xx Chapter 19 xx
HINDI PA RIN ako naka-get over sa nakakalokang pangyayari kagabi. Nakakainis tuloy at nadadamay itong araw ko ngayon. May friendship date kaming dalawa ni Camille. Nagpunta kami sa mall para puntahan yung cakeshop ni Tita Briana, yung college friend ni Mama na mag-ii-sponsor ng cakes para sa birthday ko. Mamimili na kasi ako ng designs. Ang naiisip ko talaga sa araw na 'to ay mag-e-enjoy ako, pero kabaligtaran talaga lahat. All are because of yesterday night.
"Wow, Mariana Dela Vega!" salita ni Camille habang halos isubsob na yung mukha niya dun sa salamin na pumapagitan sa kanila nung mga cakes. "Ang tataray naman neto! Yumminess pa, ah! Ikaw na talaga!"
Hindi ko talaga maintindihan eh. Nakakainis talaga. Dapat talaga kinakalimutan ko na 'yon, pero heto ako at talagang nare-reminisce ang lahat. Ugh! Walangya naman kasi yung Cholo na 'yon! Sinadya niya 'yon eh! Malinaw na malinaw! Talagang hinalikan niya ako! Hinalikan at hindi na nahalikan!
"ARAY!" Putek, binatukan ako! "Ano na naman ba, Camille? Ugh! Tumingin ka nalang dyan. Ipili mo nalang ako. Ia-approve ko nalang mamaya."
Pinandilatan niya ako. "Gaga ka! Ano, birthday ko? Birthday ko?"
"Dun ka na, tsk."
"Hoy, meron ka ba?"
Inirapan ko naman siya. "Wala. Agh, sige na, Ellimac, shupi ka na. Wala ako sa mood sa mga kalokohan mo."
Instead na umalis, talagang humatak siya ng upuan sa harapan ko at pinaharap 'yon sa'kin saka niya inupuan. Nilapat niya yung siko niya sa may mesa roon at nagpangalumbaba. "Umamin ka nga, Mariana," umpisa niya sa napakaseryosong tono habang nakatitig sa'kin, "ano ang totoong meron sa inyo ni Cholo?"
"What?" ulit ko nang walang kurap-kurap. Teka. Anong alam ni Camille? Nakita ba niya? Kahit yung sa bahay? "Ano bang sinasabi mo?"
Nagsimulang umarangkada ang bibig niya. Bakit daw kami lagi nang magkasama ni Cholo? Bakit daw di gaya noon e parang ang saya-saya ko na kapag kasama ko si Cholo? M-in-ention talaga niya lahat lahat ng nakita at alam niyang mga pinagsasamahan namin ng lalaking 'yon. "Tapos bakit nasa inyo siya nung isang araw, huh? At yung kilig-kilig slash landi-landi moments niyo, non? Saka yung..."
Huminto siya at nilapit ang mukha sa'kin. Alin 'yon? Omg. Yung kiss na ba yung tinutukoy niya? "At saka yung?"
"Yung nung nakaraan! Yung nasa bahay niyo!"
Yung kiss ba talaga? Nakita talaga niya? "Yung alin?"
"Nakita ko 'yon! Ang lapit lapit lapit ng mga mukha niyo! Halos maghalikan na nga kayo eh! Nakakaloka ka! Yung totoo, ano nang progress niyo? Type mo na ba siya?" Tuluy-tuloy niyang dada.
"Y-yun lang? As in w-wala na?" curious ko ring tanong.
Tumaas ang kilay niya. "Huh? Meron pa ba?"
Umiling ako agad. "W-wala! Wala! Baka kasi may binabangka ka pang iba." Hooh, walang nakikita. Thank You po! "Hoy, Ellimac, awat na nga. Puro ka kalokohan. Walang something sa'min nung Cholo na 'yon."
Umatras na siya. "Okay. Sabi mo eh." Tumayo siya at binalikan yung cakes. "Ako na ba talaga ang pipili?"
"Bahala ka. Basta wag mo lang gagawing Valentines ang birthday ko."
TANGHALING TAPAT NANG matapos kami ni Camille sa pamimili ng cakes. Nag-aya pa siya sa'kin na kumain muna sa labas kasi kumukulo na raw yung tiyan niya, pero hindi ko siya pinagbigyan. Wala pa rin kasi ako sa mood. Hindi ko pa rin ma-take yung nangyari kagabi. Pinagluluksa ko pa rin ang sinapit ng precious lips ko sa labi nung Cholo na 'yon. Naghiwalay kami ni Camille sa may mall palang. Kakain daw kasi talaga siya. Ako naman, dumiretso na sa bahay. Doon nalang ako kakain. Mamaya-maya, magkikita rin kami ni Zion. May sasabihin daw siyang mahalaga eh. Sana after nun, maging ayos na ang mood ko. Haay! Ano kaya 'yon? Gusto kong mag-assume kaso ayoko rin naman. Mahirap nang ma-hurt ulit.
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...