Chapter 17

1.4K 60 4
                                    

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nag-alalang tanong sakin ni Melanie nang magising ako. Siya lang ang nakita kong naka-upo sa couch habang nakatingala sa kisame. Nang napansin niyang unti-unti akong bumangon ay mabilis pa siya sa alas kwatrong lumapit sakin at pinainom ng tubig.


"Okay lang ako," pagsisinungaling ka kahit ang totoo ay hindi naman.


"Sabi ng Doctor mo kanina na kaya ka daw nahimatay dahil sa pagod at gutom. Hindi ka ba kumain?" Mahinahong tanong sabi niya sakin ngunit may pag-alala ang tuno ng boses niya. Tipid akong tumango.


"Sinong nag-dala sakin dito sa clinic?" Tanong ko.


Umupo ito sa kama ko bago sumagot. "Si Hyder,"


Medyo nagulat ako sa sagot niya pero hindi ko lang pinahalata. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi si Clark ang nag-buhat sakin.. siya kasi ang nagsalo sakin bago ako bumagsak ng tuluyan. Pero dahil lumapit si Hyder sakin kaya siya ang nag-buhat.. siguro... Haaay iwan! Hindi ko alam kung bakit ko ito iniisip.


"Trisha? Okay ka lang?" Takang tanong ni Melanie sakin. Siguro napansin niyang nakatingala ako sa kung saan.


"Oo, okay lang ako," mahina kong sabi.


*Krrriiinnggg*


Sabay kami napalingon sa labas ng biglang nag-bell. Ibig sabihin, next subject na. Napayuko nalang ako.


"Hayst!" Mahinang saad ni Melanie. "Nga pala, bumili ng pag-kain si Jess para sa'yo. Nang sa ganun, magkaroon ka ng lakas at may laman ang tiyan mo. Hindi ka ba pinapakain ng mga magulang mo?"


"Ha?" Gulat kong tanong. Aaminin ko na ba? Mukhang masyado pang maaga eh. "Uh.." wala akong masabi.


"Oh my god, Trisha! Buti gising ka na," natatarantang bungad ni Jess samin habang may dalang supot na naglalaman ng pagkain. Mabilis kasi itong pumasok nang makita ako.


"Grabe! Okay ka na ba? Wala na bang masakit sa'yo?" Sunod-sunod niyang tanong.


Napangiti nalang ako dahil sa pag-alala at concerns nila sakin. Kahit papano ay may mga kaibigan din pala akong mag-alala sakin. Sapat na 'yun para gumaan ang pakiramdam ko. Kahit hindi ko pa sila masyadong nakilala ay mukhang nagkakasundo kami agad.


Tumango ako. "Okay naman ako. Gutom lang,"

"Ay! Ito!" Nilahad niya sakin ang dala niya. "Binili ko 'yan para sa'yo ubusin mo 'yan, ah?"


Agad itong umupo sa bakanting upoan na nasa harap ko. Tumabi naman sakanya si Melanie.


"Salamat, nag-abala ka pa," ngiting sabi ko. Agad nila akong binigyan ng Plato galing sa maliit na Cabinet. Masasarap ang binili ni Jess dahil puro gulay ito at mga paborito ko pa. Pakiramdam ko nga parang kulang pa ito sakin, eh, kasi ang dami niyang binili.


Hindi ko na sasabihin kung ano ang binili niya basta madami! Puro may gulay! Arte!


"Ay, nga pala," sabi ko ng may naalala ako. "Ano nga pala ang sinabi ni Ms. Albera? E-Consider niya ba ang nangyari sakin? Ga-gradohin niya parin ba ako?" Sunod Sunod na tanong ko. Mahirap na baka hindi niya ako bibigyan score dahil sa nangyari sakin.


"Uh.." tanging sabi lang ni Jess. Nagkatinginan naman silang dalawa na parang hindi alam kung ano ang sasabihin.


"Maintindihan naman siguro ni Ms. albera ang nangyari sayo. And besides, nandoon siya sa oras bago ka nawalan ng malay. Impossibly namang wala siyang pasensya para hindi E-Consider ang nangyari sayo," mahabang sagot ni Melanie. Nakahinga naman ako ng maluwag.


Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon