Chapter 45

1.1K 64 8
                                    

Tahamik akong nakatingin sa bintana habang nagmamaneho si Clarity pauwi. Naging masaya sakin ang araw na 'to kahit nabwesit ako kay Lucky kanina pero bumabagabag sa isipan ang huling sinabi sakin ni Hyder

Ayaw niyang makipag-kaibigan sakin dahil ayaw niyang hanggang kaibigan lang. Eh, ano bang gusto niya? Maging kami? Maging katulong niya ulit? Maging tuta niya? Kalokohan. Ni wala nga siyang gusto sakin, eh. May pinakita ba siyang magandang asal sakin dati, eh, wala naman.

Ewan ko ba kung anong pusok sa utak no'n. Hindi ko din alam kung bakit lumakas ang tibok ng puso ko kanina, pero hindi ko na 'yun pinansin. Baka normal lang 'yun hehe. Ah! Basta! Kung ano man ang ibig niyang sabihin sa huling sinabi niya, subukan kong tanggapin beke nemen.

"Okay ka lang?" 

Napalingon ako kay Clarity. "Oo naman. Mukha ba akong hindi okay?"

"Hmm." Tumango ito. "Parang ang 'lalim kasi ng iniisip mo, eh. Pagdating natin sa bahay, dapat nakangiti ka. Iba kasi 'yun si Mommy, eh. Kunting busangot mo lang, mag-alala na 'yun."

Napangiti naman ako. Napansin ko din 'yun. No'ng nasa kwarto kasi ako, no'ng una kong uwi sa bahay, pumasok no'n si Mommy. Nakabusangot ako habang nakatingin sa mga litrato namin at napansin niya 'yun, tapos pinaulanan niya agad ako ng mga tanong. Hindi ko tuloy maiwasang matawa dahil sa reaksyon niya.

Marami ng nag-bago sa bahay. Mga picture namin ay agad pina-develop ni kuya para madagdagan ang memories. 'Yung pinakamalaking picture sa sala ay pinalitan na din kung saan nandoon ako. Family picture kung baga. Mas lalo pang nadagdagan dahil pina-develop din ni kuya ang picture ko.

Maraming picture ang pina-develop ni kuya at ang iba pa no'n ay kasali sina Melanie at Jess no'ng minsang nagbonding kaming apat, 'yun nga lang nasa kwarto ko at kwarto ni Clarity inilagay. At hindi nawawala doon ang picture naming magkakapatid kung saan pangalawa sa pinakamalaking picture. Nakakatuwang tingnan, hindi ba?

Sa likod ng nagdaang panahon, nakatira ako sa bahay na mahirap ngunit masaya ang pamilya, pero hindi ko inaasahan na sa likod ng buhay ko, ganitong bahay ang makakasalubong ko. Hindi naman sa hinihiling ko ang ganitong bagay, hindi ko lang maiwasang maiyak sa tuwa dahil may tamang bahay na akong mauuwian.

Ngunit, may isang bagay pa akong hindi sinasabi sakanila at si Clarity lang ang may alam nito.

'Yun ay ang naging katulong ako.

"Nagbonding kaya tayo? Let's go to the beach this weekend!" 'Yun agad ang sinabi ni Clarity sa hapag.

Nakahanda na kasi ang pagkain sa mesa pag-uwi namain at hindi ko 'yun inaasahan. Hindi ko alam na ganito kaaga sila kakain ng hapon. Hindi na ako rumeklamo, baka kasi may masabi pa akong mali. Ganito ba talaga kapag mayaman?

Aligaga tuloy akong nagbihis sa kwarto, tapos 'yung uniform ko hindi ko pa na hanger ng maayos. Kainis.

"Nako, baby. Busy kami this weekend, eh." Dismayadong sagot ni Mommy. "Sa susunod na lang, promise."

Tumangong nakangiti si Clarity ngunit bakas sa mukha niya ang lungkot. Gusto ko sana 'yun kasi kahit kailan never akong nakapag-ligo sa beach kasama ang pamilya, pero dahil may business nga kami, hindi pweding pabayaan na lang 'yun. Alam ko naman kung bakit sinabi ni Clarity 'yun para maka bawi sakin at makapag-bond as a complete family, pero kasi hindi lahat ng oras ng mga magulang ko ay mapupunta samin o sakin. May mga Importante din silang bagay na dapat asikasohin para sa kinabukasan naming lahat.

"Well, kung gusto niyo mag-beach kasama ang kaibigan niyo, papayagan ko kayong dalawa dahil busy din ang kuya niyo this weekend. What do you think? Klare?" Saad naman ni Dad ngunit napayuko ako sa pangalang tinawag niya sakin.

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon