xx Chapter 14 xx
NAGKATITIGAN LANG KAMING dalawa ni Zion. Hindi ko inaasahang sa lahat ng taong pwedeng makarinig ng paglilitanya ko, talagang siya pa. Gustung gusto ko nang tangayin ako ng tubig dito sa sapa at hindi na makabalik forever. Nahihiya ako sa nangyayari. Ano ang sasabihin ko sa kanya? Wala nang sense magsinungaling kasi sa itsura niya, tiyak na narinig niya ang mga sinabi ko. Sa kakaisip ko ng sasabihin, umalis nalang tuloy si Zion. Napaka-emotionless niya nang iwan niya ako. Alam na ba niya? Yung silence means yes, nakuha kaya niya? Waaaah!
"Fishy, ano nang gagawin ko? Isama mo nalang ako sa underwater kingdom niyo!" Nag-panic ako at ang kalooban ko. Pagkatapos ng mga nangyari at mga pasimple kong paglalandi sa kanya, dapat lang na ikahiya ko ang sarili ko. OMG! Rest in peace na ba sa future namin? Na-ruin ko na ba ang sarili naming happy ending?
Nakakaiyak naman. Paano nalang kami? Ano nalang ang mukhang ihaharap ko sa kanya? Paano kung sabihin niya kay Mikaila? Mahal ko ang buhok ko. Tiyak na sasabunutan at kakalbuhin ako nung bruhang 'yon. Haaay!
NUNG DINNER TIME, bukod tanging sila Cholo, Camille, at Melyn lang ang nag-uusap. Sila lang ang namumukod tanging maingay sa aming anim. Si Mikaila, na-lowbat na yata sa buong araw na activities. Tahimik nalang siyang kumakain. Unlike kanina, hindi na siya nagrereklamo. Okay naman na kasi ang kinakain namin dahil masarap itong luto ni Cholo. Baka mamaya nalang ulit 'to magreklamo sa kwarto namin bago matulog. Si Zion naman, tahimik lang din. Nakikingiti naman siya pero wala siyang imik. Pinakamahabang salita na niya ay two words. Damang dama ko ang awkwardness sa aming dalawa. Hindi nga ako makatingin ng diretso sa kanya eh. Hiyang hiya talaga ako. Sa mga nasabi ko ba naman kanina na narinig niya, ay nako! Baka kung ano na ang iniisip niya sa'kin.
"Hindi ko hinuli 'yang isda. Adik!" Naririnig kong nag-uusap sina Cholo. "Galing 'yan kay Aling Saira. Hindi naman ako humuhuli ng isda, at saka hindi rin naman ako marunong maglinis, ano! Yung pagtatanggal ng laman loob ng isda, yak! Sa asawa ko nalang ipapaubaya 'yon. Hahaha!"
"E pa'no kung tulad ni Mikaila pala ang mapapangasawa mo, Cholo? Nako!" sabat ni Melyn. "Kahit yata yung kaliskis ng isda hindi hahawakan niyan."
Pinagtitripan na naman nila si Mikaila. Masarap sanang makisali kaso hindi nalang. Pag-isipan pa akong masyadong bitter ni Zion. Pinanood ko nalang silang nagtalu-talo. Pinilit kong kumain kahit wala na akong gana.
Natapos kaming kumain by past seven pm. Nagkataon pang nagkasabay kami ni Zion sa pagtayo at pagkuha ng mga kinainan namin. Sobrang nanahimik tuloy lahat. Kami namang dalawa, for sure ay nilalamon na naman ng awkwardness.
"I'll do the dishes," pagbu-volunteer ni Zion. Napatingin tuloy sila Camille sa kanya. Alam kong pare-pareho kami ng iniisip--na hindi naman marunong maghugas ng pinggan si Zion. "I guess it's not that hard to learn. I guess it'll be easy so leave it to me."
"Ah, hindi na, Z-Zion. Ako nalang," pagtanggi ko. Nakakahiya naman kasi kay Zion kung siya pa ang paghuhugasin namin. "Tulungan niyo nalang mag-edit si Cholo o kaya magpahinga na kayo."
"No, ako na rito. You take a rest."
Hindi na ako nakipagtalo. Wala na rin kasi ako sa mood. Hinayaan ko nalang si Zion at in-excuse ko na yung sarili ko. Ako pa nga yata ang unang umalis sa'min. Lumabas ako at nagpunta sa may sapa. Nagbakasakali ako na nandoon pa yung isda. Siya nalang ang kakausapin ko ulit. Naupo ako sa may batuhan at naghagis ulit ng mga bato. Kung wishing lake siguro ito, iwi-wish kong sana hindi nalang nangyari yung kanina. Mas gugustuhin ko pa rin kasing tahimik na magmahal at masaktan kaysa yung ganitong nihindi kami magkausap ni Zion.
Nanahimik ako saglit at nagnilay-nilay. Pinipilit ko ang sarili ko na okay ako, na walang dapat ipag-alala at ikatakot kahit dama at alam kong magkakalamat na ang maganda at paasensong ugnayan ko kay Zion. Haay. Sana talaga siya ang unknown prince na secret admirer ko. Kung nagkataon kasi, beneficial sa amin itong nangyari. Haay. Sana talaga.
BINABASA MO ANG
BITTERANA [completed]
Novela Juvenil[COMPLETED] Meet Mariana dela Vega--isang tipikal na babae na dinaig pa ang ampalaya. Ikaw ba naman ang mamuhay nang mag-isa! Ikaw ba naman ang kaisa-isang walang boyfriend sa buong barkada! Ikaw ba naman ang laging walang ka-date sa Valentines! Ika...