Chapter 13

1.4K 63 1
                                    

"Aray!" Singhal ko nang pabato niya akong binitawan. Huminto kami sa mismong classroom ko kaya pinagtinginan kami ng mga estudyanteng dumadaan dito. Ganda ko, 'no? Inggit kayo!


Masama naman akong tiningnan ni Master. "Trisha, pwede ba, sa susunod, dumeritso ka na agad dito sa room mo at umiwas ka nalang sa gulo!" Mahinang saad niya ngunit may galit ang tinig.


Kunot noo ko naman siyang tiningnan. "Ha? Wala akong ginagawang masama, ah? Ikaw lang ang gumawa ng gulo kanina tapos ako ang pinagbibintangan mo?! Utak pa ba 'yan?"


"Sa tingin mo ba hindi ko narinig ang sagotan niyo ni Lucky kanina?!" Sabi niya dahilan upang matigilan ako. Yumuko ako. Hindi ko alam na narinig pala 'yun ni Master. "Trish, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na umiwas kana lang!"


Mabilis kong inangat ang ulo ko upang maharap siya. "Masabang ipagtanggol ko ang sarili ko, Master? Siya na nga ang nag-umpisa!"


"Kahit na! Lagpasan mo nalang! 'Wag mo nalang pansinin!"


"Eh, kulang sa pansin 'yun! Despirada na, in-securista pa!"


"Trisha! Kilala mo naman siguro ang Mommy niya, 'di ba?!"


"Siya na nga ang nag-umpisa, Master! Wala akong kasalanan! Pinagtanggol ko lang ang sarili ko.. masama ba 'yun? Alam mo namang ang hirap umiwas ng gulo kung mismong gulo ang lalapit sa'yo! Paano ko din lalagpasan kung mismong siya ang haharang! Wala akong choice kundi ang lumaban!" Sabi ko. Agad namang umiwas ng tingin sakin si Master habang ako, kulang nalang tutulo na ang luha ko.


"Siya na nga ang nag-umpisa, ako pa ang may kasalanan! Wala naman akong ginawa kundi ang mag-salita lang, ah! Bakit hindi mo sabihin sa Mama niya na turuan ng leksyon si Lucky? Kasi.. pakiramdam ko, parang ako pa ang may kasalanan kapag nag-aaway kami! Nanahimik lang naman ako, Master!"


"Hindi naman sa ganun," malumanay niyang sabi ng tumingin sakin.


"Hindi sa ganun? Sana naman kahit papano, ipaglaban mo rin naman ako! Newbie palang ako dito, Master. At wala akong alam sa mga patakaran dito! Alam mo rin naman, 'di ba, na walang akong magulang na ihaharap sa guidance dahil mag-isa lang ako! Ang hirap lumaban Master dahil wala kang kasama. Mag-isa ka lang. Lalo pang naging komplekado dahil palagi kapang pinag-bibintangan." Agad kong pinunasan ang luha ko ng maalala ko ang nangyari sa mga magulang ko.


"Sana.. sana maramdaman mo 'yun," dagdag ko at agad siyang tinalikuran. Nagtungo kagad ako sa upoan kung saan ako naka-pwesto at palihim na umiyak dahil sa naalala ko ang nakaraan.


Ang hirap mabuhay mag-isa, 'no? Walang mag-aalaga sa'yo. Wala kang masasandalan. Kailangan mo pang kumayud para sa pang-araw araw.


Natutuwa ako dahil nakapag-aral na ako. Pero hindi ako natutuwa sa kahinatnan ko ngayon. Pero wala akong magagawa dahil ito na ang binigay na buhay ng diyos sakin kaya kailangan kong tanggapin.. kahit mahirap.


Agad nagsimula ang klase kaya agad kong pinunasan ang luha ko. Nagtataka ako dahil wala pa si Clark at isang babae ang nasa pwesto niya. Hindi ko nalang pinansin 'yun at pinilit ko nalang makinig sa guro kahit wala akong naintindihan sa mga sinasabi niya dahil ingles nalang ng ingles.


Dumating ang recess, wala akong ganang tumayo at dahan dahang lumabas dala ang bag. Masama?


"Trisha," walang gana akong lumingon sa babaeng tumawag sakin.


Siya 'yung babaeng naka upo sa tabi ko — na pwesto ni Clark. Nakangiti itong lumapit sakin. Bakit ba kasi hindi ko kakilala ang mga kaklase ko! Nakakainis naman!


"Sabay na tayong pumuntang Café," sabi niya. Sabay kaming lumabas ng room at pinagpatuloy ang paglalakad.


Kumunot ang noo ko. "Pasensya na pero ayukong mag-kape," sabi ko habang hindi nakatingin sakanya.


"I mean, cafeteria," sabi niya.


"Pinutol mo kasi kaya hindi ko na gets agad," maktol ko. Rinig ko ang hinang pagtawa niya. Hindi ko nalang siya pinansin.


Parang nawalan ako ng gana. Wala naman akong ginawa pero parang napagod ako. Pupunta nalang akong library mamaya, matutulog nalang ako do'n. Nakakapagod!


"Nga pala, bakit ka ba umiyak kanina?" Tanong niya sakin matapos kaming omorder. Tanging sandwich lang at C2 ang binili ko. Hindi naman kasi ako nagutom masyado, eh.


"Wala," malamig kong sagot. "Uhm.. hindi mo ba nakita si Clark?"


Hindi ko alam kung bakit hinanap ko si Clark. Siguro dahil na-curious ako kung bakit siya ang naka-upo sa pwesto ni Clark kanina. Ewan.


"Si Clark? Nasa meeting room lahat ang mga officers dahil pinag-uusapan nila ang pagbabalik ni Diablo," kumunot naman ang noo ko. Nasa empyerno ba ako? Sabihin niyo lang, ah? Ayuko pa kasi ng mamatay, eh!


"Si.." bago ko naituloy ang sasabihin ko, dinugtungan niya agad.


"Si Mark,"


Oo nga pala. P*ta! Bakit ko nakalimutan ang nangyari kanina? Nahalo yata sa utak ko ang sagotan namin ni Master kaya nawala sa isip ko. Bumalik na naman sa alaala ko ang ginawa ni Master kanina. Hindi ko tuloy makilala kung sino siya. Hindi siya ang Master na nakilala ko. Sa nakikita kong mukha niya kanina ay sobrang sama talaga. 'Yung tao na kayang pumatay ng tao? 'Yung tao na walang puso.


Continuation..

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon