Chapter 22

1.4K 52 2
                                    

Hindi ko maiwasang hindi magtaka sa inaasta ni Hyder ngayon. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa mga ginagawa niya. Hindi ko masyadong makain ang pagkain ko dahil kilos ni Hyder ang nasa attention ko.

Ano bang ginagawa niya? Ginawa niya ba ito para bumawi sa mga ginawa niyang paghihirap sakin? O baka naman ginawa niya lang ito para asarin si Iver. Nakakapanibago ang kinikilos niya eh, hindi ako sanay.

Ewan ko ba kung kikiligin ba ako sa ginawa niyang pagsubo sakin ng pagkain. Karamihan kasi sa paligid namin, tinutukso kami. Iba naman sakanila ang naiinis at naririndi samin. Haayy.

Bigla kong naalala ang sagotan namin ni Hyder kagabi. Napayuko nalang ako nang naisip ko na baka 'yung mga papeles na kinalkal niya kagabi ay tungkol iyun sa pag-alis ko. 'Wag naman sana. Kung tama man ang naisip ko, gagawin ko ang lahat 'wag niya lang akong paalisin dito.

Pag-aaral lang ang may kapit sa buhay ko at ayukong bitawan 'yun. Kung kailangan lumuhod ako sa harap ni Hyder, gagawin ko. Kung kailangan magmamakaawa ako, gagawin ko. Kung gusto niya ng kapalit sa lahat ng pagtulong niya sakin, ibibigay kahit ano.

Kinabukasan lang ang natira sakin. At kahit papa'no ay nagpapasalamat ako sakanya dahil binigyan niya ako ng pagkakataong makapag-aral. Kahit gaano siya ka-sama sa paningin ko ay hindi ko makakalimotan ang mga magagandang bagay na ginawa niya sakin.

Layuan mo si Iverson, 'wag mo siyang pansinin. Kung lumapit siya sayo, tumakbo ka kagad! Kung may sinabi siya sayo, 'wag kang magpapadala.. naintindihan mo?”

Mariin akong pumikit nang umalingawngaw ulit sa isip ko ang katagang iyun.

Bakit ba sinabi ni Clark sakin 'yun? May masama bang balak si Iverson sakin? Hindi kaya ako 'yung tinutukoy ni Clark nung minsang nakausap niya si Iver sa sulok, kaya niya ako binalaan na layuan ko si Iverson?

Haayy. Hindi ko alam kung gagawin ko ba iyun. May parte sakin ang sumunod pero may parte din sakin ang tumutol. Saka ko na lalayuan si Iverson kapag sinabi sakin ni Clark ang dahilan.

Palihim akong lumingon kay Clark at laking gulat ko nalang na nakatingin pala siya sakin. Wala emotion 'yun at kung makatingin din siya sakin ay parang may sinasabi ang mga mata niya kaso hindi ko maintindihan.

Maya maya pa ay umiwas siya ng tingin at bumaling kay Melanie. Hindi ko alam pero nangangamoy isda na ako sa dalawang ito. Paminsan-minsan, napapansin ko, tumitingin si Clark kay Melanie at minsan titigan niya ito. Ewan ko sa dalawang ito. Parang may kakaiba kasi.

"Wala ka talagang balak galawin ang pagkain mo, ano?" Natigilan naman ako nang inis na boses ang narinig ko. Lumingon naman ako kay Hyder. Kung paano ako tingnan ni Clark kanina, ganun ako tiningnan ni Hyder ngayon. Magkapatid nga sila.

Napatingin ako sa hawak ko dahil kahit walang pagkain ang laman ay kinakain ko ang kubyertus at mukha akong timang.

"Mukhang gusto mo talagang subuan kita ulit, ah?" Nakakalokong ngiti ang gumuhit sa labi niya.

Napatitig ako saglit sa ngiti niya dahil madalas lang 'yun lalabas.

Agad naman akong umiwas nang mapansin kong nakatitig lang siya sakin.

"K-Kakain na 'ko," saad ko at sumubo ng pagkain.

"Hmm, at 'wag kang titingin kahit kanino dahil wala doon ang pagkain mo! Understood?" Mataray na namang sabi niya. Bumaling ulit siya sa pagkain niya.

"Trisha," tawag sakin ni Iverson kaya napalingon ako sakanya. Ngiti niya kagad ang bumungad sakin. "Pwede ba tayong lumabas mamaya?"

"Nang naka-uniform?" Singit ni Hyderson nang magsasalita sana ako. Napalingon naman ako sakanya.  "Nahh, hindi siya pwede,"

Ang Maldita Kong Katulong [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon