Chapter 56

970 46 4
                                    


Hyderson POV

Kinabukasan ay nahirapan akong bumangon dahil sa sakit ng katawan ko. Parang mas gusto na lang na humiga boung araw dahil sa pagod. Pagod akong bumangon. Pagod akong kumilos. Tamad akong kumain, 'yung tipong simpling hawak lang ng kubyertus ay hindi ko magawa. Bumangon ako habang hinilot ang balikat ko at braso. Pinilit kong tumayo kahit medyo nangayayat pa ang tuhod ko.

Ngayon ko lang naalala na hindi pala kami nakapasok kahapon. Panibagong lesson na naman ang na-miss ko. Ayuko talaga sa lahat ng ganun, pero wala akong magawa. Medyo naging strick si Mama kahapon, eh, kaya susunod na lang kami sa mga sinasabi at inuutos niya.

Sa totoo lang, hindi pag-lilinis lang ng sahig ang ginawa ko kahapon, 'yun din ang boung akala ko. Hindi lang pala 'yun ang gagawin ko. Pinalinis pa ako ni Mommy ng bakuran. Ngayon lang ako nataohan na sobrang dami pala ng dahon ang nahuhulog sa puno ng mangga kaya todo linis naman ako. Pati ang pool ay nadumihan na kaya panay linis kaming tatlo. Alas tres ng hapon kami natapos dahil sa dami ng pinapagawa ni Mama.

Pakiramdam ko parang binato sakin pabalik ang mga ginagawa ko kay Trisha noon. Kung dati ay ako mismo ang nag-uutos at sumisigaw, ngayon ay ako na ang inutosan at sinigawan. Ngayon, alam ko na ang pakiramdam ng ganitong sitwasyon. Unti-unti ko na ring naintindihan ang pagod ni Trisha sa tuning pinapalinis ko siya. Hindi pala madali ang maging isang katulong. Alam kong huli na ang lahat para maramdaman ko 'to dahil nasa tamang bahay na ang babaeng 'yun.

"Kuys, 'lika na, kakain na daw." Tinig ni Iverson ang narinig ko mula sa likod.

Hindi ko siya nagawang lingonin at tumango na lang. Ramdam kong lumabas siya sa kwarto ko at sinara ang pinto. Naiwan akong nakatungo habang nakatukod ang mga kamay sa lababo kasabay ng pagbuntong-hininga.

Isa na lang problema ko. Kung paano ulit kakausapin si Trisha. Pagkatapos kong umamin sa kanya, parang nahihiya na yata akong lumapit. Ganito pala ang pakiramdam ng isang torpe? Potangina! Bakit hindi ko man lang naramdaman ito no'ng nagustohan ko si Clarity? Palagi pa nga akong excited na makita, maka-usap at ma-solo si Clarity tapos pagdating kay Trisha nanghihina ako. Excited naman akong makita siya, matutuwa pa nga ako. Kung iisipin ko ngayon na kasama ko siya, pakiramdam ko parang naiilang ako.

Ano ba 'yan! Ano bang klasing gayuma ang binigay niya sakin at naging ganito ako bigla pagdating sa kanya! Kainis!

"Kuys!"

"Hoy, potangina!" Gulat kong sigaw. Napahawak naman ako sa dibdib ko. Masama akong lumingon kay Iverson at mabilis siyang inambahan ng supak. "Hayop ka! Kapag inulit mo pa 'yun, bugbug sarado ka sakin!" Pagbabanta ko sa kanya ngunit tinawanan niya lang ako.

"Hahaha! Ang pogi mong magulat! Mamatay siguro si Anne Curtis 'pag nakita 'yun!" Giliw niyang sambit sakin habang natatawa.

Malamig ko siyang tiningnan habang nagtimtimpi sa galit. "Kapag hindi ka tumigil, ma-Anne Curtis ka talaga sakin!" Giit ko habang pinakita sa kanya ang kamao ko.

"Sus! Puro ka banta sakin tapos hindi mo naman magagawa. Hanggang salita ka lang yata, eh!" Aniya.

"Oo. Pasalamat ka at hindi ko magagawa 'yun dahil kapatid kita." Sabi ko habang tinignan siya ng masama na siya namang nakangiti sakin. "Ano ba kasi 'yun?"

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon