pang siya si Zion kasi 23 din ang monthsary date nila ni Mikaila.

Ngumiti siya nang nakakaloko. "Twenty three noon nang maging tayo-este nang mahulog ako sa'yo."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Huh?" Shet lang. Kasabay nung kina Mikaila at Zion? Woah?

"Di ba sabi ko noon, nagsimula ang lahat nung ngumiti ang babaeng mahal ko? Nung araw na 'yon, nakita kitang ngumiti... t-tapos hindi ka na mawala sa isipan ko. Kinausap kita at pinagmalaki pang girlfriend ko pero tinarayan mo lang ako. Hahaha! Ang bitter mo kasi nun!"

"Tsk." Nginusuan ko siya. "Sana kasi umamin ka nalang agad nang maayos. Ang gulo tuloy ng love story natin. Roller coaster lang ang peg."

Tumawa siya. "E ikaw eh. Ipapakilala na kita sa sarili mo, hindi mo naman ako sinipot. Inuna mo pa si Zion. Tsk tsk. Nagselos ako nun ah!"

Nginisian ko siya at pinisil ang ilong niya. Hinalikan niya ako sa noo kaya napangiti na ako nang tuluyan. "Ang sweet mo masyado."

"Mahal kita eh." Tumitig siya sa'kin at ngumiti.

"Thank you."

Nanlaki ang mata niya. "Thank you ka dyan."

Tumawa ako. Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis. "Mahal din kita."

Nagngitian kami at akma niya akong hahalikan nang bitinin ko siya. Tinapat ko yung hintuturo ko sa labi niya. Nilibot ko ng tingin ang paligid. "PDA 'yan. Wag dito."

Ngumisi siya. "Sige. I-uuwi na kita."

"Nasa bahay sila Kuya," mapang-asar kong sabi.

Ngumisi ulit siya. "Wala sa bahay sina Mama."

Hinampas ko siya. "Baliw ka! I-uwi mo nalang ako sa bahay. May importante akong sasabihin sa inyo nila Mama."

Tumaas ang kilay niya. Nginitian ko siya at inakap sa bewang. Sasagutin na kita mamaya.

xx FINISHED.


Salamat sa lahat ng nagbasa, nag-vote, at nag-comment! ♥

BITTERANA [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon