Bttrna 10

2K 32 7
                                    


xx Chapter 10 xx

Hindi ako makapaniwala. As in talaga! Tinignan ko yung phone ko.

That's why I like you.

H-he likes me? For real? Waaahhh!

Hindi nga? Pero... di ba ang alam niya boyfriend ko si Cholo? What? I'm confused.

Nilingon ko ulit ang direksyon ni Zion. Saktong napantingin din siya sa'kin. Tapos... kyaaah! Nag-smile siya sa'kin! I'll faint anytime here, omg!

***

"Ngiting ngiti tayo ah?" bati sa'kin ni Cholo pagkarating ko sa classroom. Classes resumed na naman. Nakakatamad pero ayos lang. Inspired naman ako ngayon eh. "Uy, asensado na kayo ah. Hindi na yata ampalaya baon mo? Sana binigyan mo ko. Wala pa naman akong kain-kain."

Hindi mawala-wala yung ngiti sa labi ko. Ang swerte pala ni Cholo ngayong araw. Di ko siya masusungitan. "Actually, hindi ako nag-lunch kanina."

"Hala? Kaya pala! Nalipasan ka nga! Ang bait mo ngayon eh! Nakangiti ka pa!" Natatawa niyang salita. "Baka gutom ka?"

I smiled sweetly as I reminisced the moments a while ago. "Nope. Busog na ako. Busog na busog."

Nangiti na rin siya sa'kin. Bakit pag good mood ako, gumagwapo siya sa mga mata ko lalo pag naka-smile? Weird. Pero di bale, masaya ako eh. Hihihi! Oh, Zion, konti nalang talaga! I can already feel it coming, baby!

"O, bakit pati ikaw nakikingiti dyan? May nangyari din ba sa'yong maganda?" tanong ko sa kanya. Aba, kung makangiti naman kasi siya eh. Parang may kalokohang napagtagumpayan.

"Wala este meron pala," sagot niya. "Pakiramdam ko naka-score ako sa girlfriend ko."

"Naka-score?" pag-uulit ko, confused. "You mean what? Omg! Hoy, Miguelo, bata pa kayo ha! Grabe talaga kamanyakan mo!"

Wagas-wagasan naman siya kung makatawa. "Utak mo rin, ano? Manyak talaga tingin mo sa'kin, ha! Hard mo!" Dahil don, inirapan ko siya. "Hindi naman kasi 'yon meaning ko. I mean, haha, nagtagumpay yata ako sa galawan ko sa kanya. Mukhang kinatuwa naman niya."

Napataas ang isa kong kilay. Tignan mo 'tong lalaking 'to, ang daming alam. Galawan daw? Ah, baka siguro dapat akong magpaturo sa kanya sa mga gagawin ko sa Sabado? Psh. "Ano ba 'yon ha?"

"Secret. Sa'min nalang 'yon ng girlfriend ko." Binelatan pa niya ako.

Tinamaan na naman tuloy akong curiosity sa mysterious girl niya. "Taga saan ba yang gf mo? Taga-malayo siguro, 'no?"

"Ha? Haha! Oo! Sooobrang layo!" sagot niya. May gestures pa 'yong kasama.

"Ah, no wonder ang lakas ng loob mong manlandi ng iba," mataray kong komento.

"Oy ha! Malayo siya pero yung mga puso namin, sobrang magkadikit naman!" proud niyang sabi na may gestures pa ulit.

Hindi ko alam kung kikiligin ako sa linya niya o kikilabutan. Eew. If I know, maghihiwalay din sila. Sa landi ba naman nitong Cholo na 'to? Tapos LDR pa raw? Aysows, alam na ang ending!

"Oy, Mariana! Wag mo namang torture-in yung labstori namin sa utak mo! Harsh mo sa'min ah!"

Uy, ang galing mind reader. "Woah. You can read my mind. Well ako, I can predict future. Yung naisip mong naisip ko, yon ang na-predict kong future niyo."

Napakamot nalang siya sa batok niya. Buti nalang at dumating na yung English teacher namin. Haay!

***

GGSS ako ngayong hapon. Feel na feel ko na yung party ni Mikaila maya-maya. Feel na feel ko na ang Operation: Akitin si Zion Ko. Ang ganda ko naman kasi ngayon. Gorgeous in gold nga naman talaga!

BITTERANA [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon