Bttrna 9

1.9K 38 3
                                    

xx Chapter 9 xx

Pagkauwi ko sa bahay, ang malakas na pagtawa nila Papa, Kuya Marko, Kuya Mirko, at Ate Pinky ang sumalubong sa'kin. Wala talaga ako sa mood dahil kanina pero yung mga tawa nila, napaka-contagious. Yung feeling na natatawa na rin ako kahit hindi ko alam kung ano ang tinatawanan nila.

"O, Yana, andyan ka na pala." Tawa pa rin nang tawa si Kuya Mirko.

Naupo ako sa may armrest ng sofa namin. "Yung mga tawa niyo, rinig hanggang kabilang kalye. Grabe," sabi ko.

"Sige, tawanan niyo pa ko. Wala na kayong tutulugan mamaya." Ngayon ko lang na-notice na si Mama lang ang hindi tumatawa. Nakasimangot siya at nakapalumbaba pa sa may mesa. "Akala niyo naman natutuwa ako."

Sila kuya, nagpatuloy sa malakas na pagtawa. Ako naman, OP na OP sa kanila. Hindi ako maka-relate! "Uso po ang magkwento. Ano ba ang nangyayari?"

Si Kuya Marko ang nagkwento. Si Mama nga ang tinatawanan nila. Love life ni Mama, to be exact. So, yung first love daw ni Mama ay kakabalik lang ng Pinas kanina. "Itong si Ma, feeling walang asawa at pamilya. Hindi pa pala raw siya nakaka-get over. Nung magkita raw sila, may spark pa rin daw pala. Hahaha! At ang malala, hindi raw kinakaya ni Mama na pamilyado na rin daw! Hayjusko! Sakit sa ulo, di ba?"

So iyon ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ni Mama lately. Hindi rin OA si Mama, ah! Feeling dalaga? Hahaha! Nakakatawa nga! Ang lakas maka-Ikaw Sana ng buhay niya. Yung kanta ni Ogie Alcasid! Hahahaha!

"O? Kita mo 'to, tatawanan din ako," sabi ni Mama, pertaining to her beautiful unica hija.

"E, Ma, ang OA nga naman kase! Hahaha! Sige ka, mahu-hurt si Papa niyan." Si Papa kasi, nakikitawa lang kanina pa. Di ko malaman kung affected din eh.

Sabi ni Papa, bayaan nalang daw si Mama. Nag-e-emote lang daw siya. Alam naman daw ni Papa na kami talaga ang love ni Mama. As if namang may choice pa siya, di ba? Haha! Saka, aarte pa ba siya? Gwapo naman si Papa ah! Gwapo rin sina Kuya tapos ang ganda-ganda ko pa!

"Pero hindi ko talaga matanggap na ang panget ng pinalit niya sa'kin eh," pag-e-emote pa ni Mama. Hindi naman siya umiiyak. Iyak-kuno lang. Di ko tuloy malaman kung nagju-joke siya o ano.

"Wow, Ma! Maka-pinalit ka naman! Hahaha! Wala namang kayo noon eh! Feeler lang?" Ang lakas talaga mang-asar ni Kuya Marko. Nabatukan tuloy siya ni Mama.

Ang dami pang sinabi ni Mama. Puro hinanakit niya sa past love life niya. Napaka-bitter. Now I know kung kanino ako nagmana! Buti raw at nakilala niya si Papa na nakatiis at nagtyaga sa kanya. Look at them now! O ha? Sino mag-aakalang aabot sa ganitong punto si Mama?

Teka. Parang ano lang ah...

Aish! Nevermind. No. No. It'll never happen.

***

To: Unknown Jerk
Who the heck are you? Pakitigilan nga lang ako. Bwiset.

sent.

Yung nag-text sa'kin nung nakaraan, hindi pa rin ako tinitigilan. Nakakaasar na. Pag malaman ko lang talaga kung sino 'to, nako, I am sure na hindi na siya sisikitan ng araw. Badtrip na nga ako, dagdag pa siya sa kabadtripan ko. Nakakainis.

From: Unknown Jerk
Someone from your future. Why can't you believe me?

To: Unknown Jerk
WHATEVER YOU SAY, JERK. ONE MORE TEXT AND I'LL TRACK YOU, HUNT YOU, AND KILL YOU! SISIGURADUHIN KONG DI KA NA AABOT SA FUTURE NA SINASABI MO. HMP!

sent.

Sino ba kasi 'to? Melyn? Camille? O baka si Cholo na naman? Ughh! For sure, uupakan ko kung sino man 'to!

Buti nalang at hindi na siya nag-reply. Ang sakit niya sa ulo! Kukumprontahin ko talaga mamaya yung tatlong 'yon.

Nakakainis. Hindi ko na tuloy nasubaybayan yung Korean Novela na pinapanood ko. Wag mag-alala, hindi romantic movie or series 'to. Family-oriented 'to at comedy. Hindi kaya ako nanonood ng mga ganun. Sus! Para san pa? Para utuin ang sarili ko sa mga kalandian na ganon? Saka na ako manonood pag na-cover na ng video ang sweet moments namin ni Zion.

"Huy, Mariana! Ano ba 'yan?" usisa ni Camille sa'kin at inagaw ang laptop na pinapanooran ko. "E? Ang korni naman. Try mo yung--"

"Hoy, Ellimac, sabihin mo nga, kayo na naman ni Melyn ang nantitrip sa'kin, ano?" inis kong tanong sa kanya.

Nagulantang naman ang gaga. "Ano 'yon?" Wala raw siyang alam sa sinasabi ko.

Pinakita ko yung text messages sa kanya.

"OMG! May secret admirer ka?" she exclaimed. "Humahaba na ang hair mo, friend! Ikaw na talaga!"

Binatukan ko siya. "Pwede ba? I am not joking here. Tigilan niyo na ko."

"O? Bakit kami pa ngayon? Hindi nga kami 'yan. Pramis! Kita mong hindi nga dual sim ang phone ko," depensa pa niya. "Saka sure akong hindi rin si Melyn 'yan. Yun pa ba? If I know, boyfriend lang nun ang pinag-aaksayahan ng oras nung i-text."

Suko na ako. Mukha namang kapani-paniwala. "So, posible nga kayang si Cholo na naman 'to?"

Tumili siya. Ugh, grabe, ang OA! "Si Cholo ang secret admirer mo?"

Hinampas ko siya. "Secret admirer ka dyan! Nantitrip lang yon, pwede ba. Ugh. Bwisit talaga 'yon. Napaka-jerk. Akala mo, walang girlfriend eh."

Nag-beep yung phone ko. Nag-text na naman. Ugh.

"Ayiee ayiee, pabasa, Ana!"

From: Unknown Jerk
Woah! No. Ikaw rin. Do you want to be alone in the future? Guess you dont.

Ang creepy, shit. "See? I cant believe him. May saltik siguro talaga 'yan Cholo na--" Natigilan ako sa pagsasalita. Si Camille kasi, kinakalabit ako. "What?"

"M-mag-reply ka nga. Dali now na." Huh? Tinanong ko siya kung ano naman ang sasabihin ko. Wala na kasi akong balak mag-aksaya ng load sa lokong 'to eh. "Kahit ano. Mainis ka kunwari."

So I did. Nag-reply ako.

To: Unknown Jerk
Kung ikaw lang din ang makakasama ko, 'wag nalang. Hmp! Leshe!

"O, tapos?"

"I-send mo dali!"

"Bakit ba kasi, ha, Cam--"

"Basta! Ang dami pang sinasabi ehh!"

"Ito na. Na-send ko na."

Hindi na siya nagsalita. Ang weird lang niya. Bakit kaya?

"Huy, Ellimac, bakit ba kasi?"

Hindi niya ako pinansin. Maya-maya, nagsalita siya. "Wala pa bang reply?"

Saktong nag-beep ulit ang phone ko. "Do we really need na mag-aksaya ng oras sa taong 'to? Baka isipin niyang natutuwa ako." I read the text as she commanded. "Baka mamaya magsimula na yung klase."

From: Unknown Jerk
You're really funny. That's why I like you.

Ew! Kinikilabutan ako sa kanya! Nagtataasan pati balahibo ko sa noo! Eew!

That's when Camille freaked out again--I mean, nagtititili na naman siya. After few seconds, saka siya kumalma. "Mariana, hindi nag-i-English si Cholo, di ba?"

Napatingin ako sa kanya. Di ko gets eh.

Walang mapaglagyan yung ngiti niya sa'kin at may nginuso sa isang direksyon sa may bandang likuran ko.

I slowly turned my back just to see... Omg! Parang nanigas ako sa kinauupuan ko. It is him... my Zion! At... at h-hawak niya yung phone niya at nangingiti siya mag-isa!

-tbc

Haymfeelingkureyziii! Leave comments! :))

BITTERANA [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon