Chapter 28

1.3K 48 13
                                    

"Iver, nandito ka pala." Tinig ni Clark ang narinig ko mula sa itaas. Hindi siya pinansin ni Iver dahil na saamin lang ang paningin niya, mukhang hindi niya inaasahan ang nangyari.

Napalunok ako at gulat parin. Kainis! Bakit hindi ko siya napansin? My god! Nakita niya kaya ang boung pangyayari? Nakakainis! Bakit hindi ko man lang napigilan si Hyder.

"Kailangan ko nang umalis." malamig niyang saad habang nakatingin parin samin, sakin.

"Ha? Kararating mo lang, eh. Dito ka na lang kumain-bro!"

Agad tumalikod si Iverson nang wala man lang pag-aalinlangan. Kinabahan ako dahil baka hindi niya ako papansinin.

"Iver, sandali!" Tawag ko sa kanya. Tatayo sana ako nang pinigilan ako ni Master sa braso kaya napatingin ako sakanya.

Napalingon din samin si Clark bago niya sinundan ang kapatid.

"Walang hiya ka!" Inis ko siyang hinampas sa braso. Napa-'aray' naman siya. "Bakit mo naman ginawa 'yun?!"

"Ha? Ang alin?" Takang tanong niya na parang hindi niya alam.

"Nagmaang-maangan ka pa! Nagmaang-maangan ka pa! Bakit mo 'ko hinalikan?!" Tanong ko. Rinig ko pa ang pag-echo ng boses ko sa bahay.

"Kasalanan mo 'yun! Bakit kasi nakaka-attract ang bibig mo?!" Inis niyang sinabi 'yun pero pakiramdam ko, inaasar niya ako. Mabilis naman akong natigilan dahil sa sinabi niya.

Nakaka-attract daw ang bibig ko, amp.

"Oy, kinilig siya. Yiee haha!" Kinurot niya ang kiliran ko. Inis kong binawi ang braso ko tumayo.

"Ha! K-Kahit kailan hindi ako n-natutuwa sa ginawa mo! Tsaka bakit mo ba ginawa 'yun? Alam mo bang first kiss ko 'yun!"

Natigilan siya sa sinabi ko kaso agad ding napangiti. "Pasalamat ka nga't sa gwapong katulad ko pa napunta."

"Ha!"

"Nagrereklamo ka pa! Gusto mo bang bawiin?" Pang-aasar niya sakin. Kinagat niya ang ibabang labi niya habang nakatingin sakin. "Gusto mo yatang bawiin, eh. Halika nga dito,"

Agad kong umatras nang sinubukan niyang hulihin ang mukha upang mahalikan ako ulit. Nakahanda pa ang dalawang kamay niya para mahawakan ang mukha ko. Laking gulat ko nalang nang mahawakan niya ang mukha ko at agad inilapit sa mukha niya kaya agad akong umatras at inalis ang kamay niya.

"Ayy! Ano ba! Manyak!" Sigaw ko at hinampas siya gamit ang bag ko.

Mabilis ko siyang tinalikuran at nag-tungo sa kwarto ko. Inis kong sinara ang pinto at dumandal. Mula dito ay rinig ko padin ang tawa ni Master kaya sumimangot ako. Ano bang trip niya?

Napahawak naman ako sa labi ko dahil parang ramdam na ramdam ko pa rin ang labi ni Master sa labi ko. Hindi ko maiwasang mamula sa halik niya. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko nang maalala ko kung paano niya ako titigan kanina- Mali! Dapat magalit ka sa kanya, Trish! Hindi ka dapat kiligin! Hindi ka pweding magpadala ng ganun-ganun nalang! Dapat lang magalit dahil hindi mo 'yun nagustohan! Tama! Galit ako!

Hindi kagad ako bumangon kinabukasan, bumabagabag parin sa isipan ko ang nangyari kagabi. Bakit ba kasi ginawa niya 'yun. First kiss ko 'yun tapos sakanya pa napunta, sa unggoy pa talaga.

Kung alam ko lang na 'yun pala ang mangyari, hindi ko na sana siya nilapitan. Bakit kasi hindi siya dumeritso sa itaas?! May komportable siyang higaan, bakit sa couch pa?!

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon