Chapter 60

1.2K 57 5
                                    

Matapos ang pag-uusap naming dalawa ay halos hindi na ako nakagalaw. Naiwan akong nakasandal sa van habang nakatingin sa kawalan. Sinubukan kong ulitin sa utak ko ang sinabi niya sakin, maiiyak na lang ako nang hindi ako nagkamali sa sinabi niya. Parang bumibiyak ang utak ko sa narinig.

"Trisha?" Napatuwid ako ng tayo nang dumating si Clarity.

Agad akong tumalikod at dali-daling pinunasan ang luha ko. Nang humarap ako sa kanya ay kumunot ang noo niya.

"Okay ka lang? Anong nangyari sayo?" Kunot noo'ng tanong niya sakin. Umiling ako at ngumiti.

Ayukong mapansin niya ang pag-iyak ko pero bigo yata ako. Kusang napadpad ang tingin ko sa view mirror ng kotse at kapansin-pansin ang pamumugto ng mata ko, pati ilong ko ay namumula na din. Ayukong mag-alala siya, ayukong sabihin sa kanya ang nangyari. Pero, kahit anong pilit kong itago sa kanya ay masasabi ko pa rin. Walang saysay ang pananahimik ko.

"Umiyak ka ba?" Pag-alalang tanong niya. "May bumastos ba sayo?" Biglang naging matapang ang boses niya na para bang handa nang lumaban.

Hindi ako sumagot.

Ano bang nangyari sakin? Bakit ba ako nagakaganito? Bakit parang nasaktan ako na aalis na siya? Bakit ganito?

Bakit nga ba naging ganito ka, Trish? Dahil ba mahal mo na siya? Nagsisisi ka na bang hindi mo sinabi sa kanya ang nararamdaman mo? Nagsisisi ka na ba dahil huli na ang lahat para umamin? Dahil wala na siya? Umalis na siya? May paraan pa ba para habolin siya at sabihing...

Mahal kita.

Tumulo ang luha ko.

"Trisha!" Pukaw sakin ng kapatid ko dahilan upang napatingin ako sa kanya. "Ano ba talaga ang nangyari? Bakit ka umiyak? Sumagot ka nga! Pinag-alala mo 'ko, eh!" Ali-gagang tanong niya sakin.

"Pumunta dito si Hyder,"

Nagulat siya. "Talaga? Oh, tapos? Anong sinabi niya?"

"Aalis na siya," malungkot kong sagot.

Napaka-arte ko yatang umiyak. Isang linggo lang naman 'yun. Magkikita pa rin naman kami, 'di ba? Kaya bakit pa ba ako magka-ganito? Siguro natatakot lang ako na pag-balik niya dito, hindi na niya ako papansinin. Hinding-hindi na niya ako kakausapin. Tapos kung magsalita na siya harap ko, malamig na ulit. Ta-tratohin na niya ako na parang hindi niya nakilala, na parang wala kaming pinag-samahan.

"Kaya ka ba umiyak dahil umalis siya?" Tanong niya kaya tumango ako. "Saan ba siya pupunta?"

"New York."

"Eh, bakit ganyan ka kaapektado?"

Hindi ako sumagot. Bakit nga ba?

"Dahil mahal mo na siya." Hindi iyun tanong. Para bang sigurado na talaga siya na 'yun ang totoong sagot. "Bakit hindi mo siya pinigilan?

Mas lalo akong umiyak at yumuko habang umiling. Tinatanong ang sarili kung bakit hindi ko 'yun ginawa. Masyado akong napako sa kinatatayuan ko sa nagawang paalam niya kaya hindi agad ako nakakilos. Ano nang gagawin ko?

"Halika na. Kakain na daw sabi ni Tito." Inakbayan niya ako at bumalik sa bahay. "Sa bahay na lang natin 'yan pag-usapan." Dagdag niya.

Sumunod kaming dalawa ni Clarity sa likod nina Tito, Kuya Rex at kuya Jasper na masayang nag-uusap. Nanatili akong nakayuko at pino-proseso ang mga gagawin ko. Bukas na ang flight niya, pipigilan ko kaya siya? Pero naka-plano na ang lahat para sa pag-alis niya. Ayaw ko nang pagkatapos kong umamin ay iiwan niya ako. Pero, isang linggo lang naman 'yun kaya wala nang dapat pang ikabahala.

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon